Nathalie Hart, wala pang balak magpakasal kahit engaged na

by PEP Troika
Mar 15, 2023
nathalie hart
Nathalie Hart on being active again in showbiz: “Showbiz wasn’t my priority last year. Parang dinedma ko siya. Even like there were things na parang… I don’t want to work at the moment on that field... Now I feel like myself again, and actually I lost a lot of weight also and I feel like a lot younger, parang ganun. So, sabi ko, puwede pa, let’s do it.”
PHOTO/S: @viva_films / @iamnathaliehart on Instagram

GORGY RULA

Hindi nagpaawat itong si Nathalie Hart, mga ka-Troiks!

Ang sexy niya nang dumalo sa premiere night ng pelikulang Kunwari… Mahal Kita na ginanap sa Cinema 3 ng Fisher Mall sa Quezon City noong Martes, March 14, 2023.

Mahigit isang taon siyang tumigil sa pag-arte dahil naging abala siya sa negosyo niyang Gayatree Organics at pag-aalaga sa kanyang four-year old daughter na si Penelope.

Tsika sa amin ni Nathalie, marami ring movie offers na dumarating sa kanya, pero tinatanggihan niya dahil sa hindi niya nagustuhan ang script.

“Showbiz wasn’t my priority last year. Parang dinedma ko siya. Even like there were things na parang… I don’t want to work at the moment on that field.

“Tapos ngayon, we had a meeting this year, ‘Ano, Nathalie, ano na? May pelikula ka, naghihintay, ayaw mong magtrabaho?’

“And then, sabi ko, ‘No, Tito, puwede na akong mag-work ngayon. I’m ready again,’ parang ganun yung sabi ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Now I feel like myself again, and actually I lost a lot of weight also and I feel like a lot younger, parang ganun. So, sabi ko, puwede pa, let’s do it,” saad ni Nathalie.

Natatawa lang siya dahil okay naman daw siyang magpa-sexy uli. Pinaghandaan nga raw niya ang pagbabalik niya sa pag-arte, at nagpapayat pa siya.

Pero wholesome naman pala ang bale comeback movie niya. Hindi siya pang-R 13 o 16, kagaya ng mga ginagawa niya noon.

Ipinagmamalaki niyang maa-appreciate ng anak niya ang Kunwari… Mahal Kita.

“Madrama siya, more on family drama. PG kami e. It’s really about family. Actually, you can bring your child o kung alam mo ‘yun, ang lola mo, lolo mo, tito, tita mo. Alam mo ‘yun, it’s family drama, which is so nice,” bulalas ng sexy actress.

Kung sakaling may magandang material at kailangan niyang magpa-sexy uli, okay naman daw sa kanya.

“It doesn’t matter to me. Kasi, if I get a project na pang-R 16, I would take it if the storyline is nice. Iyon lang yung sinasabi ko sa management ko,” dagdag niyang pahayag.

Kasama ni Nathalie sa Kunwari… Mahal Kita sina Joseph Marco at Ryza Cenon sa ilalim ng direksyon ni Roderick Lindayag.

NOEL FERRER

Pagdating sa kanyang love life, medyo matipid ang sagot ni Nathalie.

Masaya siya sa kanyang non-showbiz fiancé na si Brad Robert, pero wala pa raw siyang balak magpakasal.

Read: Nathalie Hart now engaged to non-showbiz boyfriend Brad Robert

Napag-usapan na raw nila itong wala munang wedding plans.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman kami nagmamadali. We are taking our time. Right now, we are both so busy. So no need to rush,” pakli ni Nathalie.

Marami pang puwedeng gawin ni Nathalie. Iba ang tapang na meron siya sa pagtanggap ng roles. Kaya go lang nang go habang kaya pa!!!

JERRY OLEA

Nagsalpukan sa March 1 playdate ang Oras de Peligro, Martyr or Murderer, at Creed III.

Mas maraming sinehan ang Martyr or Murderer kesa sa Oras de Peligro, at mas malakas ito sa takilya. Hindi natin batid kung pinataob din ng Martyr or Murderer ang Creed III, na rumatsada sa box-office ng North America, maging sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $182.5M ang global gross ng Creed III. Ito ang pangalawang pinakamalakas na movie this year sa buong mundo.

creed III

Ang number one, so far, ay ang Ant-Man and The Wasp: Quantumania na naka-$449.2M na.

