Watch Now

Coco Martin, posibleng ipasok sa Batang Quiapo ang mga nakasama niya sa Ang Probinsyano

by PEP Troika
Jan 25, 2023
coco martin lovi poe batang quiapo
Coco Martin on why he chose Lovi Poe to be his leading lady in FPJ's Batang Quiapo: "Nung nasa GMA pa siya, isa na ako sa mga nakakakita ng talent niya. Nakita ko kasi. Sabi ko, ‘Pinay na Pinay!’ Di ba? Hindi ko nga ine-expect na lilipat siya ng ABS-CBN. Kaya nung lumipat siya ng ABS-CBN, sabi ko, ‘Sana, makatrabaho ko siya.’ Nagkataon na yung next project ko, Batang Quiapo."
PHOTO/S: Jerry Olea / Dreamscape

JERRY OLEA

Nag-first taping day ang Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo noong Enero 9, 2023, Lunes sa fiesta ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.

“Kagabi, nag-edit kami, tapos na namin yung Monday episode,” pagbabalita ng bidang si Coco Martin sa mediacon ng RiteMed nitong Enero 23, Lunes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“Pero sobra akong proud. Kasi, sobrang ibang-iba siya sa Probinsyano. Ibang-iba yung treatment, camera works. Iba lahat.

“Kasi sabi ko nga, kailangan natin ngayong makipagsabayan sa international, di ba? Lalo na ngayon, yung mga telenobela natin, kinukuha ng Netflix, ng kung anu-ano pa, di ba?

“Parang… ihanda na natin whatever na mapansin tayo, magustuhan nila. This time siguro, ito na yung tamang panahon para i-upgrade naman natin kung ano yung ginagawa natin.

“Paghandaan na natin kung saka-sakali na magustuhan nila yung proyekto.”

Co-stars ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo sina Lovi Poe, Charo Santos, Lito Lapid, Christopher de Leon, John Estrada, Tommy Abuel, Pen Medina, Susan Africa, Cherry Pie Picache, Alan Paule, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Ping Medina, Roxanne Guinoo, Irma Adlawan, Ronnie Lazaro, Mercedes Cabral, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi-sabi, malamang na mapasama rin dito iyong iba pang mga artista na nakatrabaho niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Napangiti si Coco, “Actually, hindi mo maiiwasan. Kasi ang na-guest ko sa Probinsyano, 400+ na actors.

“Ang isa sa pinakamalaking problema ko nung nasa Probinsyano ako, halos nauulit na yung mga artista — nire-reveal ko na.

“Kasi dumating ako sa pagkakataon na wala na akong ma-guest. Talagang lahat halos, na-guest ko na. Nahihirapan na kaming mag-casting.

“Minsan sasabihin ko, ‘Palagyan niyo na lang ng bigote yan, hindi na mahahalata yan! Magaling naman na artista yun, hindi na nila mahahalata yan.’

“Kaya sabi ko nga, talagang mauulit, magi-guest ko sa Batang Quiapo yung mga naging guest ko sa Probinsyano. Kasi halos lahat ng mga artista, na-guest ko, e.

“At ngayon, masaya para sa aming lahat. Kasi, ang kailangan natin, hanapbuhay, e. Sa akin, mas gusto ko nga yun. Kasi, alam na nila kung paano ako katrabaho, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ka na mahihirapan pa. Hindi ka na makikisama pa kumbaga. Kasi pag nagtrabaho kami, dire-diretso, di ba? Mabilis. Wala kaming inaaksayang pagkakataon.

“Kasi nga, alam naman natin kung gaano kahirap, lalo na ngayon, 12 hours na lang. Kailangan talaga, productive. Productive kami dun sa trabahong ginagawa namin.”

Bakit si Lovi Poe ang napiling leading lady niya sa FPJ’s Batang Quiapo? Dahil ba anak ito ni Fernando Poe Jr.?

Paliwanag ni Coco, “Si Lovi kasi, nung nasa GMA pa siya, isa na ako sa mga nakakakita ng talent niya.

“Nakita ko kasi. Sabi ko, ‘Pinay na Pinay!’ Di ba? Hindi ko nga ine-expect na lilipat siya ng ABS-CBN.

“Kaya nung lumipat siya ng ABS-CBN, sabi ko, ‘Sana, makatrabaho ko siya.’ Nagkataon na yung next project ko, Batang Quiapo.

“Nag-aano ako. Sabi ko nga kasi, siyempre gusto ko iba yung ihahain ko ngayon sa mga manonood. E, gusto kong makatrabaho si Lovi. Nagkataon na sakto!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, katatapos din lang nung show niya. Actually kaya ako kinabahan, kasi alam ko, may Flower of Evil siyang ginagawa, e.

“Pero nung nag-inquire ako, tapos na pala siyang i-shoot nooan that time. Kaya ayun, nabigyan ng pagkakataon.

“Kaya nung binubuo namin, sabi ko, parang hinuhulog lahat ng Diyos na lahat ng mga naiisip ko na mga artistang makakatrabaho, nandito.

