GORGY RULA
Mukhang tama ang hula naming ang NET25 at TV5 ang nag-alok kina Tito, Vic & Joey na mag-Eat Bulaga! sa kanilang istasyon.
Sabi ni dating Senate President Tito Sotto nang nakapanayam siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph): “I have no problem saying that we’re getting offers from two other stations.
“We acquired the services of Divina Law to look into everything… the situation. Kasi, it’s not because of us or for us. It’s because of the small people in the production.”
Ang duda naming dalawang TV network na nag-alok sa TVJ ay ang NET25 at TV5.
Nakapanayam ng PEP Troika ang presidente ng NET25 na si Ka Ceasar Vallejos. Diretsahan naming tinanong kung nag-offer ba sila na mag-Eat Bulaga! sa kanilang istasyon.
Pahayag ni Ka Ceasar, “Since TVJ is on NET25 already, we are open to that. Sino po ba ang tatanggi sa pagkakaroon ng ganyang programa?
“We are open to that, and we are thankful also if that happens.”
Hindi raw sila natutuwa sa mga nangyayari sa longest-running noontime show sa bansa. Hangad pa rin daw nilang magkaayos ang magkabilang kampo para tuluy-tuloy pa rin ang pagpapasaya ng Eat Bulaga! sa taumbayan.
“NET25 always supports harmony, unity in any field. That includes industry associations.
“We are not happy with many issues that surrounds... not only what happened to them but in any issues that concerns celebrities, because we are family-friendly, wholesome channel. And as much as possible, we promote values that promote harmony and unity.
“But with what’s happening to other programs, of course we feel bad about that. But, we are contented that TVJ is on Net 25,” dagdag na pahayag ni Ka Caesar.
NOEL FERRER
Hindi man magkaroon ng Eat Bulaga! sa NET25, masaya na raw silang may show ang TVJ sa kanilang istasyon.
“NET25 is one of their homes. They made NET25 another home for TVJ.
“As a matter of fact, Tito Sotto has Reality Check where he discusses current affairs and a lot of issues affect the Filipinos.
“Joey de Leon has Oh No It’s B.O. or Oh No, It’s Biro Only. It’s a prank show, and it’s very practical and it’s something that we are very proud of because it generates ratings for the network.
“And we also have Vic Sotto. Hindi lang si Vic Sotto. Nandiyan yung asawa niya, si Ms. Pauleen and Tali.
"So, it’s three in one, and they discuss a lot of day to day issues that affect the regular issues and affect the regular Filipinos and the regular Filipino family. And they promote and give advice to a lot of topics that promote values.
“Imagine, to have these icons… to have these legends… considered as legends in the TV industry altogether in the network. It’s something that we are very proud of.
“TVJ is on NET25 and we are very very happy to have them making NET25 as their home.”
Pero totoo kayang may nag-alok na ring taga-TV5 na puwede maging tahanan din ng Eat Bulaga!?
The more options the better, pero ang aabangan nating aksyon ay ang aksyon ng GMA-7 kung saan may kontrata ang TAPE para sa noontime show.
Wait and see tayo!!!
JERRY OLEA
Napag-alaman ng PEP Troika na interesado talaga ang TV5 sa Dabarkads ng Eat Bulaga!.
Paano naman ang pamilya ng It’s Showtime?
Mai-imagine ba ninyo na ang Eat Bulaga! ay nasa TV5 na, at ang It’s Showtime ay magiging Kapuso?
Aba! More and more na ang collab ng mga Kapamilya at Kapuso, di ba?!
Ang mga pelikula ng ABS-CBN Star Cinema at Black Sheep, napapanood sa GMA.
Andiyan ang teleseryeng Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, at Gabbi Garcia.
Read: Kapamilya and Kapuso stars leading the series Unbreak My Heart
Bida sina Alden Richards at Julia Montes sa pelikulang Five Break-ups And A Romance — na joint venture ng GMA Pictures, CS Studios, at Myriad, with Malou Santos as consultant. Pag sinabing Malou Santos, kakabit niyan ang malalaking pelikula ng Star Cinema.
Read: Alden Richards and Julia Montes reveal reasons for saying "yes" to 'Five Break-ups And A Romance'
Ang mga programa ng GMA gaya ng Maria Clara at Ibarra, Abot Kamay na Pangarap, Apoy sa Langit, First Yaya, at The World Between Us, mapapanood na sa iWantTFC ng ABS-CBN mula Mayo 1.
Read: Maria Clara at Ibarra at ibang GMA shows, mapapanood na sa iWantTFC
Kaya hindi kataka-taka na kung umalis ang Eat Bulaga! sa Siyete, e, pumalit doon eventually ang It’s Showtime.
Of course… hindi rin natin basta-basta makakalimutan ang ALLTV, na tinaguriang Bagong Channel 2.
Sakaling mag-full blast na ang TV station ng Villar Group of Companies, puwedeng iyon ang maging bagong tahanan ng Eat Bulaga!.
Que sera, sera. Mangyayari ang mangyayari sa takdang panahon.