Royce Cabrera at Kokoy de Santos, ipinauubaya sa GMA-7 kung puwede sila mag-BL movie

by PEP Troika
Mar 15, 2023
Kokoy de Santos and Royce Cabrera
Royce Cabrera (kaliwa) at Kokoy de Santos (kanan), bukas na gumawa ng BL project. Sabi ni Royce, "Pero lagi nga naming sinasabi, siyempre under na kami ng GMA, may mga bagay na kailangang ilatag sa kanila."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sa mediacon ng The Write One ng GMA Public Affairs, pinag-usapan namin nina Kokoy de Santos at Royce Cabrera ang interview sa kanila ni Paolo Contis sa online talk show nitong Just In sa YouTube Channel ng Sparkle.

Sobrang na-enjoy raw nila ang interbyuhang iyon, na sabi ni Kokoy, parang nag-uusap lang sila sa inuman. Magkakaibigan kasi sila at kumportable sila kahit ano ang pinag-usapan nila.

Magkasama sina Kokoy at Paolo sa gag show na Bubble Gang.

Binanggit ni Paolo na merong nag-alok sa kanyang gumawa ng BL series, pero hindi pa raw alam kung tatanggapin ito ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Tinanong namin sina Kokoy at Royce kung bukas ba sila sa posibilidad na gumawa ng isang BL movie o series na magkasama silang dalawa.

Sabi ni Kokoy, “Ako naman, open. Kahit ano man yan, trabaho yan, lalo na’t kung ikaw ang kasama, sakali. GMA ang tanungin niyo diyan."

"Pareho rin ako," pakli ni Royce. "Pero lagi nga naming sinasabi, siyempre under na kami ng GMA-7, may mga bagay na kailangang ilatag sa kanila."

Hindi pa raw nila alam kung ano ang plano ng Sparkle sa kanila, pero kung papayag daw ang GMA-7, okay sa kanilang gumawa uli ng isang BL movie na mapangahas din kagaya ng Fuccbois (2019), at iaalay raw nila ito kay Direk Eduardo Roy Jr.

Pumanaw ang direktor ng pelikula nina Kokoy at Royce noong February 21, 2022.

"Kumbaga, kung magkakaroon man kami ng ganun ulit, isa ito sa iaalay namin kay Direk Edong," saad ni Kokoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo, para kay Direk Edong. Kung sakali, e, talagang gawin namin yung ganung klaseng pelikula," sang-ayon ni Royce.

Magkasama sina Kokoy at Royce sa The Write One, na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali, na magsisimula na sa GMA Telebabad sa March 20.

JERRY OLEA

Nasilipan sina Kokoy at Royce sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois, kung saan tampok din sina Ricky Davao at Yayo Aguila.

Nakadalawang BL series si Kokoy — Gameboys with Elijah Canlas, at Oh, Mando! with Alex Diaz, na si Direk Edong ang nagdirek.

Si Royce ay dalawa ring BL series ang sinalihan — Quaranthings with Kyo Quijano, at season 2 ng Ben x Jim with Teejay Marquez.

Si Elijah, ayaw gumawa ng ibang BL project. If ever, Season 3 ng Gameboys ang gagawin niya.

Bida si Elijah at si Romnick Sarmenta sa pelikulang About Us But Not About Us na isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF (Abril 8-18, 2023).

Dumalo si Kokoy sa special screening niyon noong Marso 14, Martes ng gabi, sa Gateway Mall. Complementary ang suot ng EliKoy.

Present din sa nasabing screening ang girlfriend ni Elijah na si Miles Ocampo. Si Miles ay may special participation sa Here Comes The Groom, na entry rin sa 1st Summer MMFF.

"I love you, Babe!" pamamaalam ni Miles kay Elijah nang umalis ito matapos ang screening at bago mag-start ang Q&A.

Elijah Canlas and Miles Ocampo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakatsikahan namin sandali si Kokoy bago mag-start ang screening. Biniro namin na, as far as BL project is concerned, loyal si Elijah sa kanya.

Pero siya, meron na with Elijah and Alex, gagawa pa with Royce?

Natatawang hirit ni Kokoy, "Puwede ko naman silang pagsabay-sabayin, e! May Royce na, may Elijah pa, may Alex Diaz pa. Sino pa ang gusto mo?!

"Tapos, lahat, pagsamahin. Gusto ko pati babae, sama-sama na!"

So, posible nga iyong BL project nila ni Royce?

"Ako, wala naman akong tinatanggihan. Kung puwede sa Sparkle, puwede rin sa akin," sambit ni Kokoy.

Kokoy de Santos

Nakatapos na ng apat na pelikula si Kokoy — Amoral, Death by Desire, Topakk, at Mary Cherry Chua. Inaasam niyang mapanood na alinman sa mga ito.

Inamin din ni Kokoy na single na siya.

"Mas priority ko ang work ngayon," sambit ng Kapuso actor. "Work lang, work mode muna ako ngayon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Napakaganda ng attitude ni Kokoy sa kanyang career at sa kanyang buhay. Cool lang siya at doon siya kung saan may trabaho.

And the good thing about him is that markado ang kanyang husay lagi sa pag-arte man at pakikisama.

Sana nga, mas mabigyan pa siya ng mga mapanghamong papel sa kanyang pag-unlad bilang aktor.

And marunong din siyang mangalaga ng kanyang koneksiyon sa mga kaibigan.

Good gesture talaga na sinusuportahan niya ang dating partner na si Elijah at dating manager/director na si Direk Jun Lana sa pelikulang About Us But Not About Us.

Dahil sa magandang pakikisama, mas pinipili siyang makasama ng kanyang mga kaibigan sa industriya.

To greater success and happiness, Kokoy!!!

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Royce Cabrera (kaliwa) at Kokoy de Santos (kanan), bukas na gumawa ng BL project. Sabi ni Royce, "Pero lagi nga naming sinasabi, siyempre under na kami ng GMA, may mga bagay na kailangang ilatag sa kanila."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results