Watch Now

Coco Martin, hindi willing i-share kung natagpuan na niya ang "the right one"

by PEP Troika
Jan 23, 2023
coco martin rite med
Coco Martin on settling down: "Actually, dati pa, kahit nung dati pa, naka-ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko. Kung may dumating man siyang tao na siyang makakasama ko sa habambuhay, nakahanda po ako. Pero bago mangyari yun, talagang ang hinanda ko muna, yung pamilya ko, yung mga kapatid ko."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Napili si Coco Martin na “The Rite One” upang ipagpatuloy ang legacy at advocacy ni Susan Roces bilang ambassador ng pharmaceutical brand na RiteMed.

Gumanap si Susan bilang lola ni Coco sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, na nakapitong taon sa ere.

Sa totoong buhay ba, natagpuan na ba niya ang “the right one”?

“Actually, ako naman po, hindi naman ako pa-tweetums. Ibig sabihin, kahit noong nagsisimula ako, indie films nga ako, e, di ba?” sambit ni Coco sa mediacon nitong Enero 23, 2023, Lunes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“Ang first movie ko nga, gay film, di ba? Kumbaga, para sa akin kasi, ahhmm… normal lang yung buhay ko.

“Actually, dati pa, kahit nung dati pa, naka-ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko.

“Kung may dumating man siyang tao na siyang makakasama ko sa habambuhay, nakahanda po ako.

“Pero bago mangyari yun, talagang ang hinanda ko muna, yung pamilya ko, yung mga kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, ang pangarap ko… ayoko yung ako, meron, may maganda akong buhay, maayos ang tinitirhan ko, tapos yung mga kaptid ko, hindi?

“Gusto ko, pantay-pantay kami. Hindi man parehung-pareho, pero alam ko na kung sakaling magbubukod na ako or paghahandaan ko na yung sarili kong buhay, alam ko na kampante ako na naiayos ko nang lahat ng buhay nila.

“Kasi sabi ko nga po, mahirap nga po na lumaki ka sa broken family. Pero may advantage din po yun.

“Dahil lumaki ako sa broken family, ayokong mangyari sa buhay ko yun. Kaya sabi ko nga, kung naapektuhan man po yung mga kapatid ko, hindi ko iyon ginawang kahinaan.

“Which is yun po ang nagpalakas po sa akin para tumayo nang ganito, para lumaban. Kasi, sa totoo lang po, mahiyain ako, e.

“Pero natuto ako dahan-dahan. Lumakas ang loob, kumapal ang mukha. Bakit po? Sabi ko, pag ako naging mahina, paano yung mga kapatid ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ginawa ko po, talagang nagsumikap ako. Kayod, kayod nang kayod nang kayod nang kayod. Hanggang ngayon po, kagaya po ng ikinukuwento ko, ngayong maayos na po sila… anytime.

“Anytime po. Nakahanda po ako para sa sarili ko. Kung naayos ko ang pamilya ko, handang-handa na rin po ako kung magkakaroon ako ng sarili kong pamilya.”

Hmmm… parang bitin pa rin ang tugon niya kung natagpuan na ba niya ang “the right one”?

Napangiti si Coco, “Nasa puso ko na yung Rite One!”

GORGY RULA

Kung nasa puso na niya ang right one na katuwang sa buhay, kailan kaya siya magse-settle down?

“Anytime po,” safe pa ring sabi ni Coco.

Iisipin ng marami, meron na. Willing ba siyang i-share kung sino ba talaga ang kanyang the right one at the right time?

“Hindi! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghagikgik ni Coco.

Malalaman na lang ng mga tao na ikakasal na siya, o kasal na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung malalaman…”

Ise-share ba niya sa media kung ikakasal na siya, o ikinasal na? Magkaka-baby na? Gaano kahalaga iyung privacy na iyun para sa kanya?

“Kasi, alam niyo… pinakamahal kasi sa buhay ngayon, yung peace of mind and privacy, di ba? Yun ang pinakamahirap makuha ngayon,” seryosong lahad ni Coco.

“Lalung-lalo na lahat tayo ngayon, may social media, ganyan. Which is yun na yung reward ko para sa akin, sa sarili ko at sa family ko, na napapanatili kong protektado sila.

“Kasi sabi ko nga kanina, hindi ako perpektong tao. Ang sakit pag may naririnig kang hindi maganda sa iyo. Masakit lalo na pag may narinig kang hindi maganda sa pamilya mo.

“Hangga’t maaari, ba’t ko hahayaan na masaktan ako o masaktan ang pamilya ko? Kaya mas gusto ko na tahimik na lang.

“Kasi hindi naman magiging kabawasan yun, e. Para sa akin kasi, mas importante — ano ba yung produktong ginagawa mo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para sa akin, yun ang pag-usapan natin kung gusto niyo? Pero kung ayaw niyo rin lang itanong, okey rin naman sa akin.”

NOEL FERRER

Ang ganda lang ng pasok ng taon kay Coco.

Aside from this new endorsement, na major blessing at marami pang kasunod, may Batang Quiapo pa na pinakaabangan na ulit mula sa Hari ng TV.

At dito pa rin ako excited, ang pagbabalik-pelikula ni Coco to reclaim his "Indie King" title kasi he rightfully earned and deserve it. Excited ako sa natapos niyang dalawang pelikula with Direk Brillante Mendoza.

Read: Direk Brillante Mendoza reveals Coco Martin's unchanged habit

Happy New Year, Coco. More blessings!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on settling down: "Actually, dati pa, kahit nung dati pa, naka-ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko. Kung may dumating man siyang tao na siyang makakasama ko sa habambuhay, nakahanda po ako. Pero bago mangyari yun, talagang ang hinanda ko muna, yung pamilya ko, yung mga kapatid ko."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results