Tropang LOL, magpapaalam na sa ere sa April 29 — sources

May date na ang huling araw ng Tropang LOL sa A2Z at TV5.
by PEP Troika
Mar 24, 2023
Tropang LOL
Blocktimer noontime show na Tropang LOL, nakatakda sa April 29, 2023 ang huling telecast sa TV5 at A2Z, ayon sa insiders ng show. Ang mga nasa larawan ay ang co-hosts na sina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Billy Crawford, at Wacky Kiray.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook

GORGY RULA:

Kinumpirma na mismo ng mga taga-Tropang LOL na malapit nang magsara ang ang kanilang noontime show.

Totoo raw ang kumalat na balitang hanggang end of March na lang ang taping nila.

Iti-tape raw nila ang mga episodes para sa buong buwan ng April.

Bale ang last airing ng naturang noontime show ay sa April 29.

Malungkot ang ilang staff na naka-text namin dahil napamahal na talaga sa kanila ang Tropang LOL.

Sinubukan kong hingan ng pahayag ang ilang main hosts nito na sina Bayani Agbayani at Alex Gonzaga, pero hindi pa sila sumasagot sa aming text message.

Ang iba pang main hosts ng show ay sina Billy Crawford, Matteo Guidicelli, KC Montero, Wacky Kiray, Jeff Tam, Laboching, at JD Axie.

Sabi naman ng taga-Brighlight Productions na producer ng Tropang LOL, tuloy pa rin daw ang kanilang pagpu-produce.

More shows coming pa raw mula sa Brightlight na pag-aari ni Bacolod City Mayor Albee Benitez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Tropang LOL, ang Brightlight din ang producer ng Rated Korina na napapanood sa TV 5 at A2Z, pati na ang Love, Bosleng and Tali at Lutong Daza na napapanood naman sa NET25.

JERRY OLEA:

Aligaga tayo sa mga kaganapan sa rebranding ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Heto ang Tropang LOL ng TV5 na nagmalaking 2M+ na ang followers sa Facebook…matitigok na pala.

Tropang LOL

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang ipalabas sa TV5 ang It’s Showtime at gawing pre-programming nito ang Tropang LOL, nahinuha nating any moment ay babagsak ang tabak ni Damocles sa programa nina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Billy Crawford, KC Montero, Wacky Kiray, Jeff Tam, at iba pa.

NOEL FERRER:

Ang daming posibilidad na puwedeng pag-usapan sa pagtatapos ng Tropang LOL. Alam na ba iyon ng mga staff nito?

Hindi naman sa nilalahat, karaniwan kasi ang kanta ng mga staff at kasali sa programa ay “Don’t Let Me Be The Last To Know.”

Ano kamo ang ipapalit sa LOL? Totoo bang ibabalik ang Face To Face na dati’y kay Tiyang Amy at ngayon ay napapabalitang pamamahalaan nina Karla Estrada at Alex Calleja bilang kapalit ng LOL?

Pangangatawanan ng TV5 ang pagiging counter programming?

Oh well, mananatili tayong mapagtanong na nakamasid. Dahil napaka-volatile ng timeslot na ito sa telebisyon.

Maraming galawan na mangyayari pagkatapos ng Mahal Na Araw… dahil after ng pagpapakasakit, may Glorya at Pasko ng Pagkabuhay, di ba? Antayin natin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Blocktimer noontime show na Tropang LOL, nakatakda sa April 29, 2023 ang huling telecast sa TV5 at A2Z, ayon sa insiders ng show. Ang mga nasa larawan ay ang co-hosts na sina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Billy Crawford, at Wacky Kiray.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results