Watch Now

Ara Mina, ayaw magpa-pressure sa pagkakaroon ng baby

by PEP Troika
Jan 25, 2023
ara mina dave almarinez baby
Ara Mina on getting pregnant: “Kung ibibigay, kasi pag magwu-work ako, kung biglang ibibigay, let’s decide on my work kung sasabihin ko sa mga producers, ‘Ay! Buntis na po ako.’ Pero sa ngayon, work muna tayo kung wala pa.”
PHOTO/S: @therealaramina

GORGY RULA

Ayaw magpa-pressure ni Ara Mina na magka-baby na sila ng asawa niyang si David Almarinez.

Gusto na rin sana nilang magka-baby, pero marami pang projects si Ara at gusto muna niyang magtrabaho.

“Feeling ko next year na ako magbubuntis, kaya work muna ako. Kasi, sayang din yung work, di ba?

“Nagpa-check naman ako, okay naman daw ako. I don’t have any problems.

“Hindi ko pa kailangan ng IVF or something. Marami pa raw akong napu-produce na eggs or fertile pa ako. Healthy pa raw.

"Basta okay siya,” napangiting pahayag ng 43-year-old actress sa story conference ng pelikulang Litrato nitong Enero 24, 2023, Martes, sa Relish restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

Parehong boy ang gusto nina Ara at Dave na maging baby kaya nagre-research ang aktres kung ano ang gagawin para boy ang ipagbuntis niya. May nabasa lang daw siya, at gusto niyang subukan.

“Pinag-aaralan ko kung papano maging boy. Kasi sa mga Chinese-Chinese daw… meron nang nagbigay sa akin ng tips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ita-try ko kung papa'no maging boy. Sa Chinese something may ganun… para maging boy siya. Kasi pag naka-boy, kumpleto na ako.

“Kasi okay na ako kay Mandy, e. Sobrang sweet niya,” pagtukoy ng aktres sa anak niya kay Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Hindi pa masabi ni Ara kung ano ang gagawin. Gusto lang daw muna niyang subukan.

“It’s not a position. It’s a date. Date from your period or something.

"Pero ayoko muna i-reveal. Ita-try ko muna. Pag effective siya sa akin, I will share it to you guys,” sabi ni Ara.

Wala naman daw masama kung susubukan niya.

JERRY OLEA

Sa tingin ni Ara, hindi muna siya mabubuntis dahil ang daming work na ibinigay sa kanya.

Bukod sa Litrato ay meron pa siyang ibang ginagawa, at may regular show pa siya sa NET25 kasama si Jojo Alejar.

Kung mabubuntis na siya ngayon, tatanggapin daw nila at definitely maisasantabi na ang trabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ibibigay, kasi pag magwu-work ako, kung biglang ibibigay, let’s decide on my work kung sasabihin ko sa mga producers, ‘Ay! Buntis na po ako.’

“Pero sa ngayon, work muna tayo kung wala pa.”

Nagpapasalamat si Ara sa asawa niya dahil very supportive ito sa mga ginagawa niya.

“Thankful naman ako, kasi hindi naman ako ipinagbabawal ng husband ko mag-work. Pag work, sige go!

“Dami pa dumarating na projects, e. Ibig sabihin, hindi pa panahon ako mag-baby,” sey pa ni Ara.

NOEL FERRER

Oo, God’s will ang pagbe-baby. Darating iyan sa tamang panahon.

Ok lang mag-work-work-work mode muna si Ara para kapag dumating na ang baby, masasabi niyang nagawa na niya ang lahat ng gusto niyang gawin. At puwede nang ang baby ang maging priority.

All in God’s time talaga!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on getting pregnant: “Kung ibibigay, kasi pag magwu-work ako, kung biglang ibibigay, let’s decide on my work kung sasabihin ko sa mga producers, ‘Ay! Buntis na po ako.’ Pero sa ngayon, work muna tayo kung wala pa.”
PHOTO/S: @therealaramina
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results