Watch Now

Masculados, may bagong tagapag-alaga; may mini-concert para sa kanilang 20th anniversary

by PEP Troika
Jan 25, 2023
masculados
THE MASCULADOS: (from left) Richard Yumul, Orlando Sol, Enrico Mofar, David Karell, Robin Robel, and Nico Cordova.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ikalimang anibersaryo ng pagpanaw ni Direk Maryo J. de los Reyes sa Enero 27, Biyernes.

Read: Award-winning film and TV director Maryo J. delos Reyes passes away at 65

Ang binuo ni Direk Maryo na Masculados ay nakahanap na ng bagong mag-aalaga sa kanila, ang Marikit artist artist management na nagpa-presscon nitong Enero 24, 2023, Martes ng gabi, sa Manila Hotel.

Ire-rebrand ng Marikit ang Masculados, lalo pa’t anim na lamang ang members nito — sina Robin Robel, Enrico Mofar, Nico Cordova, Orlando Sol, David Karell, at Richard Yumul.

masculados

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng pioneer sa grupo na si Robin, “This coming February, magtu-20 years na po ang grupo namin na Masculados. Magkakaroon po kami ng mini-concert.

“Nagpapasalamat po kami sa Marikit, niyakap ang Masculados, kinuha po kami. Malaki pong karangalan sa amin yun.”

Naging aktibo ang Masculados noong nakaraang election campaign. Patok sa masa ang novelty songs nila na binago ang ilang lyrics para sa inendorsong kandidato.

Bakit silang anim na lang ang naiwan o natira sa grupo?

Paliwanag ni Robin, “Una po, pito po kami noong unang album. Sa second album, naging siyam po kami. Siyempre, tumatagal po ang grupo, yung iba, nawawala.

“So ngayon, ang nangyari po kasi, yung iba, grumadweyt na. So, ako na lang po talaga iyung natitira sa first batch. Ngayon, nangyari, nag-sustain si Enrico.

“Para bang nag-join force kami na, ‘P’re, huwag tayong bumitaw.’ Kasi siyempre ang Masculados, ang tagal na niyan, di ba?

“So, ang ginawa namin, naghanap kami ng iba pa naming puwedeng maging kagrupo o ka-member. So, yun nga, dumating si Orlando, dumating si Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malaking bagay po na ang Masculados po kasi… napakahirap isipin na aabot kami ng dalawang dekada. So, yun nga, sa mga tumatangkilik ng aming mga awitin, maraming-maraming salamat po.

“Nakakataba po ng puso na hanggang ngayon po ay kinakanta at sinasayaw ang aming mga awitin. Marami pong salamat talaga! Thank you very much!”

Nagsampol ang Masculados sa paghataw ng "Jumbo Hotdog" na todo kaldag. Abangan natin ang kanilang bagong awit na likha ni Lito Camo!

masculados

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Oh, buhay pa rin ang Masculados na bet mo, Tito Jerry, habang ang birthday Tito nating Gorgy ay maka-Viva Hot Men at Men of Provoq noon.

Ngayong old hunks na sila, ano kaya ang maio-offer nila sa audience? Paano sila makikipagsabayan sa mga bata na haling na haling sa mga Korean Boy Groups?

Or doon ba sila sa Vivamax fans at BL followers na pawang may purchasing power din?

Nag-iba na ang panahon pero sana, Masculados can keep up with the times.

Sana nga, makapag-popularize sila ng bagong kanta and not only depend on their former or lost glory.

Masaya tayo sa mga nagsisikap mag-reinvent. Aabangan natin ito!

GORGY RULA

Naughty and nice ang Masculados noon pa man, na kahit sa pictorial ay pwetmalu.

Mag-e-endorse ang Masculados ng aesthetic clinic, kaya kailangang mag-“behave” sila.

Katatapos lang nilang mag-recording ng bagong kanta last week, at nasa final touches na iyon. Hopefully ay mai-promote na nila iyon sa TV shows sa lalong madaling panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, nasa ilalim din ng Marikit ang 18-anyos nang si Barbara Miguel na inalagaan din noon ni Direk Maryo J, pati na sina Jeremy Luis (dating Jeremy Sabido ng StarStruck), Angelika Santiago, Charles Angeles, at Kyle Ocampo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
THE MASCULADOS: (from left) Richard Yumul, Orlando Sol, Enrico Mofar, David Karell, Robin Robel, and Nico Cordova.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results