Watch Now

Wilbert Tolentino, iginiit na hindi legit ang bagong Miss Planet Philippines candidate at national director

by PEP Troika
Jan 21, 2023
Wilbert Tolentino and Miss Planet Philippines
Wilbert Tolentino, inalmahan ang pag-anunsiyo ng Miss Planet International Facebook page na ang nagngangalang Maria Luisa Varela (right) ang kandidata ng Pilipinas para sa pageant na gaganapin sa Uganda. Ayon kay Wilbert, "scam" ang Miss Planet International at walang representative ang Pinas dito.
PHOTO/S: Wilbert Tolentino / Miss Planet International Facebook

JERRY OLEA:

May panibagong kontrobersiyang kinahaharap ang Miss Planet International.

Nobyembre 13, 2022 ini-announce ng Miss Planet International via Facebook na hindi matutuloy ang timpalak na nakatakda noong Nobyembre 19 sa Uganda.

"We regret to inform that the Finals and Preliminary competitions won't be held due to the Host Organizers failed to comply and meet the requirements for the realization of the events," bahagi ng kanilang official announcement.

Nakapag-sash ceremony na ang mga kandidata roon.

Bago pa ini-announce ang postponement ng paligsahan ay may mga nag-back out na, kabilang ang kinatawan ng Pilipinas na si Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl.

Komento ni Wilbert Tolentino sa nasabing announcement (published as is): “Pano indi mag postponed? lahat nag back at ubos na yung delegates. Nahihibang pa cla may susupporta. yung integrity at credibility ginawa nila sa lahat ng delegates."

Si Wilbert ang manager ni Herlene. Bilang national director ng Miss Planet Philippines 2022 ay kasama si Wilbert sa entourage ni Herlene sa Uganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Disyembre 3, 2022, inihayag sa Facebook page ng timpalak na gaganapin ang Miss Planet International 2022 sa Enero 29, 2023 sa Koh Pich Theater sa Phnom Penh, Kingdom of Cambodia.

Enero 22-23, 2023 inaasahan ang arrival ng candidates sa nasabing bansa.

Tinawag ni Wilbert na "scam" ang pageant.

Enero 17, Martes, nag-comment si Wilbert sa artwork ng timpalak kaugnay sa finals (published as is): "Scam po yung pageant. indi nila sinoli ang binayad kong Franchise. dont be the next victim.

"if any candidate will represent Philippines magkaka problem po sa akin. i am still the current National Director of Miss Planet Philippines

"As National Director for Ms Planet in the Philippines, I would like to clarify that no replacement has been made. The Philippines will not send any representative to Ms. Planet competition this year."

READ: Herlene Budol caught crying on cam at the height of Miss Planet International 2022 controversy in Uganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, inanunsiyo sa Facebook page ng Miss Planet International na may kandidata ang Pilipinas sa pageant.

Sabi sa post noong Enero 18, Miyerkules: "Maria Luisa Varela is our Miss Planet Philippines 2023. Welcome to Cambodia the Kingdom of Wonder."

Noong Enero 20, naglabas muli ng anunsiyo sa Miss Planet International Facebook page tungkol sa sinasabing kandidata ng Pilipinas at sa bagong national director ng Miss Planet Philippines.

Sabi rito: "Miss Planet International Organization is proud to announce and confirm the participation of Maria Luisa Varela representing the Philippines in our upcoming pageant to be held on January 29th at the Koh Pich Theater in Phnom Penh, Kingdom of Cambodia.

"In addition, we are thrilled to confirm that Miki Antonio will be serving as our National Director in the Philippines for the upcoming year 2023. We look forward to working with Miki to make this year's pageant a success."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwinestiyon ito ni Wilbert.

Ngayong Enero 21, Sabado ng umaga, direktang nag-reply si Wilbert sa Facebook post ng pageant.

"It has come to my attention that the Ms Planet International Organization has delegated a certain Miki Antonio as National Director, who in turn has appointed Maria Luisa Varela to represent the Philippines in the upcoming pageant to be held on January 29th in Phnom Penh, Cambodia.

"This is in clear violation of their contractual obligations to me as the sole and exclusive National Director and franchise holder for the Ms Planet pageant in the Philippines for 3 years - for which I have paid a substantial sum.

"With this in mind, I will be constrained to take all available legal actions to prevent the usurpation of my contractual rights under our Franchise Agreement.

"May this also serve as a notice to the public that any other person proclaiming to be authorized to appoint a representative for the Philippines in the Ms Planet pageant is without merit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa isyung ito.

GORGY RULA:

Kay Wilbert Tolentino lang namin unang narinig ang beauty competition na ito. Sa title pa lang ay medyo napakunot-noo at tumikwas nang slight ang kilay ko.

Sabi naman ni Wilbert, "prestigious" ito dahil affiliated sa United Nations. Ang bongga pala?!

Pero nawala ang pagkamangha ko sa titulong ito pagkatapos ng nangyari kay Herlene Budol sa Uganda.

Lalo nang nakita ko ang ilang kandidata, parang mapapakuwestiyon ka talaga kung legit ang pageant.

Nawalan na rin ng gana si Herlene sa patimpalak na ito.

Nilinaw sa kanya ng production staff ng Magandang Dilag, ang upcoming Kapuso serye ni Herlene, kung sasali pa ba siya kung sakaling ituloy ang pageant sa Cambodia. In-assure ni Herlene na hindi na talaga.

Tuluy-tuloy ang taping ng seryeng ito, at nakatakda na ang airing next month. Kaya hindi na talaga puwede sa schedule ni Herlene dahil magiging abala na rin siya sa promo ng Magandang Dilag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na niya kailangang sumali sa Miss Planet International o anumang kumpetisyon.

Dapat na mag-hit ang Magandang Dilag dahil ang taas ng expectations sa kanya ng karamihan.

Abangan na rin natin ang pagsalang ni Herlene sa Fast Talk ni Kuya Boy Abunda pag ipu-promote na niya ang Magandang Dilag.

NOEL FERRER:

What is so special about this pageant at itutuloy pa pagkatapos itong dumaan sa sangkatutak na isyu na humantong sa hindi pagkakatuloy?

Good luck talaga sa mga sasali lalo na sa kapalit ni Herlene Budol na si Maria Luisa Varela, na kinu-question kung legit ba ang paghirang sa kanya.

Mas mahalaga, para saan at para kanino ba ang paligsahang ito? Bababa ba ang inflation at presyo ng sibuyas dahil dito? Ito ang concern ngayon ng mga kababayan natin!

MORE HOT STORIES ON PEP.PH

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Tolentino, inalmahan ang pag-anunsiyo ng Miss Planet International Facebook page na ang nagngangalang Maria Luisa Varela (right) ang kandidata ng Pilipinas para sa pageant na gaganapin sa Uganda. Ayon kay Wilbert, "scam" ang Miss Planet International at walang representative ang Pinas dito.
PHOTO/S: Wilbert Tolentino / Miss Planet International Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results