GORGY RULA
Nasilip ng PEP Troika ang Instagram Live ni Derek Ramsay habang nasa Helsinki airport sila, hinihintay ang boarding nila pa-Doha, Qatar, nung Biyernes, January 13.
Pabalik na sila ni Ellen Adarna ng Pilipinas, kasama ang anak ni Ellen na si Elias, pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon sa Europe.
Doon nila sinalubong ang bagong taon kung saan naglibot sila sa France, Sweden, at Finland.
Halos isang oras ding nag-IG live ang aktor kung saan sinagot niya ang tanong ng netizens.
Tungkol sa relasyon nila ni Ellen ang tanong ng karamihan, at dito rin niya inaming marami siyang napagtanto nang nag-decide siyang pakasalan si Ellen.
Sabi niya, hindi sapat ang nagmamahalan lang kayo para magpakasal na. Darating daw talaga ang tamang panahon na handa ka na.
Aniya, “Don’t get married because you think ‘I love her,’ or ‘I love him.’ ‘Oh my God! I wanna get married. I wanna have that wedding gown and walk down the aisle!’
“Make sure you know yourself and you know that you’re ready, and everything will be good.”
Deretsahang sinagot ni Derek ang nagtanong kung magkakaroon pa ba siya ng show sa TV.
Bukas daw siya sa paggawa ng pelikula kung talagang maganda ang material. Pero sa TV, hindi na raw.
Okay lang daw sa kanya na makatrabaho sa isang movie project ang ex-girlfriends niya. Pero kung siya ang tatanungin, gusto raw sana niyang makatrabaho ang ilan sa mga hindi pa niya nakatrabaho, kagaya ni Angel Locsin.
“I’ve worked with so many leading ladies. But I never got a chance to work with Angel Locsin. She’s a fantastic actress,” bulalas ni Derek.
Sa ngayon ay gusto raw niyang mag-focus na sa kanyang pamilya at magbiyahe.
“Travelling. Spending more time with family. Building homes. I love building homes. And, of course, I’m looking forward to having a baby boy,” napangiting pahayag ni Derek.
Ang magkaroon ng baby ang isa sa gusto nilang ma-achieve ngayong 2023, at kung siya ang masusunod, baby boy ang gusto niya.
Tinanong din niya si Elias, na gusto rin daw ng baby brother. Pero si Ellen ay baby girl ang gusto.
Nag-comment din sa IG live ni Derek ang anak niyang si Austin na nasa Dubai pala. Bumati rin si Elias sa kanyang Kuya Austin.
JERRY OLEA
Pagkatapos ng bakasyon nila sa Europe, nakatakda pa raw silang magbakasyon sa Bali, Indonesia, at meron pa raw silang naka-schedule na Japan.
Bandang end of March daw ay nasa New Zealand naman sila.
Pero bago matapos ang buwang ito ay pupunta raw sila ng Cebu dahil may bubuksang restaurant ang pamilya ni Ellen sa Temple of Leah sa Cebu. Isa raw yun sa mga sisimulang investment ng kanyang asawa.
NOEL FERRER
Planado talaga ang buhay-pampamilya nina Derek at Ellen. From family travels to business to personal time, ang ganda lang na naiayos nilang lahat ang mga ito—away from their lives in showbusiness.
Teka, private life na lang ba talaga sila at hindi na talaga magshu-showbiz muna?
Mukhang ok naman sila, at parang nakahanap ng ibang bread and butter kaya they are leading private lives muna—away from showbiz trappings.