Franki Russell, pa-tweetums sa pagpapa-sexy kumpara sa ibang Vivamax stars

by PEP Troika
Jan 24, 2023
franki russell yellow bikini
Franki Russell stars in the new Vivamax movie Tag-init, which is currently the No. 1 movie in the streaming app.
PHOTO/S: @missfranki on Instagram

JERRY OLEA

Nasa Top 10 Movies of the Week ng Vivamax ang tatlong pelikula na bida si Franki Russell.

Nanguna ang Tag-init movie niya with Clifford Pusing na nag-umpisang mag-streaming noong Enero 20, 2023, Biyernes.

Pangalawa ang Pabuya nila ni Diego Loyzaga, na noong Oktubre 7, 2022 pa nag-streaming.

Ang Laruan nila nina Kiko Estrada at Jay Manalo na nag-streaming noong Disyembre 16, 2022 ay nasa pang-anim na puwesto.

Kagaya ng Pabuya at Laruan ay medyo pa-tweetums pa si Franki sa mga mapanuksong eksena sa Tag-init.

Mas nagpainit doon si Yen Durano, na nakipag-threesome kina Aerol Carmelo at Ali Asistio, at ipinahawak ang dibdib kay Clifford.

Read: Vivamax, patuloy sa paghahatid ng nakakapagpainit na mga pelikula at serye

tag-init vivamax

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong Nightbird ni Christine Bermas na nag-streaming noong Friday the 13th ay nasa pangatlong puwesto.

Palaisipan kung ano ang nangyari kina Sid Lucero, Ali Khatibi, at Felix Roco sa ending ng Nightbird. Sina Mark Anthony Fernandez at Arron Villaflor lang ang nakalasap ng paghihiganti ni Christine.

Pang-apat ang Panibugho na buena manong pelikula ng Vivamax noong Enero 6, at pinagbidahan nina Angela Moreno, Stephanie Raz, Micaella Raz, Kiko Estrada, at Benz Sangalang.

Panlima ang Scorpio Nights 3 na bida si Christine, at co-stars sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron.

Pampito ang launching film ni Azi Acosta na Pamasahe. Co-stars niya rito sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Rash Flores, Chadd Solano, at Alvaro Oteyza.

Pangwalo ang Selina’s Gold ni Angeli Khang, kasama sina Gold Aceron at Jay Manalo.

Pansiyam ang Bugso nina Ayanna Misola, Sid Lucero, at Hershie de Leon.

At pansampu ang Virgin Forest nina Angeli Khang, Rob Guinto, Sid Lucero, at Vince Rillon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Full-frontal nudity scenes sa ilang Vivamax movies, pinutol na

vivamax top 10

Sa Top 10 Series of the Week ay nanguna ang Lovely Ladies Dormitory, na nag-streaming ang Episode 6 (“The Lovely Finale”) noong Enero 22, Linggo, unang araw ng Chinese New Year.

Ang common denominators ng Tag-init (number 1 movie of the week) at Lovely Ladies Dormitory (number 1 series of the week) ay sina Yen Durano at Aerol Carmelo na parehong walang eme sa eksenang nakakadarang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung umaatikabo ang harutan nina Yen at Aerol sa Tag-init, iba ang ka-partner nila sa Lovely Ladies Dormitory — si Hershie de Leon para kay Aerol, at si Rita Martinez para kay Yen.

Nagniig din sa Lovely finale sina Tiffany Grey at Massimo Scofield, maging sina Julia Victoria at Nico Locco.

Pero sina Andrea Garcia at Yuki Sakamoto, nagdramahan.

Siyempre, may moment sa finale si Madam Lovely, ang nag-iisang Alma Moreno.

At any rate, pangalawa sa talaan ng Top 10 Series of the Week ng Vivamax ang ‘Wag Mong Agawin Ang Akin nina Angeli Khang, Jamilla Obispo, Felix Roco, at Arron Villaflor.

Pangatlo ang High (School) On Sex nina Wilbert Ross, Denise Esteban, Katrina Dovey, Migs Almendras, Angela Morena, Aico Veloso, Micaella Raz, Andrea Garcia, Marco Gomez, at marami pang iba.

Pang-apat ang L ni Vince Rillon.

Panlima ang Secrets of A Nympho nina Rhen Escaño, Ayanna Misola, Arron Villaflor, at Gold Aceron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-anim ang Iskandalo nina AJ Raval, Cindy Miranda, Ayanna Misola, Jay Manalo, at Sean de Guzman.

Pampito ang An/Na ni Janelle Tee.

Pangwalo ang GL series na Lulu nina Rhen Escaño at Rita Martinez.

Pansiyam ang Di Na Muli, at pansampu ang Kung Pwede Lang.

vivamax series

Teka! Nasa Vivamax pa ba ang Lulu at Di Na Muli, o ililipat na sa bagong streaming service na Viva Prime?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

GORGY RULA

Napanood ko rin itong Tag-init, pati ang ilang pelikula ni Franki Russell sa Vivamax. Mukhang may limitations ang magandang aktres sa paghuhubad.

Sana mabigyan siya ng isang maganda talagang project na maglulunsad sa kanya bilang isa sa big stars ng Viva.

Meron na silang Viva Pime. Baka puwede nilang bigyan si Franki ng isang wholesome project na bagay sa kanya.

Ang ganda niya, star material. Hindi lang pam-Vivamax kundi sa mas malaking project para sa Viva Films.

Kuwela naman si Yen Durano dito sa Tag-init. Bagay na bagay sa kanya ang role, na parang siyang-siya rin nang nakatsikahan ko sa DZRH kamakailan.

Sabi ni Yen, hindi siya nagpaalam sa ama niyang si DJ Durano na magpapa-sexy siya. Tingin naman daw niya, hindi na siya papakialaman dahil nagtitiwala naman sa kanya ang kanyang magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masyado pang bagets ang 19-anyos na si Clifford Pusing para mag-all out sa pagpapa-sexy. Isa siyang triathlete, pero mas nae-enjoy na raw niya ang pag-aartista.

Ngayong nasa Viva na siya, inaasahan niyang mabibigyan din siya ng magandang break ng Viva Films.

NOEL FERRER

Ayan, namamayagpag ang mga erotic films sa Vivamax.

Talagang na-capture na nila ang sex market at may expected minimum na three sex scenes per movie. Sinusulit talaga ang pananabik ng kanilang manonood.

Naka-lineup nang ipalabas ang Vivamax movies na Bela Luna, Sandwich, La Querida, Boso Dos, Suki, at Lawa, pati na ang mga series na Erotica Manila at Stalkers.

Paano naman kaya ang Viva Prime na mag-uumpisa sa Enero 29, 2023? Kasintaas kaya ang subscription at engagement? Magkakaalaman na ang preference at priorities ng ating viewers!!!

At ano na kaya ang nangyari sa ibang streaming platforms na ni-launch last year, thriving ba o sisinghap-singhap pa rin? Sana, magtatak na sila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Franki Russell stars in the new Vivamax movie Tag-init, which is currently the No. 1 movie in the streaming app.
PHOTO/S: @missfranki on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results