JERRY OLEA:
Lagare Queen ang "Majestic Superstar" na si Maja Salvador noong Hulyo 30, 2022. Tatlong malaking showbiz event ang dinaluhan ni Maja noong araw na iyon — 43rd anniversary presentation ng Eat Bulaga, 70th FAMAS Awards, at GMA Thanksgiving Gala.
Tinagurian din si Maja na "Queen of Revenge Drama." At ngayon, keri na rin niya ang title na "Star For All Networks"!
Back-to-back ang launch ng dalawang TV program niya sa magkaibang network. Nauna nang napabalita ang Open 24/7 sitcom nila ni Vic Sotto sa GMA-7. Kapalit iyon ng Daddy’s Gurl.
Sa TV5, for the first time ay magho-host si Maja ng comedy game show, ang Emojination. Co-host niya rito si Awra Briguela.
Nagpaalam man si Maja bilang Dabarkads sa Eat Bulaga noong Abril 14, hayan siya at nananatiling Kapuso at Kapatid!
- Maja Salvador on settling down: "Ito na yung totoong buhay."
- Maja Salvador, aalis na sa 'Eat Bulaga!'; rebranding ng noontime show, di na tuloy?
- Maja Salvador at Rambo Nuñez, kumpirmadong ikakasal sa July 2023
NOEL FERRER:
Before Maja, nagawa rin iyan dati ni Eugene Domingo at ang talent kong si Ryan Agoncillo.
Sabi pa nga ni Uge noon, napatunayan niyang hindi lahat ng tumatawid ay namamatay.
Maja is blessed na puwede niyang pagsilbihan ang lahat ng networks nang maayos at walang aberya. Iilan lang ang nabibigyan ng ganyang pagkakataon.
Partida pa na naghahanda pa siya sa kanyang kasal sa kaibigan nating Rambo Nuñez sa Hulyo.
Sana, dumami pa ang mga katulad ni Maja na ang husay ng talent at pakikisama ay puwedeng ma-carry ng lahat ng platforms.
Sana rin, makagawa na ng pelikula ulit si Maja soon. Ang dating Urian Best Actress ay puwedeng i-seal ang kanyang star power kapag mapatunayang may paying audience din siya, na hindi naman nakakapagtaka! Go go, Maja!!!
GORGY RULA:
Kasadung-kasado na ngayong linggo ang taping ni Maja sa sitcom nila ni Bossing Vic.
Pero hindi natuloy dahil di gaano okay ang pakiramdam ni Bossing. Kailangan muna niyang magpahinga.
Kaya naka standby na naman sila. Pero excited na rin si Bossing dahil ibang sitcom ito kumpara sa Daddy’s Gurl.