Maria Clara at Ibarra, umaariba sa No. 1 spot sa Netflix Philippines

Two days pa lang sa Netflix!
by PEP Troika
Apr 16, 2023
Maria Clara at Ibarra
Maria Clara at Ibarra, unang PH series na nag-No.1 sa Netflix Philippines ngayong 2023
PHOTO/S: Maria Clara at Ibarra

JERRY OLEA:

Nanguna ang Maria Clara at Ibarra sa "Top 10 TV Shows in the Philippines Today" sa Netflix Philippines ngayong Abril 16, Linggo.

Noong Abril 14, Biyernes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang Kapuso prime-time series nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, at David Licauco.

READ: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast

Para sa taong 2023, ito ang unang Pinoy series na nag-No. 1 sa Netflix Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This year ay tatlo pa lang local TV shows ang pumasok sa Top 10. Ang dalawa pa ay ang Kapamilya shows na Call Me Tita (Mylene Dizon, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, Lorna Tolentino at Angelica Panganiban) at ang remake ng The Promise o Pangako Sa ‘Yo (Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Angelica Panganiban).

Nag-peak ang Call Me Tita sa pangalawang puwesto sa apat na magkakasunod na araw noong Enero 18-21.

Iyong The Promise ay nag-peak this year sa sixth place for three consecutive days noong Pebrero 23-25.

Mula Marso 18 hanggang Abril 14 ay walang gawang-Pilipino sa talaan ng "Top 10 TV Shows in the Philippines Today" sa Netflix.

Noong Abril 15, Sabado, pumuwesto muli sa pansampu ang The Promise.

Ngayong Abril 16 ay ligwak na nanan sa listahan ang KathNiel series, pero umariba ang seryeng tinampukan ng FiLay o BarDa.

Ang "Top 10 TV Shows in the Philippines Today" — Maria Clara at Ibarra, Obsession, Beef, The Night Agent, The Glory, True Beauty, Mr. Queen, Demon Slayer, Divorce Atty. Shin, at Queenmaker.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Oh yes, anim sa mga iyan ay gawang-South Korea. Pero at least, likhang-Pinoy ang nangunguna.

Samantala, sa "Top 10 Movies in the Philippines Today" ay pasok pa rin ang dalawang MMFF 2022 entry, ang Partners in Crime at Labyu With An Accent na noong Marso 25 pa nag-umpisang mag-streaming.

Andiyan pa rin ang Irish film na Nocebo kung saan nagpakitang-gilas si Chai Fonacier.

Ang "Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix": Hunger, Seven Kings Must Die, Kill Boksoon, Chupa, Noah, Confidential Assignment 2: International, The Forest, Partners in Crime, Nocebo, at Labyu With An Accent

Dalawa lang diyan ang gawang-South Korea, ang Kill Boksoon at ang Confidential Assignment 2: International.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Habang easily accessible na after three months mula nang maipalabas sa sinehan ang mga MMFF films noong holidays, sana makuha pa ring panoorin ng mga kababayan natin ang mga Summer MMFF entries sa sinehan hanggang Tuesday bago pa man ito maging available sa streaming.

Congrats sa Maria Clara at Ibarra. At least, patuloy na pinag-uusapan ngayon at tinatangkilik sa Netflix.

It has also extended the longevity of the BarDa loveteam. Finally ba ay magkaka-box office clout si David after two films that bombed?

We’ll see pag nagtambal ang BarDa sa pelikula. (Sayang, napakahusay pa namang aktres ni Barbie, di ba?)

Sana, magtagal pa sa No. 1 ang Maria Clara at Ibarra. At sana, mas marami pang Pinoy content ang sumampa sa Top 10 ng Netflix!!!

So, Netflix na nga ba ang pumalit sa free TV viewing fare ng mga Pinoy? What do you think?

GORGY RULA:

Tweet ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero ngayong Sunday morning (published sa is):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mga shows na ginawa ko, lalo at malaki ang significance para sa akin, ipinata tattoo ko sa katawan ko. Meron na ako sa lahat except Maria Clara at Ibarra. Shokot ako.

"Ano ipapatattoo ko? Image ng apat? Big work saka ang sakit. Naghahanap ako image na Mcai.

"Pero ayoko naman ng short cut na ‘mcai’ o salitang maria clara at ibarra. Any suggestions sa sinumang magkakaroon ng kaunting pake sa post ko?"

Ang "image na apat" na tinutukoy ni Suzette ay ang Fab 4 o Apat na Sikat na sina Barbie, Dennis, Julie Anne, at David.

Matatandaan na nagbida sina David at Julie Anne sa Heartful Café (Abril-Hunyo 2021) kung saan nag-guest si Barbie bilang ex-girfriend ni David na nagmaldita kay Julie Anne.

Siyanga pala, tampok ang Kapuso Prime-time Princess na Barbie sa unang anti-piracy video na inilunsad ng GMA Network.

May netizen na nag-comment na napanood niya ang seryeng Maria Clara at Ibarra. Barbie immediately called out the netizen, encouraging her and other viewers only to watch shows on official and legitimate sites to avoid the dangers of malware from unsafe websites and services.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Barbie sa one-minute video campaign, "Mas masayang ulit-ulitin ang Maria Clara at Ibarra sa ating official website. Malinaw na, kumpleto pa ang episodes.

"Manood po tayo sa official sites kasi with your continued support mas marami pa kaming magagawang original at exclusive content para sa inyo. Kaya stream responsibly, and together, let’s fight piracy!"

In another anti-piracy campaign video, Barbie also reminded global Pinoys to watch Kapuso programs overseas through official streaming platforms and channels such as GMA Pinoy TV.

"Makakaasa po kayo sa mas marami pang quality shows dahil sa patuloy na suporta ninyo. Doon po tayo sa legit.

"Bukod sa mapapanuod nang malinaw at buo ang episodes, may English subtitles pa, kaya stream responsibly and together, let's fight piracy!"
bulalas ni Barbie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maria Clara at Ibarra, unang PH series na nag-No.1 sa Netflix Philippines ngayong 2023
PHOTO/S: Maria Clara at Ibarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results