GORGY RULA
Hindi lang pala si Ruru Madrid kundi napagkasunduan nila ng girlfriend na si Bianca Umali na magkatuwang silang ipatayo ang kanilang dream house.
Read: Ruru Madrid, nagpapatayo na ng bahay para sa kanila ni Bianca Umali?
“Plano po naming dalawa yun,” bulalas ni Bianca nang tinanong namin ito sa kanya sa nakaraang mediacon ng bago nilang pinagbibidahang Kapuso primetime series na The Write One.
Hindi pa naman daw sila nakakapagsimula, pero napagkasunduan na nilang magkasintahan na ngayon pa lang ay pinaplano na ang kanilang future.
Maganda rin daw na meron na silang pinaglaanan ng kanilang kinikita.
Pahayag ni Bianca, “It’s more of being responsible sa finances. Dun naman po lahat nagsimula yun, e.
"Before we really go to the process, siyempre we have to secure din muna yung mga individual na buhay namin before we jump into that.
"But, it is in the plan. Mukha naman pong matutuloy."
Pero sa ngayon ay para muna sa pamilya ang ipinapatayong bahay ni Ruru. Pag matapos na raw ito, ang sa kanila na ni Bianca ang kakarerin niya.
Ani Ruru, “Siguro ako kasi, yung dream house ko for my family, sinisimulan na po. Sabi ko nga sa sarili ko, once na matapos ko na yun, siyempre kailangan kong i-set yung utak ko sa panibagong yugto ng buhay ko.”
Base sa mga sagot ni Ruru, tila tinitiyak na niyang si Bianca ang babaeng makakasama niya sa buhay.
Lahad ni Ruru, “Sabi ko nga sa sarili ko, wala na akong ibang babaeng hahanapin pa, siyempre siya na yung the right one sa buhay ko.
“So, hopefully, mangyari po yan kung ano man po ang nakaplano sa aming dalawa. Gusto po namin magawa ang lahat ng yun as long as right now sinusuportahan naman po namin ang isa’t isa.
“Siyempre, after this project, meron kaming ibang projects na gagawin na magkahiwalay kami. So, lahat po ng klase ng suporta gusto po namin ibigay sa isa’t isa,” sabi pa ni Ruru.
Magsisimula na ang The Write One sa GMA Telebabad sa March 20, 2023.
Pero mauuna itong ipalabas sa Viu sa March 18.
JERRY OLEA
Nilinaw na rin ni Bianca sa PEP Troika na desisyon niya ang magpa-convert sa Iglesia ni Cristo, hindi dahil kay Ruru.
Hindi raw alam ni Ruru na nagpatala na pa siya noon. Nagpasalamat siya sa Panginoon na hindi raw siya nahirapan nang nagpaalam siya sa kanyang lola.
Saad ng aktres, “There was no discussion at all. Hindi naging challenge. Never ko naramdaman.
"Hindi ko naisip na kailangan ko mag-convince kung papayag ang kahit na sino para sa isang personal na desisyon, especially that it is about faith.
“It was a personal decision. Hindi ko po siya ginawa para kay Ruru, para sa pagmamahal.
“Ako po yung lumapit, at in fact hindi po alam ni Ruru na ako po ay nakapagpatala na.
“And nung inisip ko na magiging challenge ba ang lola ko, in fact not at all.
"Alam kong tinawag ako ng Ama.
"And kung talagang naging challenge yun, hindi ako iwi-welcome at yayakapin ng lola ko nung nalaman niya na masaya ako sa faith ko at mas malapit na ako kay Lord,” masayang pahayag ni Bianca.
Read: Bianca Umali on becoming an Iglesia Ni Cristo member: “It is a personal choice.”
NOEL FERRER
Hindi pa masagot sa ngayon ni Ruru kung ilang taon pa ang hihintayin nila para pag-usapan na ang pagse-settle down.
“Kasi para po sa aming dalawa, yung mga usapan po na ganyan, hindi natin siya puwedeng lagyan ng eksaktong date. Kasi, kusa pong mararamdaman ng tao po yan.
"I mean, kung talagang ready na kaming pumasok sa bagong yugto ng buhay namin, parehas po namin mapagdesisyunan na gagawin na po namin.
“Right now, nandun pa kami sa buhay namin na we want to maximize our career, at the same time kung papano po namin susuportahan yung isa’t isa.
“Kung sakali mang dumating… hindi natin alam, malay natin, bukas, sa isang araw, sa isang linggo, next year, hindi natin malalaman.
"So, yun na lang po ang hihintay naming dalawa," saad ni Ruru.
Naramdaman daw ni Ruru na si Bianca na ang babae para sa kanya, nung panahong nagkahiwalay sila. Doon niya nakita kung gaano kahalaga sa kanya si Bianca.
Read: Ruru Madrid admits courting female celebs in the past for "ego booster"
“Siguro, yung moment na naramdaman ko yung pagkawala niya sa akin nung mga panahon na nawala siya sa buhay ko. Dun ko nakita yung worth niya, bilang isang tao, bilang isang babae na grabe magmahal.
“So, dun pa lang po ginawa ko na ang lahat na makakaya ko para i-win back siya, and the same time iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga at kung gaano ko siya kamahal.”
Pero kung five to six na anak ang gusto nila, katulad noong nakausap natin sila, mukhang time is of the essence.