Andrew Schimmer, nasa taping ng Family Feud habang nag-aagaw buhay si Jho Rovero

by PEP Troika
Dec 20, 2022
andrew schimmer jho rovero
Halos magsisimula na ang taping Family feud nang biglang nakatanggap ng tawag si Andrew Schimmer mula sa St. Luke’s na sinisikap na raw i-revive ang partner nitong si Jho Rovero. Itinigil ang taping at nag-decide ang production staff na paalisin na si Andrew.
PHOTO/S: Andrew Schimmer Facebook

GORGY RULA

Nasa taping pala ng Family Feud si Andrew Schimmer nang nag-aagaw-buhay ang partner niyang si Jho Rovero sa St. Luke’s Hospital, ngayong Martes, December 20, 2022.

Read: Andrew Schimmer’s partner Jho Rovero dies

Si Andrew ang leader sa team nilang Kakabakaba Adventures kasama sina Kiel Rodriguez, Julie Lee, at Gayle Valencia.

Ang Kakabakaba Adventures ay ang weekly series sa GMA-7 nung 2004 kung saan si Dingdong Dantes ang direktor.

Bale nag-reunion sila sa naturang game show at excited silang lahat nang isalang na ang taping.

Halos magru-roll na raw nang biglang nakatanggap ng tawag si Andrew mula sa St. Luke’s na sinisikap na raw i-revive si Jho. Itinigil ang taping ng Family Feud at nag-decide na ang production staff na paalisin na si Andrew.

Tiyak na hindi naman siya makapag-concentrate sa laro dahil ang kalagayan ng partner niya ang nasa isip. Kaya naghanap na lang daw sila ng ipapalit.

Mabuti at available daw ang isa nilang kasamahan na si Benj Basa, at kaagad na pinatakbo ng studio pagkatapos ng antigen test.

Awang-awa kay Andrew ang buong taga-Family Feud, lalo na ang mga kasamahan niya sa kanyang team. Naramdaman na rin daw ni Andrew na yun na ang katapusan ng partner nito.

NOEL FERRER

Hanggang sa huling post ni Andrew, talagang ipinakita niya ang kanyang pagmamahal kay Jho.

Dito maaalala si Andrew — sa kanyang devotion sa kanyang asawa, at pinangatawanan niya ang vow na “in sickness and in health, for richer or poorer, till death do us part.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At parang hindi na mawawala sa kanyang gunita ang kanyang partner kahit na yumao na ito. Mananatili ito kay Andrew at magsisilbing inspirasyon ang kanilang samahan sa pag-iibigang hindi natinag, kahit na ng kamatayan!!!

Our prayers and sincere condolences.

JERRY OLEA

Naalala ko tuloy noong nag-uumpisa pa lang sina Andrew Schimmer, Jay Aquitania, Benj Basa, at Kiel Rodriguez bilang bagong Guwapings na inalagaan ng namayapang talent manager na si Douglas Quijano.

Dalawang dekada na ang lumipas. Mabuti at pumayag agad si Benj na pumalit kay Andrew sa taping ng Family Feud.

Nakikiramay tayo kay Andrew sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halos magsisimula na ang taping Family feud nang biglang nakatanggap ng tawag si Andrew Schimmer mula sa St. Luke’s na sinisikap na raw i-revive ang partner nitong si Jho Rovero. Itinigil ang taping at nag-decide ang production staff na paalisin na si Andrew.
PHOTO/S: Andrew Schimmer Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results