Watch Now

Underage, nakakasabay ba sa ratings ng ibang Kapuso afternoon dramas?

by PEP Troika
Jan 23, 2023
underage gma-7
Elijah Alejo, Lexi Gonzales, and Hailey Mendes star in the Kapuso afternoon drama series Underage.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Ang gaan at nakakaaliw panoorin ang "Fast Talk" ni Kuya Boy Abunda sa kanyang guest na si Marian Rivera sa pilot episode ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong Enero 23, 2023, Lunes ng hapon, sa GMA-7.

Read: Marian Rivera, nagalit nang sabihan siya noon ni Dingdong Dantes ng "Siguro naka-prepaid ka lang"

fast talk marian rivera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagyang nabago ang timeslot sa panghapon dahil sumingit itong showbiz-oriented talk show ni Kuya Boy sa tatlong afternoon dramas.

Nauna ito sa Underage, kaya curious kami kung makakatulong ba ito sa afternoon drama nina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Read: Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes bida sa Kapuso remake ng Underage

Nung nakaraang Biyernes, January 20, ay kapansin-pansin na hindi pumalo ang rating ng Underage. Mas mababa ito ikumpara sa dalawang afternoon drama na consistent na mataas.

Maaaring bumaba ang viewership nung araw na yun.

Pagkatapos ng Eat Bulaga! na naka-6%, at 1.7% naman ang combined ratings ng katapat nitong It’s Showtime, sumunod ang Abot Kamay na Pangarap na naka-9.2%, at 9% naman ang Unica Hija.

Naka-6.6% ang Underage.

Pagkatapos ng tatlong local afternoon drama, sumunod ang K-drama na Secretary Kim na naka-3.9%, at sumunod ang Family Feud na naka-10.8%.

Ang mga datos na ito ay base sa NUTAM ratings ng AGB Nielsen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan natin bukas, January 24, kung ano ang magiging epekto sa ratings ng tatlong afternoon dramas ng pagsingit ng 20-minute talk show na Fast Talk With Boy Abunda.

Samantala, sa primetime naman nung Sabado, January 21, naka-10.1% ang 24 Oras Weekend at 2.1% ang TV Patrol Weekend.

Sumunod ang Amazing Earth na naka-11.8%.

Ang Pepito Manaloto ay naka-12.3%, at naka-4.6% naman ang Everybody Sing.

JERRY OLEA

Nag-tweet ang GMA Drama nitong Enero 23, Lunes ng 6:29 p.m., na lumampas na ang pilot episode ng Underage sa 1.4M views sa YouTube.

underage gma-7

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung underperforming ang ratings ng Underage nang mga sumunod na araw, patatagalin pa kaya ito sa ere?

Sabi-sabi, hindi kapani-paniwala na inaapi-api si Lexi Gonzales sa Underage.

Subaybayan natin ang ratings ng Underage ngayong meron nang Fast Talk With Boy Abunda (FTWBA) ang GMA Afternoon Prime.

Mukhang magkakatulungan ang FTWBA at 24 Oras sa paghahatid ng mga showbiz chika.

Abang-abang tayo sa mga payanig pa ng FTWBA this week with guests Glaiza de Castro, Alden Richards, Bea Alonzo, and Paolo Contis.

Read: Boy Abunda, pinangalanan ang Kapuso stars na gusto niyang ma-interview

At any rate, nitong Enero 22, Linggo, Chinese New Year, naka-5.3% ang All Out Sundays kumpara sa 2.8% ng ASAP Natin ‘To.

Ang GMA Blockbusters ay naka-3.1%, samantalang ang FPJ Da King ay 3.6%.

Ang Regal Studio Presents ay 3.5%, at ang Happy ToGetHer ay 9.9%.

Nung Linggo ay nagsimula ang 5th season ng The Clash, at naka-12.4% ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kasunod na Kapuso Mo Jessica Soho ay 13.6%, at 3.9% naman ang The Boobay and Tekla Show.

NOEL FERRER

Ayun, may rating na rin kahit papaano ang ALLTV. Ang NET25, meron na rin ba?

Sana, dumami pa ang manood ng TV. Kasi, sayang naman ang effort ng ating mga kasama sa industriya kapag hindi rin lang napapanood.

Pero teka, may data ba tayo kung sa TV pa rin sila nanonood o nagsi-shift na sa online? Sana, may numero rin tayo roon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Alejo, Lexi Gonzales, and Hailey Mendes star in the Kapuso afternoon drama series Underage.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results