MMFF 2022 Parade of Stars scene-stealers: Vice Ganda at Toni Gonzaga, nagyakapan; Jake Cuenca, may pa-abs

by PEP Troika
Dec 22, 2022
MMFF Parade of Stars
Agaw-eksena sa MMFF 2022 Parade of Stars ang pagyayakapan nina Vice Ganda at Toni Gonzaga pati na ang pa-abs ni Jake Cuenca sa kanyang production number. Nagyakapan din sina Jake, Jodi Sta. Maria, at Coco Martin nang magkita-kita sa Quezon City Memorial Circle. Nagpa-groufie naman sina Heaven Peralejo at Ian Veneracion kasama ng crowd.
PHOTO/S: Sany Chua / Jerry Olea (Nananahimik Ang Gabi cast) Byx Almacen (Vice hugging Toni)

JERRY OLEA

Bago pa nag-umpisa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 Parade of Stars nitong Disyembre 21, 2022, Miyerkules ng hapon, may naganap nang eksena sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City, malapit sa Welcome Rotonda.

Dito nakahimpil ang mga karosa ng walong MMFF 2022 entries.

Bumaba si Vice Ganda mula sa float ng entry niyang Partners In Crime at pinuntahan si Toni Gonzaga sa float ng My Teacher. Mahigpit silang nagyakapan.

Vice Ganda and Toni Gonzaga

Take note na magkaiba ng presidenteng inendorso sina Toni at Vice noong nakaraang 2022 elections—si Vice kay Leni Robredo at si Toni kay Ferdinand Marcos Jr. Kasunod noon ay nagpaalam si Toni sa Kapamilya Network.

WATCH: Vice Ganda, may hinabol sa MMFF 2022 Parade of Stars

Lumikha rin ng ingay ang mismong parada.

Maaga pa lang ay sandamukal na ang fans sa may Welcome Rotonda na nakaabang sa mga artista bago pa nag-umpisa ang event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kalakihan ang mga float kaya nakakadaan pa rin ang mga sasakyan to and fro sa E. Rodriguez Avenue at Quezon Avenue sa may Welcome Rotondo bago nag-start ang parade proper.

Binagtas ng parada ang Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle. Ipinalabas doon ang MMFF 2019 topgrosser na Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach.

MMFF 2022 entries at Quezon City Memorial Circle after Parade of Stars

Wala sa Parade of Stars ang senior citizens na sina Noel Trinidad at Liza Lorena ng Family Matters, ganoon din si Joey de Leon ng My Teacher, at Edu Manzano ng Mamasapano: Now It Can Be Told.

MMFF 2022 entry Family Matters at Parade of Stars

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa stage ng Quezon Memorial Circle, nagpa-abs ang bida ng My Father, Myself na si Jake Cuenca habang kumakanta. Hinubad ni Jake ang T-shirt at ibinato sa audience. Kapagkuwan ay nagsuot si Jake ng denim jacket.

MMFF 2022 My Father Myself at Parade of Stars

Noong makita ni Jake ang lead actor ng Labyu With An Accent na si Coco Martin ay nilapitan niya ito at niyakap. Nagkasama sina Coco at Jake sa Kapamilya series na Tayong Dalawa (2009) at FPJ’s Ang Probinsyano.

jake coco parade of stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nasa harap pa ng stage ang float ng Labyu With An Accent, kinawayan nina Coco at Jodi Sta. Maria ang Kapamilya stars ng Family Matters na nasa entablado that time.

MMFF 2022 Labyu With An Accent at Parade of Stars

Maliban kay Jake, kumanta rin sina Jeffrey Hidalgo ng Deleter.

MMFF entry deleter starring nadine lustre

May performance din si Heaven Peralejo na inabutan ng pulang bulaklak ng co-stars sa Nanahimik Ang Gabi na sina Ian Veneracion at Mon Confiado, at may hiwalay ring number si Atty. Ferdie Topacio na producer ng Mamasapano: Now It Can Be Told.

MMFF 2022 Nananahimik Ang Gabi at Parade of Stars

Hindi nakasama sa parada si Dimples Romana ng My Father, Myself pero humabol siya sa programa sa Quezon Memorial Circle.

