Watch Now

Jackie Lou Blanco, suportado ni Sharon Cuneta ang pagbabalik sa pagkanta

by PEP Troika
Jan 20, 2023
jackie lou blanco recording
Pagkatapos ng maraming taon ay bubuhayin muli ng aktres na si Jackie Lou Blanco ang kanyang singing career sa pamamagitan ng pagre-record ng kanta na ire-release sa mismong kaarawan niya sa February 11, 2023.
PHOTO/S: Noel Ferrer

JERRY OLEA

Suportado ni Sharon Cuneta ang pagre-revive ni Jackie Lou Blanco ng singing career nito.

Bahagi ng Instagram message ng 57-anyos na Megastar para sa kanyang dearest friend nitong Enero 20, 2023, Biyernes ng gabi: “This is long overdue, just as your movie career is.

“If Mama Mina hadn’t left us, we would have shone brightly together. But to someone like you, it is never too late!”

Ang "Mama Mina" na tinutukoy ni Ate Shawie ay si Mina Aragon del Rosario na pumanaw noong 1996. Asawa ito ng big boss ng Viva Films na si Vic del Rosario.

Pagpapatuloy ni Mega, “So beautiful, so kind, so sincere, so talented. You never should have stopped shining.

“I am very proud of you and am praying for all the success you have deserved all these years! Am behind you all the way, Mama! Gogogo!

“Sabi nga naming mga maka-K-Drama at K-Pop: FIGHTING! I love you and cherish you so much. God bless you!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

JACKIE LOU BLANCO, THE SINGER.

Her life has always been filled with music. She gave us a hit album in the ‘80s with her hit remake of then 17-year-old Lesley Gore's (and right after, Dusty Springfield’s) "YOU DON’T OWN ME." She became more popular as a host and was later recognized as an actress — and then life happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THIS YEAR, JACKIE will reclaim her voice. We will revive her singing career. And recording a song to be released on her birthday in the social media platforms is the first step. She will also guest in a Valentine concert ng isa ko pang talent na si Arman Ferrer sa BGC Arts Center sa Feb 14. Naks!

I hope this opens a lot more opportunities for Jackie. Marami siyang gustong pasalamatan maliban sa pamilya niya na laging nandiyan para sa kanya.

Unang-una na si Sharon Cuneta na talagang nag-inspire at todo-suporta sa kanyang pagbabalik-musika at ang nasa management team nito na si Nancy Yang.

At siyempre ang Concert King na talagang hindi nawawala ang bond nila, Martin Nievera, at ang manager nitong si Joy Alonzo.

Pati rin si Cecile Azarcon Inocentes na siyang voice teacher niya ay willing ipakanta sa kanya ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin na dating kanta ni Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s her song,” ani Cecile na hindi ko na muna inalam ang buong kuwento.

Salamat kay Paulo Zarate of Studio Z for making this happen too.

Totoo ngang it really is never too late to begin again!!!

WATCH OUT FOR JACKIE LOU, THE SINGER ONCE AGAIN!!

GORGY RULA

Marahil sa history ng mga taong kapanahunan at nakasabayan ni Sharon ay si Jackie Lou ang puwedeng sumunod sa yapak ni Cherie Gil bilang ka-close na kaibigan at screen partner din.

Nagkasama sina Sharon at Jackie Lou sa Viva movies na My Only Love (1982), Friends In Love (1983), at Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin (1987) hanggang namatay na si Tita Mina.

Sa pelikula, naging paborito si Jackie Lou ni Direk Carlitos Siguion-Reyna. Naging memorable at pinuri siya sa mga pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit (1991) at Misis Mo, Misis Ko (1988).

Baka puwedeng magkasama ulit sina Sharon at Jackie sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa concert naman, puwedeng sila na ang kumanta ng “This Time I’ll Be Sweeter,” na idinuet noon nina Sharon at Angela Bofill.

Ang saya lang na merong mga ganitong totoong magkaibigan sa showbiz na karapat-dapat magtagumpay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng maraming taon ay bubuhayin muli ng aktres na si Jackie Lou Blanco ang kanyang singing career sa pamamagitan ng pagre-record ng kanta na ire-release sa mismong kaarawan niya sa February 11, 2023.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results