Noong Marso 8 ay limang foreign movies ang nag-open sa local cinemas — Scream 6, 65, Godless, Remember, at Suzume. Walang bagong pelikulang Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wagi sa takilya ng U.S. at Canada ang Scream 6, samantalang certified flop ang 65.

Noong Marso 13, Lunes ng umaga, ay natunghayan natin ang tagumpay ng Everything Everywhere All At Once at The Whale sa Academy Awards o Oscars.

Wagi sa pitong kategorya ang Everything Everywhere All At Once, kabilang ang best actress (Michelle Yeoh), best picture, best director (The Daniels), best supporting actress (Jamie Lee Curtis), at best supporting actor (Ke Huy Quan).

Panalo naman ang The Whale sa mga kategoryang best actor (Brendan Fraser) at best makeup and hairstyling.

Read: Oscars 2023: Michelle Yeoh and Brendan Fraser win top acting honors; Everything Everywhere All At Once sweeps 7 awards

Kaya ipinalabas muli ng TBA Studios sa ilang sinehan simula Marso 15 itong Everything Everywhere All At Once (Cinema ‘76, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Aura, SM North EDSA, Power Plant, The Podium at S’Maison) at The Whale (Cinema ‘76, SM Megamall, SM Mall of Asia at SM North EDSA).

Noon pa streaming sa HBO Go ang Everything Everywhere All At Once pero ibang experience na panoorin ito sa big screen.

Nito ring Marso 15 ay limang bagong movies ang nag-open sa mga sinehan ng lupang hinirang, kabilang ang Kunwari… Mahal Kita na nakipagtagisan sa apat pang banyagang pelikula — Shazam! Fury of the Gods, Winnie the Pooh: Blood and Honey, From Black Friday, at Ajoomma.

now showing

Ang ibig sabihin ng “ajoomma” ay “middle-aged auntie.” Ang heartwarming film na Ajoomma ay distributed locally ng TBA Studios, na siya ring nag-release ng Triangle of Sadness, The Whale, at Everything Everywhere All At Once.

Sa Marso 22 ay dalawang Pinoy movies ang mag-o-open, ang Baby Boy, Baby Girl nina Marco Gumabao at Kylie Verzosa, at ang D’Aswang Slayerz ni Mel Martinez.

“Pagtutulungan” nila ang John Wick: Chapter 4 ni Keanu Reeves.

Asahan ang umaatikabong bakbakan sa John Wick: Chapter 4, kung saan tampok din sina Donnie Yen, Bill Skarsgard, Laurence Fishburne, Hiroyuki Sanada, Shamier Anderson, Lance Reddick, Rina Sawayama, Scott Adkins, at Ian McShane.

Sa tingin ninyo, magkakaroon ng ikalimang John Wick film?

john wick 4

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Marso 29 naman nakatakdang ipalabas ang Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves.

Ito iyong linggo bago mag-Semana Santa, kaya ewan kung may iba pang movie sa playdate na ito.

Sa Abril 2, Palm Sunday, ay gaganapin sa Quezon City ang Parade of Stars ng 1st Summer MMFF. Siyempre pa, may programa sa Quezon Memorial Circle sa pagtatapos ng programa.

Sa Abril 7, Biyernes Santo, ay streaming sa Netflix ang fantasy adventure film na Chupa, na tungkol sa legendary creature na chupacabra.

chupa poster

Abril 8, Sabado de Gloria, ang umpisa ng 1st Summer MMFF, kung saan walong Pinoy films ang mapapanood for eleven days sa mga sinehan nationwide.

Ang walong official entries ng 1st Summer MMFF ay Apag, Singlebells, About Us But Not About Us, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, Unravel: A Swiss Side Love Story, Here Comes The Groom, ‘Yung Libro Sa Napanuod Ko, at Love You Long Time.

Read: Bakit walang horror film na kasali sa 1st Summer MMFF?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathalie Hart on being active again in showbiz: “Showbiz wasn’t my priority last year. Parang dinedma ko siya. Even like there were things na parang… I don’t want to work at the moment on that field... Now I feel like myself again, and actually I lost a lot of weight also and I feel like a lot younger, parang ganun. So, sabi ko, puwede pa, let’s do it.”
PHOTO/S: @viva_films / @iamnathaliehart on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results