Watch Now

Maui Taylor, meron ding unpleasant experience with young actress

by PEP Troika
Jan 22, 2023
Maui Taylor: "I think yun yung kulang sa younger generation ngayon na nag-attitude ng ganun, na hindi ko nilalahat. Maraming sobrang humble, pero marami rin yung sobrang laki ng ulo, wala pa man din.”
PHOTO/S: @therealmauitaylor on Instagram

GORGY RULA

Masasabi ba nating ibang-iba talaga ang mga artista noong kapanahunan natin kung ikumpara ngayon?

Kapag nai-interview namin ang ilang senior stars, karamihan sa kanila ay may hindi magandang karanasan sa mga kabataang artista ngayon.

Pati si Maui Taylor ay ibinahagi sa amin ang naranasan niya sa isang young actress.

Nakasama raw niya itong young actress sa isang guesting niya sa GMA-7.

May ilang artistang kasabayan din daw niya na nag-guest at ilan pang young stars.

Itong si young actress lang daw ang naiiba, hindi raw kagaya ng ilang kasabayan din niyang magalang at bumabati sa kanila.

“Yung iba kasi, kalu-launch pa lang, feeling nila sikat na sikat na sila e,” bulalas ni Maui nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules, January 18, sa DZRH.

Nagpu-promote si Maui ng pelikulang Hello, Universe! na magsu-showing na sa mga sinehan sa Enero 25, Miyerkules.

Kuwento ni Maui, kasama raw niya ang ilang senior stars sa isang dressing room, pati yung young actress na “feeling pa-star.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pumasok sa dressing si feeling pa-star, alam naman niya kung sino ang kasama niya sa dressing room, e. Imposibleng hindi, kasi naabutan ka naman.

“'Tapos, wala, dedma siya. Hindi talaga siya namamansin. Kami naman, it’s more of hindi kami mamamatay pag hindi mo kami pinansin, di ba? Pero at the back of our heads, it’s more of respect,” saad ni Maui.

Naikukumpara raw niya sa kanilang Viva Hotbabes, na nung kasikatan nila ay talagang sinasabihan daw sila ng Viva na dapat marunong sila makisama sa kanilang co-actors.

“Dati kasi, ang difference nung time namin sa time ngayon, dati kasi we were trained by Viva to say hi to everyone, you know? To respect our senior actors, di ba?

“Yun yung training sa amin, e. I think yun yung kulang sa younger generation ngayon na nag-attitude ng ganun, na hindi ko nilalahat. Maraming sobrang humble, pero marami rin yung sobrang laki ng ulo, wala pa man din,” sabi pa ni Maui.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagka-pack up daw ng taping, nag-“bye” naman daw itong si young actress. Yun lang daw ang time na nabati sila.

Ayaw sabihin sa amin ni Maui kung sino itong ikinukuwento niya. Hindi na raw niya nakikita sa ngayon itong si young actress. Hindi rin daw niya alam kung may programa ito ngayon sa TV.

JERRY OLEA

Nakatatlumpu’t limang (35) taon na ako sa local showbiz. Marami akong nakitang artista na may attitude, at karamihan sa kanila ay hindi nagtagal sa larangan ng pelikula, telebisyon o musika.

Natutuwa ako na yung mga artistang may talento at marunong makisama ay nandiyan pa rin, laging may puwang sa entertainment industry.

Netizen ako mula noon pang Disyembre 1995. Natuto akong mag-internet sa tulong ng namayapang kaibigan na si Dinno Erece. Agad akong na-orient noon sa bashing sa Undernet channels na gamit ang mIRC. Wala pa noong Friendster, Facebook, Twitter, YouTube, Instagram at kung anu-ano pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat ay nagbabago. Nasubaybayan ko ang changes sa local showbiz landscape mula noon pang late ‘80s.

Pero patuloy nating ikalulugod ang mahusay na pakikipag-kapwa tao, celebrity ka man o karaniwang tao.

NOEL FERRER

Dahil sa social media, akala ng ibang artista, wala nang halaga ang entertainment press. Akala nila, sapat na ang magpasabog sa social media accounts at ipi-pick up na agad ng press.

At nawala na nga ang tunay na pakikipagkapwa—hindi lang sa press kundi sa kapwa artista rin. Sabi nga, sa SELFie generation, ang bida ay ang SELF, may ibang walang pake sa iba.

Tama si Tito Jerry, marami sa mga nagiging da hu ay yaong hindi marunong makipagkapwa. Kahit na anong galing mo sa industriyang ito, mananaig pa rin ang buti at husay sa pakikisama.

Iyan ang tried and tested nang katotohanan mula sa mga beteranong sina Tito Gorgy at Tito Jerry!

Read Next
Read More Stories About
Maui Taylor, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maui Taylor: "I think yun yung kulang sa younger generation ngayon na nag-attitude ng ganun, na hindi ko nilalahat. Maraming sobrang humble, pero marami rin yung sobrang laki ng ulo, wala pa man din.”
PHOTO/S: @therealmauitaylor on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results