Ai-Ai delas Alas, dalawang beses nabigong makabuo ng baby via in vitro fertilization

by PEP Troika
Jan 25, 2023
ai-ai delas alas gerald sibayan in vitro fertilization
Ai-Ai delas Alas, malungkot na ibinahagi ang sinapit ng dalawang beses nilang pagsubok magkaroon ng baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization: “Yun kasing mga ano namin, yung babies namin, yung dalawa… hindi natuloy. Isa na lang ang natira.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @msaiaidelasalas on Instagram

GORGY RULA

Naging emotional si Ai-Ai delas Alas sa story conference ng pelikulang gagawin niya sa 3:16 Media Network, na pinamagatang Litrato, nang natanong ng PEP Troika ang tungkol sa balak nilang magka-baby ng asawa niyang si Gerald Sibayan.

Read: Ai-Ai delas Alas, 56, keeps up hope to have baby with husband Gerald Sibayan

Doon inamin ni Ai-Ai na dalawang beses na nilang sinubukang makabuo sa paraang in vitro fertilization, pero hindi nabuo.

“Yun kasing mga ano namin, yung babies namin, yung dalawa… ayan, tingnan mo, naluluha na naman ako.

“Yung dalawa, hindi natuloy. Isa na lang ang natira,” pahayag ni Ai-Ai na pinipigilan na niyang maiyak.

Read: Ai-Ai delas Alas willing to undergo in vitro fertilization to get pregnant

Agad siyang bumawi na may dagdag hugot sa mga madadramang eksenang gagawin niya sa pelikula.

“O, nakita mo na? Nakita mo ang buhay ko, di ba? Alam mo na!” bulalas ng aktres.

Ginanap ang story conference ng Litrato nitong Martes ng hapon, January 24, 2023, sa Relish Restaurant sa Quezon City.

Gagampanan ni Ai-Ai ang role ng isang lola na may dementia na hindi na niya kilala ang pamilya niya.

Kasama niya rito sina Ara Mina, Quinn Carillo, at ang bagong talents ng 3:16 Media na sina Rowan Diaz at Duanne David.

Isinulat ito ni Ralston Jover, na classmate ni Ai-Ai nung Grade 6.

Ididirek ni Louie Ignacio ang naturang movie project.

Read: Ai-Ai delas Alas, gaganap bilang lolang may Alzheimer's sa pelikulang "Litrato"

Sinundan pa rin naming ng tanong si Ai-Ai, pero napatango na lang siya nang sinabi kong nandiyan pa rin ang hope nilang makabuo pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nakapagsalita ang 58-anyos na comedienne at nakikita naming hindi na siya kumportableng pag-usapan ito.

JERRY OLEA

Mabuti naman at balik-akting sa pelikula si Ai-Ai. Looking forward tayo sa bagong obra na ito ni Direk Louie.

Si Eugene Domingo, inaasahan nating may shining moment sa murder-mystery film na Ten Little Mistresses, na streaming umpisa Pebrero 15 sa Prime Video.

Hindi basta-basta magpapakabog si Uge sa mga kerida ni Valentin Esposo, one of which is Pokwang.

Bahagi ng tweet ni Direk Jun Robles Lana noong Disyembre 23, Lunes ng hapon, “Uge is truly a chameleon of the highest order. Working with her is always a pleasure.”

Siyanga pala, ang PAALALA ni Pokwang via Facebook noong Enero 17, “One year na wala ang Poklee Food products sarado na po ito at wag na po kayo mag message or umorder ng aming produkto sa messenger, sa shoppee at Lazada dahil ibang brand po idedeliver sa inyo PLEASE! magbasa kayo tapos magagalit kayo kapag na scam kayo! matagal na wala yan po. @mamangpokwangs_gourmet na ang aming produkto yan po ang legit now sa FB at IG po maraming salamat po.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

NOEL FERRER

Tunay na natatangi sina Ai-Ai, Uge, at Pokwang bilang mga komedyanang may seryosong buhay and, at the same time, may malasakit sa kanilang craft bilang mga artista.

Hindi lang kita sa takilya ang puntirya nila, kahit marami sa kanilang movies ay certified box-office hits.

Dumating na sila sa punto ng buhay nilang hinahamon nila ang kanilang sarili na gumawa ng makabukuhang pelikulang tulad ng Area, Ronda, at School Service ni Ai-Ai; Oda Sa Wala ni Pokwang; at 100, Ang Babae sa Septic Tank, Barber’s Tales, Big Night, at marami pang iba kay Uge.

Ang masasabi natin sa tatlong ito… more, more and more!!! Keep up the good work!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, malungkot na ibinahagi ang sinapit ng dalawang beses nilang pagsubok magkaroon ng baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization: “Yun kasing mga ano namin, yung babies namin, yung dalawa… hindi natuloy. Isa na lang ang natira.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results