GORGY RULA
Sabi mo nga, Sir Noel, nung eleksyon nabuo si Baby Bunbun nina Iza Calzado at Ben Wintle.
Sabi naman ng mga taga-K Love sa VIU ay K-Love baby raw ito.
Nagkaroon ng party sa VIU sa Nokal Manila sa Makati City nung nakaraang Huwebes, January 26. Para ito sa finale episode ng original series ng VIU na K-Love.
Masuwerteng napanood na namin doon ang finale nito, dahil sa February 3 pa lang ito mai-ere sa VIU.
Masayang ikinuwento sa amin ng Head of Originals ng VIU na si Ms. Corrine Vistan na ginagawa raw ni Iza itong K-Love nang nabuntis ito.
Aniya, “We were… yung three lock ins, but everyone took a break to go back to Manila to vote.
“And dun siya nabuntis. So, sabi niya, pinauwi niyo kasi kami to vote, so ayan, buntis siya.”
Pero bilib daw sila kay Iza dahil kahit nasa maselang kalagayan na ito, hindi siya naging problema sa set kahit minsan ay may mga morning sickness na siya.
Nang sinabi raw sa kanila ni Iza na nagdadalantao na siya, sila na rin daw ang nag-revise ng ilang eksena para hindi mahirapan ang aktres dahil iniisip nila ang kalagayan nito.
“The whole time we were shooting after elections, hindi namin alam na buntis na pala siya.
“And then, when we started shooting back again in June, that’s when she told me… kasi, may mga scenes siyang tumatakbo.
“So, we had to change the scene to make sure na hindi siya tumatakbo because para safe and everything. But that was the funny thing. Nagka-K Love baby siya.
“Dun talaga sa pag-uwi niya to vote. Nakita niya si Ben,” napapangiting pahayag ni Ms. Corrine.
NOEL FERRER
Nagpapasalamat si Ms. Corrina Vistan at ang lahat na bumubuo ng K-Love sa mga artista nila dahil napaka-professional daw nila, lalo na si Iza.
Maganda raw ang kinalabas ng naturang original series, at consistent daw itong nangunguna sa lahat na mga drama series na ipinapalabas sa VIU.
“It’s been great! We were currently number one on the VIU app. So, nakaka-touch din naman kasi you know, we created the show to pay tribute to K dramas, 'tapos na-surpass namin yung K dramas that were playing on the app,” pahayag ni Ms. Corrine.
JERRY OLEA
As we have mentioned before, any day now ay iluluwal ni Iza ang panganay nila ni Ben.
Ano kaya kung tumapat sa Pebrero 3 na finale ng K-Love ang pagsilang ni Baby Bunbun?
Basta, more and more love and prayers ang isina-send out natin para sa Wintle family!