Ken Chan, di pinanghinaan sa box-office results ng unang pelikula bilang producer

Ken Chan, makakasama si Sue Ramirez sa susunod niyang pelikula.
by PEP Troika
Apr 27, 2023
ken chan papa mascot
Ken Chan: “Every time naman po na may pelikula akong ginagawa, yung showing po ng first day, talagang nakakakaba. But at the same time, proud. Proud ako because alam ko na nakagawa kami ng isang material na quality. Isang material na matagal ko nang pangarap noon pa."

GORGY RULA

Nabanggit na nga ni Sir Noel Ferrer na hindi maganda ang resulta ng local films na nagbukas sa mga sinehan nung Miyerkules, April 26, 2023.

Pero hindi ito dahilan para mapanghinaan ng loob mag-produce ng pelikula lalo na ang mga bagong film producers kagaya ng Kapuso actor na si Ken Chan.

First venture ni Ken, kasama ang Wide International Films, ang pelikulang Papa Mascot na nag-showing kahapon kaya hindi niya itinatangging kinabahan siya nung first day of showing nito.

“Every time naman po na may pelikula akong ginagawa, yung showing po ng first day, talagang nakakakaba. But at the same time, proud.

"Proud ako because alam ko na nakagawa kami ng isang material na quality. Isang material na matagal ko nang pangarap noon pa.

“Sabi ko nga, I’m so blessed and thankful na ibinigay sa akin ni Lord, ng Wide International Film, at pinapangarap din ito sa akin ni Direk Louie Ignacio na makagawa ako ng ganitong material, and finally nagawa na namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And proud ako, and excited ako na i-share ito sa mga Kapuso natin, sa mga supporters ko, sa mga fans ko.

“Excited ako kung ano yung takeaway nila o yung matututunan nila sa pelikula. Kasi, for sure, maraming mai-inspire, maraming matutunan dito.

"Kahit ako maraming natutunan sa pelikulang ito,” pahayag ni Ken nang nakapanayam namin via Zoom nung Miyerkules.

Mabuti at suportado ng mga kaibigan nilang nag-sponsor ng ilang block screening kaya kahit paano, nakatulong ito sa box-office results ng pelikula.

Nagpapasalamat si Ken sa mga kaibigan niya sa GMA-7, lalo na sa executives, na sumuporta sa nakaraang premiere night ng Papa Mascot.

Ilan sa mga dumalo sa premiere sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Jeric Gonzales, at Rabiya Mateo. Hindi lang daw nakadalo ang dati niyang ka-love team na si Rita Daniela dahil naglilipat daw ito ng bahay.

Sabi ni Ken, “Si Rita po kasi naglilipat po siya ngayon. Naglipat po siya ng place niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Medyo napalayo si Rita ngayon. I think nandun siya ngayon sa South.

“So, hindi ko alam kung makakapunta po siya kasi napalayo po si Rita at busy po siya sa paglipat at sa baby niya.

“Parehas naman po kami ng handler ni Rita. Sinabi ko naman po sa kanya yun.”

NOEL FERRER

Tiniyak ni Ken Chan na kahit ano ang maging resulta ng Papa Mascot, tuloy pa rin ang pagpu-produce niya ng pelikula kasama ang Wide International Films.

Hindi pa naman na-finalize, pero ang dinig namin, inaayos pa na ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang makakasama ng Kapuso actor sa susunod na gagawin niyang pelikulang kukunan sa Taiwan.

Saad ni Ken, “Sobrang blessed po ako with Ms. April Martin and Ms. Pauline Publico, yung mga producers po natin sa Papa Mascot.

“After this… in July, pupunta po kami ng Taiwan to shoot a movie. Makakasama ko naman po dito ang isa sa magagaling na aktres sa kabilang istasyon po, sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After po ng Taiwan, lilipad naman po kami ng Thailand. Magkakaroon po tayo ng pelikula dun with an actor… a Thai actor.

“Inaayos pa po namin yung material. Surprise po kung ano po yung maging takbo. Kahit po ako, medyo hindi ko pa po alam kung ano po yung concept ng pelikula namin sa Thailand.”

At kung anuman, there is always Café Claus na sanctuary ni Ken kaya secure ang kanyang kabuhayan showcase din, at sana pati pag-ibig.

JERRY OLEA

Walong pelikulang Pinoy ang kalahok sa 1st Summer MMFF mula Abril 8, Sabado de Gloria, hanggang Abril 18.

Pitong bagong movies ang nag-open noong Abril 19, Miyerkules, ganoon din noong Abril 26.

Mistulang may filmfest every week.

Sa darating na Mayo 3, Miyerkules, ay magpapayanig na sa takilya ang marvelous film na Guardians of the Galaxy Volume 3.

Trailer pa lang, kapana-panabik na ang mga bagong paandar nina Peter Quill/Star-Lord (Chris Pratt), Drax the Destroyer (Dave Bautista), Rocket (boses ni Bradley Cooper), at Groot (boses ni Vin Diesel). Andiyan pa rin sina Gamora (Zoe Saldaña) at Nebula (Karen Gillan).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan natin kung showing pa ang Papa Mascot at iba pang movies oras na ipalabas na ang Guardians of the Galaxy Volume 3.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan: “Every time naman po na may pelikula akong ginagawa, yung showing po ng first day, talagang nakakakaba. But at the same time, proud. Proud ako because alam ko na nakagawa kami ng isang material na quality. Isang material na matagal ko nang pangarap noon pa."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results