JERRY OLEA
“Do you remember the first porn you ever saw?”
Iyan ang pambungad sa trailer ng 2023 documentary na Money Shot: The Pornhub Story. Iyon din ang unang linya sa mismong pelikula.
Pasok na sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix ang nasabing documentary, na isang oras at 34 minuto ang running time, at idinirek ni Suzanne Hillinger.
16-year-old or older ang target audience na documentary na naglalaman ng “sex, nudity, language, child abuse references, sexual violence references.”
Ang deskripsyon ng Netflix sa palabas: “Featuring interviews with performers, activists and past employees, this documentary offers a deep dive into the successes and scandals of Pornhub.”
Interesting ang insights sa Money Shot.
Bahagi ng epilogue ng dokyu: “In September 2022, Pornhub’s Instagram account was permanently banned for reportedly violating Facebook’s term of service.
“Porn performers still can’t sell their content on Pornhub.”
Sa ngayon ay nasa ikawalong puwesto ang Money Shot. Sa tingin ninyo, aakyat pa ang posisyon nito?
Sa Top 10 Movies in the Philippines Today ay kasama pa rin ang DonBelle movie na An Inconvenient Love.
Noong Pebrero 25 pa ito sa nasabing listahan, at agad itong pumuwesto sa number 1. Tatlong magkakasunod na araw itong nanguna, at kapagkuwan ay three consecutive days ding pumangalawa.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today — Luther: The Fallen Sun (1); Entrapment (2); Faraway (3); Alpha (4); John Wick 3: Parabellum (5); We Have A Ghost (6); My Love, My Bride (7); Money Shot: The Pornhub Story (8); An Incovenient Love (9); Escape Plan (10).
Mapapanood na umpisa ngayong Marso 17, 2023, Biyernes, ang critically acclaimed na Leonor Will Never Die, kung saan bida si Shiela Francisco, sa direksiyon ni Martika Ramirez Escobar.
Nasa cast ng psychological comedy-drama film na ito si Rocky Salumbides, na merong butt exposure.
Streaming na sa Netflix umpisa Marso 25, Sabado, ang MMFF 2022 entries na Labyu With An Accent (Coco Martin at Jojo Sta. Maria) at Partners in Crime (Vice Ganda at Ivana Alawi).
Sa Marso 31 naman ang streaming ng pelikulang Nocebo, kung saan bongga ang papel ni Chai Fonacier.
Sa Abril 7, Biyernes Santo, naman ang streaming ng Chupa.
Ang istorya ng Chupa, “While visiting family in Mexico, a lonely boy befriends a mythical creature on his grandfather’s ranch and embarks on the adventure of a lifetime.”
Ang mythical creature na tinutukoy sa fantasy adventure film ay chupacabra, na pinangalanang Chupa.
Iyong trailer ng Chupa ay nagpaalala sa akin sa pelikulang E.T. (1982) na idinirek ni Steven Spielberg.
Samantala, dominated pa rin ng K-dramas ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today.
Anim sa listahan ay mula sa South Korea. In fact, K-drama ang Top 4.
Sa listahan ay isa lang ang gawang-Pinoy, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo/The Promise (2025) na pinagbidahan ng KathNiel.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today — The Glory (1); Unlock My Boss (2); True Beauty (3); Mr. Queen (4); You (5); Crash Course In Romance (6); MH 370: The Plane That Disappeared (7); Pinocchio (8); Sex/Life (9); at The Promise (10).
Nitong Marso 16, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang Season 2 ng Shadow and Bone, na tinatampukan nina Jessie Mei Li bilang Sun Summoner na si Alina Starkov.
Ang childhood friend ni Alina ay ang tracker na si Malyen “Mal” Oretsev, na ginampanan ni Archie Renaux.
Ang Darkling na si General Aleksander Kirigan ay ginampanan ni Ben Barnes.
GORGY RULA
Hindi pa tapos ang first quarter ng taon, ipalalabas na sa Netflix ang pelikulang nag-showing nung nakaraang Metro Manila Film Festival (Disyembre 25-Enero 7).
Sabi ng ilang napagtanungan namin, nakipag-deal na pala ang ilang producers sa Netflix bago pa ipalabas ang mga pelikula sa mga sinehan.
Hindi pa rin kasi maaasahan ang kita sa mga sinehan, kaya may ibang platforms na puwedeg pagkakitaan ng film producers.
Ang labanan na rin ngayon ay kung alin ang mas maganda ang offer — ang sa Netflix, sa Prime Video, o iba pang streaming apps.
May iba namang bago pa nila sinimulan ang paggawa ng pelikula, kasado na sa ganitong klaseng streaming app. Madalas daw ay maganda ang offer sa Netflix kaya nakakakuha sila ng magagandang local films natin.
Mapapansin din natin na kapag mismong ang Netflix ang nagpu-promote ng isang pelikula, ibig sabihin ay mahal ang pagkabili nito. Kaya may ibang pelikula ring okay na sila sa ganitong platform, kahit hindi na ipalabas sa mga sinehan.
NOEL FERRER
Excited ako sa pag-streaming ng mga magagandang pelikulang Pinoy na Respeto at Leonor Will Never Die sa Netflix.
Ito yung mga acclaimed films sa iba’t ibang international festivals na sana ay patuluyin pa rin ng maraming Pilipino sa mga tahanan nila.
With these acclaimed indie films in a popular platform now, sana ay mas marami pang maka-appreciate at magpahalaga sa mga ito.
Mabuhay ang mga gawang Pinoy sa Netflix!!!