Watch Now

Senator Lito Lapid, pinag-iisipan na ang pagreretiro sa pulitika

by PEP Troika
Jan 24, 2023
lito lapid retirement
Senator Lito Lapid on retirement: “Wala na, wala na akong ano. Bahala na, kasi hindi ko naman tinatapos ang salita ko, baka sakaling meron pa o ano. Kasi 70 years old na ako pagkatapos nito. Kung ma-reelect ako, matatapos ako, 76 years old. Di ba? Kaya wala na akong inaano sa sarili ko. Basta retired na ako, okey na ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tatlong taon na lang at gusto nang magretiro ni Senador Lito Lapid sa public service

Aniya, naka-27 years na siya sa larangan ng pulitika. Three years from now ay 70 years old na siya.

“Ise-celebrate natin yan,” sabi ni Senator LL sa pre-Valentine chikahan with showbiz press nitong Enero 23, 2023, Lunes, sa Max’s Sct. Tuason, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Sa ngayon ay wala na raw siyang planong tumakbo muli, kahit sa mas mataas pang posisyon sa gobyerno.

“Wala na, wala na akong ano. Bahala na, kasi hindi ko naman tinatapos ang salita ko, baka sakaling meron pa o ano,” pagkunot-noo ng actor-politician.

“Kasi 70 years old na ako pagkatapos nito. Kung ma-reelect ako, matatapos ako, 76 years old. Di ba?

“Kaya wala na akong inaano sa sarili ko. Basta retired na ako, okey na ako.”

Sa ngayon ay wala pa raw maintenance medicine si Senator Lapid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ensayado, e. Kasi hindi ako nagpapabaya. Alam ko naman, e, saka lagi akong ready. Baka bigla akong isama sa pelikula,” kuwento ng actor-politician.

“Kamukha niyan, nakadalawang pelikula akong tapos. Tapos bigla akong kinuha dito sa Batang Quiapo. At least nakakondisyon pa rin ang katawan ko.”

Ang FPJ’s Batang Quiapo ang bagong teleserye na pagbibidahan ni Coco Martin.

Magkasama rin sina Coco at Senator Lito sa pelikulang Apag na syinuting ni Direk Brillante Mendoza sa Pampanga.

Ang isa pang movie na natapos ni Senator Lapid ay ang action-drama na Lumang Bakal.

Sa Marso nakatakdang mag-shoot si Senator Lapid para sa pelikulang Buy Bust 2 with Anne Curtis and Gerald Anderson, sa direksiyon ni Erik Matti.

May idea na ba siya kung ano ang role niya sa Buy Bust 2?

“Wala pa, wala pa. Parang gusto ni Direk Matti, naka-kabayo. Gusto niyang ibalik yung naka-kabayo noong araw, saka yung Kamagong-style.”

Ang Kamagong ay 1987 Viva movie na pinagbidahan nina Senator Lito Lapid at JC Bonnin, sa direksiyon ni Carlo J. Caparas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya pa niyang mangabayo?

“Nangangabayo pa ako pero natatakot ako dahil… kondisyon ang katawan ko, baka ikako nasa isip ko na lang. Baka hindi sa katawan ko,” saad ni Senator Lapid.

“Pero di ko pa tina-try. Sa Probinsyano, di ba, nangabayo ako, lahat. E, baka ikako nasa isip ko na lang na alam kong, ‘Kaya ko ito! Kaya ko ito!’

“Kasi kahit si Coco, pinipigilan ako dun sa Probinsyano, e. ‘Huwag ka na, Tito! Magpadobol ka na!’ Sabi ko, ‘Hindi! Kaya ko ito!’ Ayun.

“Andudun pa yung ano ko, e. At least nakaraos naman ako. Nagampanan ko naman yung ibinigay sa akin na role bilang Pinuno.”

GORGY RULA

Kasama ni Senator Lito Lapid ang anak na si Mark Lapid sa nasabing Chinese New Year gathering with the entertainment media.

Si Mark ay kasalukuyang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), at mapapanood din sa FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

lito and mark lapid

Ang daughter ni Senator Lapid na si Ysabel Ortega ay isa naman sa mga bida sa Voltes V: Legacy ng GMA 7.

“Congrats sa kanya. Pagbutihin niya. Nakita ko ang ibang mga galaw niya. Ang galing na bata! Congratulations, anak!” bulalas ni Senator Lapid.

Read: Ysabel Ortega, namana ang pagiging maliksi sa biological father na si Senator Lito Lapid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malamang na magkatapat sa ere ang FPJ’s Batang Quiapo at Voltes V: Legacy.

“Hindi naman namin pareho gusto yun. Kasi, nakikipagtrabaho lang kami,” pakli ng veteran actor-politician, na gaganap bilang hari ng mga mandurukot sa FPJ’s Batang Quiapo.

NOEL FERRER

Buti na lang, may mga representative tayo sa entertainment industry sa gobyerno, at ang mga katulad nina Senator Lito at Mark Lapid ay attuned sa mga concerns ng ating mga kasamahan sa trabaho.

Sana, lalo pa nilang pagbutihan ang paninilbihan sa ating lipunan at habang patuloy nilang hinu-hone ang kanilang tatak at galing bilang mga aktor sa ating industriya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Lito Lapid on retirement: “Wala na, wala na akong ano. Bahala na, kasi hindi ko naman tinatapos ang salita ko, baka sakaling meron pa o ano. Kasi 70 years old na ako pagkatapos nito. Kung ma-reelect ako, matatapos ako, 76 years old. Di ba? Kaya wala na akong inaano sa sarili ko. Basta retired na ako, okey na ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results