GORGY RULA
Pagkatapos manalo ni Klea Pineda sa Starstruck 6, isa sa isyung hinarap niya ay pagkuwestiyon sa kanyang gender. Ilang presscon ding hinarap ni Klea ang intrigang ito at consistent siya sa pagtanggi.
Read: Kapuso actress Klea Pineda comes out as gay
Hindi kasi nawawala-wala ang isyung iyon dahil may lumalabas-labas pa sa Instagram ang ilang kuhang may kasamang magandang girl si Klea. Napagdudahang baka dyowa niya ito.
Isa ito sa isyung tinanong ko kay Klea sa nakaraang interviews.
Naalala ko pa nung tinanong ko sa kanya uli nung panahong magka-love team pa sila ni Jeric Gonzales. Itinanggi ito ni Klea.
Pero pagkatapos ng interview, nilapitan ako ng aktres at naglinyang, “Si Tito talaga, o!”
Read: Klea Pineda, tinawanan ang lesbian issue; Jeric Gonzales, nalampasan ang video scandal
Sa mga kilos noon ni Klea ay halata na talaga, at ang hilig pa nitong mag-motor. Kahit hindi naman iyon ang basehan kaya hindi pa rin mawala-wala ang ganung intriga sa kanya.
Sabi ng ilang napagtanungan namin, nakakatawa raw ang kuwento ng ilang lalaking nanliligaw kay Klea. Pero hindi naman siguro sila magkukuwento.
Ang ilan sa mga nabalitaan naming pumorma sa StarStruck winner ay sina Jeric Gonzales, Jak Roberto, at Andre Paras.
Nababastusan pala si Klea kapag natatanong siya tungkol sa mga nanliligaw sa kanya.
Sa podcast na Updated with Nelson Canlas nung nakaraang Biyernes, March 17, 2023, tinanong siya ni Nelson Canlas kung nanligaw ba sa kanya si Jeric.
Inamin ni Klea na nanligaw sa kanya si Jeric, pero masyado pa raw siyang bata nung panahong yun na hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga ganung klaseng tanong.
Read: Are Jeric Gonzales and Klea Pineda in a relationship?
“Wala talaga ako idea sa tanong nila. Actually, alam ko na-speechless ako nun, e,” bulalas ni Klea.
“Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Kahit na-compose ko yung sarili ko, hindi ko talaga kayang sagutin yung tanong, sorry.
“Pero siguro yun yung mga time na, ‘Oh my God! Ang personal nang sobra ang question.’ Parang… siyempre ang initial reaction ko, magdi-deny ako, di ba?
“Magdi-deny ako sa kung anong tanong man yun. Magdi-deny ako nang sobra-sobra. Wala pa ako sa point na yun ready ako na sagutin yung question na yon.
“Siguro, isa yun sa mga bastos na natanggap kong question na hindi nila iniisip yung nararamdaman ng ini-interview nila. Gusto lang nila ng writeup. Gusto lang nila na may pag-usapan. Naging selfish sila sa part na yun.
“Ang parang ako…. okay lang. Sige, i-deny ko hangga’t kaya ko. Kasi hindi pa rin ako ready nung time na yun, e. Iyon yung isa sa na-invade yung privacy ko nang malala,” dagdag niyang pahayag.
Malamang na nabastusan din siya sa mga tanong noon na kinukuwestiyon ang tunay niyang kasarian.
May natutunan naman daw siya sa mga ganung klaseng tanong sa kanya.
“Alam ko ngayon sa sarili ko bilang artista, kung may gusto akong sagutin o ayaw kong sagutin, nasa sa akin yun, desisyon ko yun.
“Okay ibato niyo yung question, pero gusto ko po ng may boundaries po tayo at lumalagpas na po kayo dun. Kapag napi-feel ko na nalalagpasan yung limits na yun, yung boundaries na yun, okay lang ako mag-say no.
“Siguro yun ang natutunan ko from that interview,” saad ni Klea, na first time na nagkontrabida sa afternoon drama na AraBella.
JERRY OLEA
“What is straight? A line can be straight, or a street, but the human heart, oh, no, it's curved like a road through mountains.” (Tennessee Williams, A Streetcar Named Desire)
Nauurirat si Klea sa isyung katomboyan dahil sa gawi niya, at pakikitungo sa iba pang young actress. Makailang ulit siyang na-blind item kaugnay sa ganoong isyu.
Kung naghihimutok siya na ini-invade ang kanyang privacy, meron siyang choice.
Abangan natin ang guesting ni Klea sa Fast Talk With Boy Abunda. Ipapakita ba niya roon ang litrato ng kanyang girlfriend?
NOEL FERRER
Ngayong malaya na niyang naipapahayag ang kanyang sarili, sana’y umahon na si Klea sa pagiging da hu.
Sana rin, hindi na big thing ang kanyang coming out, mas pagtuunan ng pansin ang pag-come in at pag-integrate sa showbiz na kikilalanin siya dahil sa kanyang gender lamang — kundi ang puwede niyang kontribusyon sa industriya.
Sana talaga, unang hakbang na ang pag-amin sa kanyang katotohanan at pagkatao.
Sumunod na sana ang kanyang pag-angat at pag-unlad bilang artista, at sana talaga… byebye da hu na, Klea, ha?!