GORGY RULA
Magdadalawang taon na pala ang relasyon nina Paul Salas at Mikee Quintos, pero kailan lamang sila naging open.
Read: Paul Salas reveals dating Mikee Quintos: “Gusto ko ito na yung last.”
Nakatsikahan namin ang magkasintahan sa nakaraang mediacon ng bagong drama series ng GMA Public Affairs na The Write One.
Sinabi ni Paul na may takot pa siya noong aminin sa publiko ang relasyon nila ni Mikee dahil sa nakaraan niyang relasyon. Parang na-trauma raw si Paul sa mga nangyari noon kaya mas gusto sana nilang tahimik na lang.
Ani Mikee, “I saw a side in Paul na… we were open about this recently, na when I realized na he was scared to go out sa public, at the beginning.
“But when we talked about it and in-explain niya the reason why he was scared… Parang hindi ko kayang suportahan yung hindi niya… yung reason na yun bakit kinakabahan siya mag-out.
“Sabi ko, 'When you’re ready, sa right time, nandito ako.' Ready akong tulungan siya... 'At kailangan mo yang harapin, walang problema sa akin i-out if it’s gonna make you feel like… yung love, like this is the real thing, this is worth it.'”
Hindi na idinetalye ni Paul kung ano ang mga kinatatakutan niya. Pero hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang masalimuot na kinahinatnan ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Barbie Imperial.
Read: Paul Salas at Barbie Imperial: Sino ang nakipag-break at bakit ito humantong sa "sakitan"?
“Medyo nagkaroon ng trauma talaga,” pakli ng Kapuso actor.
“In admit ko sa kanya [Mikee] yun. Ang tagal ko na ring inamin sa sarili ko na nung naging kami na dun ko lang nakikita.
“Pero nakita ko yung worth ng relationship namin, dun ko nasabi na tatalon na ako para sa kanya.
“Siguro, ibibigay sa iyo ni God yung the right one. Hindi mo namalayan, kasi nung una nung nagkakadebelopan pa kami, parang in denial pa kami, e.”
Mahalaga ang role na ginagampanan nina Mikee at Paul sa The Write One na magsisimula na sa GMA Telebabad sa March 20.
Sa The Write One, si Mikee ang gumaganap na Via na karelasyon ni Liam (Ruru Madrid) sa bagong timeline ng buhay niya.
Si Paul naman si Hans dito na isang lawyer na naging sandalan ni Joyce (Bianca Umali) sa kanyang buhay.
NOEL FERRER
Ang hiling lang ni Paul, sana raw ay kay Mikee niya makita ang magandang future at iba sa mga nakaraan niyang nakarelasyon.
“Sana, sa iyo na ang magiging future kung ano man ang tawagin nun, ayoko… baka ma-jinx, e.
“Pero siya yung ibinibigay ni God sa akin ngayon at sobrang grateful ako at gagawin ko ang lahat para mag-work yung relationship namin,” pahayag ni Paul.
Pahayag naman ni Mikee, “May ganun po akong belief, e… na parang all the failed relationships are lessons or yun yung guide mo. Para pag nandun ka na, matututunan mo na yung tama.
“Yung lahat na natutunan mo dun, magamit mo.
“When I met Paul, parang it didn’t make sense at first, pero nagkaroon ng sense ang lahat na napagdaanan kong past, dahil nag-match.”
Pero sa relasyong Paul at Mikee, sana mahanap muna nila ang papel nila sa ating industriya para makilala muna sila sa kanilang galing sa trabaho at hindi lang dahil sa relasyon nila.
I’m sure their love for each other would want the best for their careers and their future, di ba?
JERRY OLEA
Young love, sweet love ang namamagitan kina Paul at Mikee. Hindi toxic kaya magtu-two years na ang kanilang pag-iibigan.
Ang yummy-yummy ni Paul, kaya girl na girl ang dating ni Mikee.
Sana’y magkatulungan silang mapayabong pa ang career ng isa’t isa! Cheers!