Deleter overtakes Partners in Crime in MMFF 2022 box office? 3rd place is Family Matters

by PEP Troika
Dec 31, 2022
Deleter and Partners in Crime in MMFF 2022 box office
Is it true that Deleter (L) has already earned PHP121 million, overtaking Partners in Crime's PHP101 million in MMFF 2022 box office?
PHOTO/S: Movie Poster

JERRY OLEA

At ang nagwagi sa takilya ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ay...Viva Films!

Sa MMFF 2019, topgrosser ang Pinoy version ng Miracle in Cell No. 7, na pinagbidahan ni Aga Muhlach, at prinodyus ng Viva Films.

Kasunod nito ang The Mall, The Merrier starring Vice Ganda and Anne Curtis, na joint venture ng Viva Films at Star Cinema (ABS-CBN).

Nangyari ang pandemya. Mahina ang virtual edition ng MMFF 2020, kung saan naudlot ang pelikulang bida sana sina Vice at Ivana Alawi.

Balik-sinehan ang MMFF noong 2021, ngunit matamlay pa rin ito. Wala pa ring entry si Vice.

“Balik Saya” ang tema ng MMFF 2022 kung saan natuloy na ang tambalan nina Vice at Ivana sa Partners In Crime, na joint venture na naman ng Viva at Star Cinema.

Sa first day ng filmfest noong Disyembre 25, araw ng Pasko, ay agad itong kumaripas sa takilya.

Sumugod sa sinehan ang Little Ponies at ipinagbunyi ang puwet-puwet acting for the win!

Sa ikalawang araw ng 48th MMFF, unkabogable pa rin ang tambalang Vice at Ivana.

Sa ikatlong araw, bokya ang Partners In Crime sa Gabi ng Parangal pero keber!

Namayagpag sa awards night ang Deleter ni Nadine Lustre. Nanlo ito ng Best picture, best director, best actress, among others.

Prinodyus din ito ng Viva Films, at sa unang dalawang araw ng filmfest ay pangalawa sa Partners In Crime. Que horror! Na-miss ng moviegoers ang pagtili sa loob ng sinehan, at swak sa Gen Z ang Takot Award at Hakot Awards na pelikula ng MMFF 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napako sa third place sa takilya ang Family Matters na inisnab ng mga hurado sa MMFF 2022, pero bonggacious ang word-of-mouth kaya tinatangkilik pa rin ng mga tao.

Bulung-bulungan na noong Disyembre 30, Biyernes, ika-126 anibersaryo ng kamatayan ng ating pambansang bayani… naungusan na ng Deleter ang kinita ng Partners In Crime. Usapang-multo ba iyon na dapat ikahilakbot?

NOEL FERRER

May sariling huwisyo talaga ang mga tao!!!

At ang galing ng ating viewers, ha!!! Pipili talaga sila ng pelikula ayon sa panlasa at gusto nila.

More than advertising or jury choices, pangangatawanan nila ang gusto nila, kaya kitang-kita ang pila sa Deleter (Viva Films), Partners In Crime (Viva Films at Star Cinema), Family Matters (Cineko Productions), at Labyu With An Accent (Star Cinema)! At kung totoo ngang naungusan na ng Deleter ang Partners In Crime… ang big winner, walang iba kundi ang Viva Films na producer ng dalawang pelikula!

GORGY RULA

Ayon sa very reliable source ng PEP Troika, wala naman daw gaanong nabago nung Biyernes, December 30, kahit holiday pa ito.

Pero kapansin-pansing marami pa ring tao sa mga sinehan na naikot namin. Natuwa ang taga-Rein Entertainment na nadagdagan ng mga sinehan ang pelikula nilang Nanahimik Ang Gabi. Kahit mabagal ang pagtaas, basta ang mahalaga ay hindi pababa. Kahit paano ay curious din ang mga tao kung maganda nga ba ang pelikula, at kung talagang magaling ba ang tinanghal na Best Actor na si Ian Veneracion at ang Best Supporting Actor na si Mon Confiado.

Pero hindi pa rin talaga sila nakakabawi sa ngayon. Ang nabago lang dito ay nilagpasan na nga ng Deleter ang ilang araw ding nangunguna na Partners in Crime.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

UNOFFICIAL, as of Friday, naka-PHP121 million na ang horror film ni Nadine Lustre at sumunod ang Partners in Crime na PHP101 million.

Malayo na ang nasa pangalong puwesto na Family Matters na naka-PHP40 million.

Sumusunod ang Labyu with an Accent, My Teacher, Nanahimik ang Gabi, Mamasapano: Now It Can Be Told, at My Father, Myself.

Inaasahang mas lalakas ito ngayong unang araw ng taong 2023 dahil maglalabasan uli ang mga tao.

Sigurado na ang Deleter at ang Partners in Crime sa kanilang puwesto. Kaya dapat na itodo pa ng Family Matters at iba pang pelikulang sumusunod ang pagpu-promote para panoorin ang pelikula nila.

Alam ko muling mag-iikot sa ilang sinehan ang cast ng Nanahimik ang Gabi, at sana ay ganundin ang iba.

Ewan ko lang kung lalabas uli si Vice Ganda para sumugod uli sa mga sinehan. Abang-abangan na lang natin!

Sa ngayon ay hindi pa natin masasabi kung maaabot ba ng walong pelikulang ito ang PHP500 million na target. Pero maganda na ring senyales ito.

Kaya tiyak na mas maraming malalaking pelikula ang aasahan natin sa susunod na MMFF, at tatambakan siguro tayo ng horror films.

Ibabalik kaya ng Regal Entertainment ang Shake, Rattle and Roll?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is it true that Deleter (L) has already earned PHP121 million, overtaking Partners in Crime's PHP101 million in MMFF 2022 box office?
PHOTO/S: Movie Poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results