GORGY RULA
Handa na raw magka-boyfriend ang No Boyfriend Since Birth (NBSB) na si Sanya Lopez… pero wala pa raw talaga.
Nang nakatsikahan siya ng PEP Troika sa 18th birthday ni Jillian Ward, nadulas siya nang sabihing may nagpadala ng bulaklak sa kanya noong nakaraang Valentine’s Day.
Read: Celebrities spotted at Jillian Ward's galaxy-themed 18th birthday party
Nang nakausap namin uli sa nakaraang mediacon ng Beautederm, itinanggi niyang merong nanliligaw sa kanya.
“Wala po. Lilinawin ko lang, wala po talaga,” paglilinaw ni Sanya.
Ramdam mo ang kilig habang pinag-uusapan namin yung mga nagpadala ng bulaklak noong Araw ng mga Puso.
Sabi ni Sanya, kung siya ang masusunod, mas gusto niyang tahimik lang at hindi na kailangang pag-usapan ang tungkol sa panliligaw. Pero depende naman daw yun sa kung sino man ang may balak na manligaw sa kanya.
“Kung yun ang gusto niya, ako rin personally, yun yung gusto ko, e. Pero kung magkataon man, kung saan yung vibes namin pareho, dun na kami,” dagdag niyang pahayag.
Hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend si Sanya dahil daw sa mga close friend niyang nagbabawal sa kanya ngayon.
“Sabi kasi nila, 'Hindi. Bawal ka magdyowa. Mag-enjoy muna tayo sa pag-travel. I-enjoy mo yung sarili mo. Tayong magkakaibigan muna,' ganun,” bulalas ng gumaganap na Hara Urduja sa Mga Lihim ni Urduja.
JERRY OLEA
Siyanga pala, natitiyak ni Sanya na hindi na muna niya iniisip ang pagsali sa mga beauty competition.
Marami na ang nangungumbinsi sa kanyang sumali sa Miss Universe Philippines, o kaya sa Binibining Pilipinas o Miss World Philippines na willing siyang i-train.
Pero sa dami raw ng ginagawa niya, sa tingin ni Sanya ay hindi pa niya ito puwedeng harapin.
“Ang ganda ng mga ibinibigay sa akin ng GMA ngayon, e. Kaya, sobrang thankful talaga ako. Kaya sa beauty pageant, hindi na muna siguro,” sabi ng Beautederm ambassador na si Sanya.
Pero malay natin, baka magka-boyfriend na siya kapag isa na siyang beauty queen, di ba?
NOEL FERRER
Sa tingin ko, lipas na ang oras na kailangan mong mamili between success in your career and having a good love life. Marami nang nakapagpatunay niyan.
Sa tingin ko, ang dapat pagtuunan ng pansin ni Sanya ay ang pagpili ng mga proyektong magtatatak at magbibigay sa kanya ng ibayong paggalang bilang aktres.
Kapag dumating ito, malamang more admirers and possible love lives will follow.
You deserve the best, Sanya, mabait at masuwerte ka naman talaga, so good things really happen to good people!