Male celebrity na may magandang misis, spotted na may kasamang ibang dilag sa Japan

by PEP Troika
Feb 5, 2023
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Unang araw pa lang namin sa Tokyo, Japan nung magbakasyon kami last week, may nasagap na kaming kuwento mula sa ilang kababayan natin doon.

Pinag-uusapan daw ito ng ilang grupo ng mga Pinoy doon tungkol sa isang kilalang male celebrity na nagbakasyon sa Tokyo ilang buwan na ang nakararaan.

Nasa isang sosyal na mall daw ito na hindi ko na maalala ang pangalan. Bumili raw itong si kilalang male celebrity ng isang mamahaling fountain pen sa Montblanc.

Kapag ganung brand, tiyak na mahal. Pero nawindang kami sa presyo ng fountain pen na binili nito — ¥500,000 na kung iku-convert sa Philippine peso ay mahigit P200,000 din.

Kaya naman ni male celebrity na bilhin ito.

Pero ang dagdag pang kuwento, mas naintriga raw sila sa kasama ni male celebrity nang bumili ng mamahaling fountain pen. Napansin daw ng ilang kababayan natin ang napakagandang girl na kasama ni kilalang male celebrity.

Ang bongga raw ng dalawang security guards na kasama ni male celebrity.

Nang napansin daw nilang pinagtitinginan na sila, kaagad daw humarang ang dalawang security guard kina male celebrity at magandang girl para hindi makunan ng litrato o video. Natakpan daw silang dalawa, at kaagad nang umalis.

Nabigyan ito ng malisya dahil may asawa si male celebrity na isang napakagandang misis. Hindi artista si kilalang male celebrity, pero may konek siya sa showbiz.

JERRY OLEA

Simpatiko si male celebrity, na mula sa isang yayamaning pamilya. Nakakaintriga kung ano ba sa buhay ni male celebrity ang kasamang magandang girl.

I wonder kung maka-relate si magandang girl sa pelikulang Ten Little Mistresses na mag-i-streaming umpisa Pebrero 15 sa Prime Video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong oras ba mas masarap panoorin ang ganitong pelikula, kung takip-silim ba o bukang-liwayway?

NOEL FERRER

Naku, aware kaya si misis sa extracurricular activity ng kanyang high profile na mister?

If at all, ang galing nilang magdala ng pinagdadaanan nila. Mukha silang masaya sa kanilang public appearances.

Consistency is key!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results