Watch Now

Kumusta ang rating ng pilot episode ng Fast Talk With Boy Abunda?

by PEP Troika
Jan 25, 2023
boy abunda marian rivera fast talk
Maganda ang pagsisimula ng bagong showbiz-oriented talk show ni Boy Abunda sa GMA-7, ang Fast Talk With Boy Abunda, kung saan si Marian Rivera ang unang special guest.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network

GORGY RULA

Ang ganda ng episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, January 25, 2023, kung saan si Alden Richards ang special guest.

Akala mo, sa game show isinalang si Alden na parang kabado pa sa pagsagot sa 2-minute fast talk ni Kuya Boy Abunda.

Read: Alden Richards finally reveals what happened between him and Julie Anne San Jose

alden richards boy abunda fast talk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda ang pagsisimula ng naturang showbiz-oriented talk show, at sana tuluy-tuloy na ito.

Maganda ang rating ng pilot episode ng Fast Talk with Boy Abunda nung Lunes, January 23, kung saan si Marian Rivera ang isinalang. Naka-7.5% ang rating nito.

Read: Marian Rivera, nagalit nang sabihan siya noon ni Dingdong Dantes ng "Siguro naka-prepaid ka lang"

Maaring mababa ang viewership nung araw na yun, pero okay pa rin ang rating ng ibang programa.

Pagkatapos ng Eat Bulaga! na naka-6%, sumunod ang Abot Kamay na Pangarap na naka-8.3%. Sumunod ang Unica Hija na naka-8.4%, at ito ngang pilot episode ng Fast Talk With Boy Abunda.

Bumaba pagdating sa Underage, na naka-6.3% lang ito. Sumunod ang K-Drama na Secretary Kim na naka-2.8%, at ang Family Feud ay naka-11.4%.

JERRY OLEA

Noong Martes, Enero 24, ay bumaba nang bahagya ang Fast Talk With Boy Abunda. Guests dito ang mag-asawang Glaiza de Castro at David Rainey. Naka-6.5% ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos steady naman ang ibang mga programa ng GMA-7.

Naka-6.3% ang Eat Bulaga!, at sumunod ang Abot Kamay na Pangarap na naka-8.3%, at 8.1% naman ang Unica Hija.

Pagkatapos ng Fast Talk with Boy Abunda, naka-5.9% lang ang Underage.

Mula noong first week ng Underage ay ito na ang “weakest link” sa mga panghapong teledrama ng Kapuso Network.

Ang Secretary Kim ay 3.8%, at 11.2 % naman ang Family Feud.

Read: Underage, nakakasabay ba sa ratings ng ibang Kapuso afternoon dramas?

NOEL FERRER

Bongga ang interview ni Kuya Boy kay Alden dahil matagal na niyang kilala ang aktor.

Sabi nga ni Alden, ngayon lang niya nasabi itong mga rebelasyon niya. Never daw niya ito naibahagi kahit kanino.

Tingnan natin kung maganda ang rating nito.

Si Bea Alonzo ang isasalang sa Huwebes, at si Paolo Contis naman sa Biyernes.

Magsasalita kaya si Paolo tungkol sa kanila ni Yen Santos?

Read: Urian 2022 best actress Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis sa kanyang acceptance speech

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakorner si Paolo ng ilang entertainment press sa set visit sa first shooting day ng pelikula niyang Ikaw at Ako, hindi pa rin siya napiga at nagsalita kung ano ang totoo sa kanila ni Yen.

“What you see is what you get” lang ang nasabi niya.

“Ang sa akin lang, maraming mga bagay na para sa akin, yung public should not care about. Iyon lang sa akin,” sabi pa ni Paolo.

Tingnan natin kung ano ang pag-uusapan nila ni Kuya Boy sa Biyernes, January 27.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maganda ang pagsisimula ng bagong showbiz-oriented talk show ni Boy Abunda sa GMA-7, ang Fast Talk With Boy Abunda, kung saan si Marian Rivera ang unang special guest.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results