GORGY RULA

Pinapakiramdaman namin sa parada kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tao. Dito rin natin matatantiya kung ano ang magiging performance nito sa takilya.

May ilang lugar na marami ang nag-aabang sa pagdaan ng parada, merong hindi gaanong matao.

mmff 2022 parade of stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tamang-tama lang ang haba ng binaybay ng parada na nagsimula ng alas-kuwatro ng hapon, at dumating sa Quezon Memorial Circle ng halos alas-siyete na ng gabi.

Natapos ang programa ng pasado alas-otso ng gabi kaya tamang-tama lang. Marami na ring tao sa last stop ng parada at may kanya-kanyang pakulo ang ilang artistang bahagi ng pelikulang kalahok.

MMFF 2022 entry Labyu With An Accent

As expected, malakas ang hiyawan kina Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Vice Ganda, at Ivana Alawi.

MMFF 2022 Partners In Crime

Pero hindi nagpahuli si Ian Veneracion na may grupo talaga ng fans na nagtiyagang nag-abang sa may Quezon Memorial Circle.

MMFF 2022 Nananahimik Ang Gabi

Idinaan na lang sa patawa ni Atty. Ferdie Topacio ang paliwanag kung bakit wala ang mga main cast sa pelikula niyang Mamasapano: Now It Can Be Told. Nag-aalaga raw ng bata si Aljur, at siyempre matanda na raw si Edu Manzano.

"Si Paolo [Gumabao], nag-confirm na sasama. Pero pinagod yata ni Jane de Leon sa Darna. Nagkatrangkaso," bulalas ng producer ng Borracho Films.

MMFF 2022 Mamasapano at Parade of Stars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa supporting actors ng Mamasapano na kasama sa parada ang Vivamax hunks na sina Marco Gomez, AJ Oteyza, at Elmo Elarmo, at ang gumanap na Noynoy Aquino na si Jervic Cajarop.

Inabangan namin sina Vice Ganda at Toni Gonzaga pagkababa ng kani-kanyang float para hingan ng reaksiyon sa pagbabati at pagyakap nila bago nagsimula ang parada.

Ang galing ng mga nakabantay kay Vice Ganda at sa ilang kasamahan nito. Nilapitan namin si Vice Ganda para hingan ng pahayag, pero hindi siya sumasagot.

Aligaga si Vice sa pagpapa-picture sa mga fans na lumalapit. Hinawi ako nang bonggang-bongga ng isang bodyguard niya, pero hindi ko na iyon nakunan.

Si Toni naman ay matipid lang ang sagot na “Okay naman!” sa tanong namin kung nasorpresa ba siya sa pag-akyat ni Vice Ganda sa karosa ng My Teacher.

Dalawang beses nasalang para mag-promote ang My Father, Myself, dahil humabol si Dimples Romana na hindi nakasali sa parada.

Na-traffic ang idinahilan kaya late na ito dumating. At least, may effort pa rin na makasama sa malaking promo na ito ng walong pelikulang kalahok.

MMFF 2022 My Father, Myself

Nagpapasalamat si Mayor Joy Belmonte sa lahat na mga dumagsa para panoorin ang parada, lalo na sa mga taga-Quezon City.

Aminado siyang mahilig talaga siya sa mga local films natin, kaya tinanong namin kung ano ang una niyang panoorin sa walong pelikulang kalahok.

"Siyempre, mahilig ako sa horror. So, I will watch all the horror movies. "Deleter, and I want to watch Family Matters, and yung pelikula rin ni Direk Lino Cayetano, Nanahimik ang Gabi.

"He texted me personally to watch it, and I will watch that. Pero as much as possible, meron na akong passes, at lahat na pelikula ay papanoorin ko dahil Christmas break naman."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agaw-eksena sa MMFF 2022 Parade of Stars ang pagyayakapan nina Vice Ganda at Toni Gonzaga pati na ang pa-abs ni Jake Cuenca sa kanyang production number. Nagyakapan din sina Jake, Jodi Sta. Maria, at Coco Martin nang magkita-kita sa Quezon City Memorial Circle. Nagpa-groufie naman sina Heaven Peralejo at Ian Veneracion kasama ng crowd.
PHOTO/S: Sany Chua / Jerry Olea (Nananahimik Ang Gabi cast) Byx Almacen (Vice hugging Toni)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results