JERRY OLEA
Viva, Janno Gibbs! Viva, Xian Lim!
Nag-number one agad ang Hello, Universe! sa Top 10 Movies in the Philippines ng Netflix.
Ang nasabing Viva movie na pinagbidahan ni Janno, sa direksiyon ni Xian, ay ipinalabas sa local cinemas noong Enero 25, 2023.
Nag-umpisang mag-streaming ito sa Netflix Philippines noong Abril 25, Martes.
Read: Reunion movie nina Janno Gibbs at Anjo Yllana, si Xian Lim ang magdidirek
May isa pang pelikulang Pinoy sa Top 10 Movies in the Philippines ng Netflix, ang Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi.
Noong Marso 27 pa ito nakasama sa listahang iyan. One month na!
Read: Partners In Crime at Labyu With An Accent, kinabog ang foreign movies sa Netflix
At itong Hello, Universe! ang pangatlong pelikulang Pinoy na nag-number one this year sa Top 10 Movies list ng Netflix Philippines.
Nauna rito ang An Incovenient Love (Pebrero 25-27) at Partners in Crime (Marso 27-Abril 1).
Take note na ten consecutive days na number one sa talaan ang F9: The Fast Saga. Hello, Universe! pala ang kakakabog dito. (Take note na sa Mayo 17 ay nakatakdang ipalabas sa local cinemas ang Fast X.)
Ang nakakatuwa pa, nananatiling number one sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix ang Maria Clara at Ibarra.
Twelve consecutive days na sa tuktok na puwesto ang makasaysayang Kapuso series na tinampukan nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, at David Licauco.
At sa labindalawang araw na iyan ay walang ibang Pinoy TV show na napabilang sa listahan.
Read: Maria Clara at Ibarra, umaariba sa No. 1 spot sa Netflix Philippines
And hello, galaxy! For the first time this year, parehong gawang-Pinoy ang nanguna sa Top 10 Movies at Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines. Mabuhay!!!
Noong number 1 sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang An Incovenient Love, ang number one sa Top 10 TV TV Shows ay Mr. Queen.
At noong number one sa Top 10 Movies ang Partners In Crime, ang number one sa Top 10 TV Shows ay The Night Agent.
Ang Top 10 Movies sa Netflix Philippines ngayong Abril 27, Huwebes — Hello, Universe!, F9: The Fast Saga, Lyle, Lyle Crocodile, A Tourist’s Guide To Love, Hunger, Chokehold, Seven Kings Must Die, Kill Boksoon, Partners in Crime, The Condemned.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Maria Clara at Ibarra, Queenmaker, Doctor Cha, One Piece, Demon Slayer: Swordsmith Village Arc, The Diplomat, Beef, True Beauty, The Night Agent, The Glory.
NOEL FERRER
SUPER baba at nakakaawa ang first day box-office results ng dalawa nating local films na nagbukas sa mga sinehan kahapon, April 26.
Kahit production ay ayaw ipasabi ang mga numero dahil nakakaawa talaga kaya sana, matulungan pa natin. At sana, hindi pa tuluyang tanggalin sa local cinemas.
Nasa Netflix at ibang streaming platforms na nga lang ba ang mga kababayan natin, at doon na lang ba nila napapanood ang mga local films?
Nasaan na nga ba ang Pinoy audience at ano ang gusto nilang mapanood ngayon?
GORGY RULA
Pitong bagong movies ang nag-open sa local cinemas kahapon. Labu-labo!
At sa darating na Miyerkules, Mayo 3, ay magpapayanig na sa takilya ang Guardians of the Galaxy Volume 3.
Wala pa tayong balita kung ano bang pelikula just in case ang makikipagsalpukan dito. Antabayanan natin kung meron ba sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at SM Cinema.
Samantala, sa first week of May ay dalawang pelikulang Pinoy ang nakatakda nang mag-streaming sa Netflix Philippines.
Labor Day (May 1, Monday) ang streaming ng Spellbound nina Bela Padilla at Marco Gumabao, samantalang Mayo 5, Biyernes, ang streaming ng 2011 film ni Maja Salvador na Thelma.
Noong Pebrero 1 lamang ipinalabas sa local cinemas ang Spellbound.