Direk Brillante Mendoza, aminadong challenge ang paggawa ng pelikulang walang sex, violence, politics

by PEP Troika
Mar 19, 2023
apag cast
Director Brillante Mendoza (center) with the cast of Apag, an official entry to the 1st Summer Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: @brillante_mendoza on Instagram

GORGY RULA

Ibang version pala ng pelikulang Apag ang isinali ni Direk Brillante Mendoza sa 1st Summer Metro Manila Film Festival (Abril 8-18, 2023).

Read: Bakit walang horror film na kasali sa 1st Summer MMFF?

Kuwento ni Direk Brillante, ginawa niya ang Apag para sa Hong Kong International Film Festival.

“Ito kasi, partly funded by Hong Kong Film Festival,” pakli ni Direk Brillante nang nakapanayam namin siya sa DZRH nung Biyernes, March 17, 2023.

“Binigyan ako ng pondo ng Hong Kong Film Festival para gumawa ng pelikulang walang sex, walang violence, walang politics.

“Di ba, napaka-challenging para sa akin nun? Considering na puro ganyan ang mga pelikula ko, di ba?

“Yun ang pinakamalaking challenge sa akin. Paano ako makagawa ng pelikulang walang sex, walang violence, walang politics!” natatawa niyang pahayag.

Kaya nabuo niya itong Apag, na hapag ang ibig sabihin pero nawawala ang ‘H’ kapag binanggit na ng Kapampangan.

“Basically family drama siya. Pero siyempre sa family drama, hindi mawawala, lalo na sa buhay ng Kapampangan, ang pagkain at ang religion.

“Kasi ang Kapampangan ang isa sa pinaka-religious na grupo, na lugar sa Pilipinas. Pero isa rin sa pinakamahilig kumain at mahilig magluto,” pahayag ng premyadong direktor.

Kaya ang isinumite niya sa Hong Kong at sa ibang international film festivals ay yung version daw na “mabait.”

Itong isinali niya sa Summer MMFF ay ibang version daw.

“Meron akong version na para sa Metro Manila Film Festival. Director’s Cut ito na hindi ito ang ipinalabas sa festival sa Hong Kong at sa ibang film festivals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bago ito, fresh ito. Walang cut na ganito. Parang director’s cut ang mapapanood natin sa sa Metro Manila Film Festival,” saad ni Direk Brillante.

NOEL FERRER

Sabi pa ni Direk Brillante, binuo niya ang Apag bilang tribute na rin niya sa mga kapwa Kapampangan. Kaya ang main cast niya rito ay mga Kapampangan, at iyon ang dialogue nila sa naturang pelikula.

“Iyon na rin ang naging inspiration ko to somehow give tribute ko to Pampanga, to my heritage sa mga Kapampangan, sa ating kultura. Ang mga artista dito, puro Kapampangan.

“Si Coco Martin na hindi lang marunong magsalita ng Kapampangan, pero Kapampangan yan,” pagmamalaki ni Direk Brillante.

Ang ilan pang mga Kapampangang bahagi sa cast ay sina Jaclyn Jose, Gladys Reyes, at Senator Lito Lapid.

Sa March 31 sa Level Up, excited akong makasama at makapanayam si Gladys Reyes, na sobrang honored na maging parte ng napaka-significant na pelikulang ito.

Proud si Gladys sa role niya at sa paggawa ng pelikula kasama ang mga nirerespeto niyang artists sa showbiz.

Excited akong mapanood at ma-appreciate ang Apag dito sa ating bansa kung saan dapat itong tangkilikin at lubusang suportahan pa!

Salamat at kabilang ito sa mga ipinagmamalaki nating pelikula sa kauna-unahang Summer MMFF.

JERRY OLEA

Ang nakakatuwa kay Coco, alam na alam na nito kung paano magtrabaho si Direk Brillante sa set.

Kahit matagal na silang hindi nagsama sa isang project, gamay na niya ito kaya madalas ay naglolokohan na lang daw sila sa set.

Sabi ni Direk Brillante, “Ang maganda kasi kay Coco, alam niya yung style ko, e. Kasi puwede niyang gawin yung style niya sa TV. Kaya nga minsan, lagi kaming naglolokohan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero minsan ay pinagtripan daw ni Coco ang ilang co-actors niya sa pelikula na ngayon pa lang nakatrabaho ang direktor.

“Palagi niyang niloloko yung mga co-actors niya. Palagi niyang binibiro, ganyan-ganyan. 'Pag pinalakpakan kayo ni Direk Brillante, kabahan na kayo. Kasi pumapalakpak siya. Ibig sabihin, masama yung acting niyo.’

“Niloloko niya palagi ang mga co-actors niya. ‘Kapag wala siyang sinabi, at sinabi lang niya, sige, next scene, ibig sabihin okay yung ginawa niyo. Kasi hindi yan namumuri, ganyan.’

“Parang bini-brief niya palagi ang mga co-actors niya kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin. ‘Huwag kayong mag-okay, ayaw niya ng ganyan. Huwag nyo siyang kumbaga mini-misled si Direk kasi alam niya yan. Alam niya kung hindi totoo ang nararamdaman niyo. Alam niya kung pini-fake niyo. Alam nya kung nagpi-perform lang kayo. Kaya huwag niyo siyang lolokohin sa acting.’ May mga ganun siya.

“May mga co-actors siya minsan na natatakot na o naku-conscious. Parang pinapakaba lang niya ang mga co-actors niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Brillante Mendoza (center) with the cast of Apag, an official entry to the 1st Summer Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: @brillante_mendoza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results