“Kaya kung mapapansin ninyo ngayon, yung cast ng Batang Quiapo, lahat halos mahuhusay na mga artista. Kasi sabi ko, para hindi na ako namomroblema.

“Kasi ako rin ang nagdidirek, kaming dalawa ni Direk Malu Sevilla, para hindi ka na mamomroblema pag andun na. Alam na nila yung gagawin nila.

“Kumbaga, ang iisipin mo na lang, yung script, situation. Hindi ka na mamomroblema sa mga artista.”

Si Lovi ba ang mananatiling leading lady niya hanggang katapusan ng FPJ’s Batang Quiapo? O parang FPJ’s Ang Probinsyano na paiba-iba?

“Depende. Honestly, pag tinanong mo ako ngayon, ano bang kuwento ng Batang Quiapo… ahh, hindi kasi namin siya kinopya dun sa pelikula,” tugon ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang Probinsyano. May mga part na halos pareho pero ngayong teleserye siya, dahil malaki yung gagalawan nila, ibang-iba yung kuwento niya.

“Kaya kung sasabihin kung si Lovi lang ba ang leading lady ko rito, hindi ko rin masasabi. Depende yan sa tatakbuhin ng kuwento, at depende rin yan sa reception ng mga tao.”

Alam ba ng yumaong Susan Roces na gagawing teleserye ang Batang Quiapo?

“Hindi. Hindi. Hindi na namin napag-usapan.”

Si Maricel Soriano ang leading lady ni Fernando Poe Jr. sa 1986 Regal movie na Batang Quiapo. Maggi-guest ba si Marya sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo?

“Si Ate Mary po ngayon, kasi may ginagawa siya ngayon, e. Linlang. Pero sabi ko nga po, sa haba ng puwedeng takbuhin ng show, hindi ko pa po alam. Hindi ko pa po masasabi,” sabi ni Coco.

Read: Coco Martin at ABS-CBN, di pa nakikipag-usap sa Regal Films tungkol sa rumored TV remake ng Batang Quiapo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Hindi talaga nakakalimot si Coco Martin sa mga nakakasundo niya sa trabaho. Hindi niya iniwan ang mga kagrupo niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, at baka unti-unti pa niyang ipasok sa FPJ’s Batang Quiapo ang iba pang nakatrabaho niya.

Pati si Lorna Tolentino ay nae-excite kapag si Coco muli ang makakatrabaho niya. Kaya nagbitaw pa ito ng statement na kahit lola raw ni Coco ay okay lang sa kanya.

Tinanong si Lorna ng ilang entertainment press sa grand opening ng Beautederm Corporate building sa Angeles City, Pampanga, nung Sabado, January 21, tungkol sa posibilidad na isasama siya sa FPJ’s Batang Quiapo.

“Depende kasi iyan kung mayroong role na maiisip e,” pakli ni Lorna.

“Alam mo, sa tingin ko, parang lahat yata ng nakasama niya sa Probinsyano, unti-unti niyang ipapasok diyan sa Batang Quiapo. Tingin ko lang, yun kasi yung pagkakakilala ko kay Coco,” dagdag niyang pahayag.

Kung sakaling tawagan daw siya ni Coco na gustong isama siya sa Batang Quiapo, hindi na raw siya magpapatumpik-tumpik pa. Magti-taping daw siya agad. Kahit nga raw magkontrabida siya uli, hindi siya mamimili ng role para kay Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre go go go ako kung tatawagan ako ni Coco. Lalo na kung alam mong magtatagal. Ang saya kaya,” sabi pa ni Lorna.

NOEL FERRER

Nakakatuwa ang mga tumatawid sa projects ni Coco, like the Lapids and LT, at ngayon, pati na si Ma’am Charo Santos-Concio.

Ang dating pang-one week na exposure sa FPJ’s Ang Probinsyano ay humaba hanggang dulo, at naging napaka-significant talaga.

Kaya nga hanggang FPJ’s Batang Quiapo, isang napakagandang presence ni Ma’am Charo na parang si Tita Susan Roces noon, siyang magsisilbing moral compass ng story, like what Tita Cory Vidanes said.

Iba yung mahusay kang artista, talagang igagalang ka. Pero iba yung mahusay ka na, may malasakit ka pa sa katrabaho mo, tiyak mamahalin ka nila!

Salamat talaga, Coco. Sana, marami pang Coco sa ating industriya!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on why he chose Lovi Poe to be his leading lady in FPJ's Batang Quiapo: "Nung nasa GMA pa siya, isa na ako sa mga nakakakita ng talent niya. Nakita ko kasi. Sabi ko, ‘Pinay na Pinay!’ Di ba? Hindi ko nga ine-expect na lilipat siya ng ABS-CBN. Kaya nung lumipat siya ng ABS-CBN, sabi ko, ‘Sana, makatrabaho ko siya.’ Nagkataon na yung next project ko, Batang Quiapo."
PHOTO/S: Jerry Olea / Dreamscape
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results