JERRY OLEA
Tuloy ang mga proyekto ni Imelda Papin bilang presidente ng Actors Guild of the Philippines o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT).
“Gusto kong magkaroon ng kooperatiba ang Actors Guild,” sabi ng veteran singer nang makatsikahan ko sa mediacon ng FB seryeng Roommate nitong Pebrero 4, 2023, Sabado ng gabi, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.
“Yun ang talagang gusto kong i-target. Then, housing project for the members. At least meron akong maiiwan na legacy for our colleagues in the industry.”
Inabot man ng pandemya ang Actors Guild sa ilalim ng pamamalakad ni La Papin ay patuloy ang pagmamalasakit niya sa mga kasamahan.
Aniya, “At least, nabigyan natin ng PhilHealth ang mga members, SSS. Nabibigyan natin ng mga ayuda pag kailangan, especially during the pandemic time.
“So, marami tayong nagagawa kahit papaano. Inabot man tayo ng hindi natin inaasahan, na-hit ang bawat Pilipino, pero we did our best na makatulong sa ating kapwa artista.”
Read: Imelda Papin, napaluha nang maaprubahan ang PhilHealth card para sa mga artista
Madali pa rin ba siyang nakakahingi ng tulong sa mga kaibigan at kakilala kahit lumaganap ang pandemya?
Mabilis na tugon ni Imelda, “Oo naman. Madali, like Senator Bong Go. Through him nabigyan ng mga ayuda ang members sa DSWD.
“Maraming nakatanggap ng mga ibinigay na tulong ng DSWD, at hindi lang yun, yung galing din kay Senator Bong Revilla.
“At siyempre, galing na rin sa akin. Kumbaga, iba na rin yung talagang hands on ako sa lahat ng mga ginagawa namin diyan sa Actors Guild.”
Kaya dumalo si Imelda sa mediacon ng Roommate ay bilang suporta sa direktor ng naturang FB series na si Gabby Ramos.
Imelda Papin and Gabby Ramos
Si Direk Gabby ang magdidirek ng pelikulang ipoprodyus ni Imelda at pagbibidahan ng anak niyang si Maffi Papin Carrion aka Maria France, ang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.
Napangiting pahayag ni Imelda, “This is a revelation. It’s all about love, kung paano mo sinuportahan ang isang kaibigan when he was down, yung ganun. And I was there.
“Of course a lot of people were there for them. Tapos yung love for humanity, for family, for our country. Diyan nagre-revolve ang story.
“Ire-reveal ni Imelda Papin ang hindi nyo pa nalalaman! Ha! Ha! Ha! Ha! Basta, surprise! Ilalahad ko yun.”
NOEL FERRER
Does this make Imelda an active actor again, or producer muna? Bakit ba niya naisipang mag-produce ng pelikula?
Sabi ni Imelda, “First time kong magpo-produce ng movie but this will continue dahil gusto kong mas maraming matulungan sa movie industry this time, na face-to-face na tayong lahat.
“Kaya kailangan marami pang ma-encourage na mga producers, new producers or dati nang mga producers, to produce more movies para mabigyan ng hanapbuhay ang mga kasamahan natin dito sa industriya, lalo na po dito sa Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon, o Actors Guild, of which I am the president.
“That’s why I am encouraging the producers to produce more quality movies.”
Si Imelda ba ang solong producer ng movie o may kasosyo siya?
“Merong gustong pumasok na mga investors dahil gustung-gusto nila ang movie na ito. Let’s see, tingnan natin kung iwe-welcome ko or not.”
Siyanga pala, kasama sa cast ng Loyalista movie si Amay Bisaya.
“Makikita niyo siya sa movie na ito. So, buhay na buhay!” bulalas pa ni Imelda.
Iyan po sina Imelda Papin and Amay Bisaya — our country’s Actors Guild leaders!!!
GORGY RULA
Kontrobersyal ang kantang "Iisang Dagat (One Sea)," na ni-release ang music video noong Abril 23, 2020.
Inawit ito ni Imelda Papin kasama sina Chinese Diplomat Xia Wenxin, Filipino-Chinese singer Jhonvid Bangayan, and Chinese Yubin actor.
Inialay ito sa mga tumulong kontra COVID-19 sa bansang China at Pilipinas.
“Pagdating ng liwanag na ating minimithi, ito’y nagbibigay ng pag-asa sa bawa’t bansa,” bahagi ng lyrics na natoka kay Imelda.
Sabay na inawit nina Imelda at Jhonvid ang mga linyang, “Ang iyong kamay ay hindi ko bibitawan/ Maaliwalas na kinabukasan, ating masisilayan.”
Marami ang nagalit sa kanta at music video ng "Iisang Dagat" na tinaguriang propaganda song.
Read: Imelda Papin criticized for taking part in "Iisang Dagat" Chinese embassy music video
May bagong kantang ilalabas si Imelda na pinamagatang "Sama-sama, Kayang-kaya."
Ang mensahe nito, ayon kay Imelda, “Unity sa bawa’t Pilipino. Pagkakaisa ng bawa’t Pilipino.”
Ramdam ba niyang watak-watak pa rin ang mga Pilipino?
“Nararamdaman natin lahat yan. Nararamdaman natin lahat. At hindi natin maipagkakaila na talagang ang Pilipino until now, we’re still divided,” sambit ni Imelda.