Vivamax sexy star Audrey Avila, aminadong gender fluid; mas type makipag-fling sa babae

by PEP Troika
Mar 17, 2023
audrey avila domme
Sexy star Audrey Avila on being a gender fluid: “Meron po akong naging mga ka-fling na girls before. Puro flings lang po. Mostly po ganun talaga. Actually, meron din po akong naka-fling na straight na babae. Ewan ko, parang nagkatikiman lang. Explore lang, ganun!”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Iba na rin ang drama nitong bagong Vivamax artist na si Audrey Avila na kasali sa pelikulang Domme ni Direk Roman Perez Jr.

Si Audrey ay dating tattoo artist at model na pinasok na rin ang pagpapa-sexy sa Vivamax.

Pero ang kuwento niya sa amin, sa kanyang unang sexy movie ay babae ang ka-partner niya.

May ilang kissing scenes daw sila ni Ava Mendez sa Domme, na streaming sa Vivamax umpisa ngayong Marso 17, 2023, Biyernes.

domme poster

Sabi ni Audrey, okay lang sa kanya ang ganitong eksena dahil gender fluid siya. Noon pa man ay sa babae raw siya madalas nakikipag-fling.

“Meron po akong naging mga ka-fling na girls before. Puro flings lang po. Mostly po ganun talaga.

“Actually, meron din po akong naka-fling na straight na babae. Ewan ko, parang nagkatikiman lang. Explore lang, ganun!” parang natatawa pang pahayag ni Audrey.

Pareho naman daw siyang nag-e-enjoy sa babae o sa lalaki, pero hanggang dun lang, at hindi pa siya nakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Believe it or not, pero no boyfriend since birth po ako, and I hate commitments. Mga flings lang din, ganun,” pakli ni Audrey.

Open naman daw siya sa posibilidad na may makarelasyon. Pero kung sakaling pasukin ito ni Audrey, gusto niya ay iyon na ang kanyang mapapangasawa at makabuo ng pamilya.

“As of now po kasi, I don’t see myself na umabot sa point na loving someone, meron akong commitment sa kanya.

“Kasi ano ako, e, self-love ang pinahahalagahan ko. So, gusto ko pag darating ako sa point na yun, yung talagang pure at tapos nandun yung sincerity ng tao sa akin.

“Ayoko mag-share ng love nang wala lang. Gusto ko yung pangseryosohan,” saad ni Audrey.

Habang pinag-uusapan namin ito, nakikinig lang ang sa co-star niya sa pelikula na si Marco Gomez.

Hiningan namin ng opinyon si Marco kung ano ang nararamdaman niya bilang lalaki.

“Wala namang mali dun, e. Kung yun ang choice ng tao, okay lang,” diretsong sagot ni Marco.

Ganun na kabukas ngayon ang mga kabataan kagaya nina Audrey at Marco sa ganitong lifestyle.

JERRY OLEA

Suporta lang si Audrey sa Domme kaya OK lang siguro sa Vivamax ang pag-amin niya ng pagiging gender fluid.

Naalala ko na noong sabihin ng isang babaeng bida sa ilang Vivamax movies na nagkaka-crush siya sa kapwa babae, pinakiusapan ako ng taga-promo na huwag iyon isama sa write-up.

Take note na ang baguhang aktor na si Drei Arias ay umamin ding gender fluid siya sa presscon ng pinagbidahan niyang pelikula na Baka Sakali noong Valentine’s Day.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Newbie sexy actor Drei Arias, inaming isa siyang gender fluid

Noong Pebrero 14 nag-umpisa ang streaming ng Baka Sakali sa AQ Prime, at noong araw ring iyon nagpa-presscon sa office ng nasabing streaming platform.

Kasama sa pelikulang Upuan na streaming na rin sa AQ Prime ang adult content creator na si Lloyd Agustin, na aminado ring gender fluid.

Nakipag-collab nga si Lloyd kay Vladimir Castillo, at siya ang top sa kanilang emehan.

Sinu-sino pa kaya ang aamin ng pagiging gender fluid?

NOEL FERRER

Di ba, meron pang sexy actress noong late ‘90s na nagpalaki ng boobs, pero noong inactive na sa showbiz ay pinaliit ang dibdib at umaming lesbian siya?

Sa panahon ng pandemya, social media at streaming platforms, big deal pa ba ang pagiging gender fluid? Nag-e-evolve ba maging ang moralidad ng mga Pilipino?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy star Audrey Avila on being a gender fluid: “Meron po akong naging mga ka-fling na girls before. Puro flings lang po. Mostly po ganun talaga. Actually, meron din po akong naka-fling na straight na babae. Ewan ko, parang nagkatikiman lang. Explore lang, ganun!”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results