Netflix Top 10 TV Shows: Maria Clara at Ibarra, na-dethrone ng Queen Charlotte

Maria Clara at Ibarra, pinababa sa trono ng Queen Charlotte
by PEP Troika
May 8, 2023
maria clara at ibarra queen charlotte netflix
Filipino drama series Maria Clara at Ibarra (left) steps down as No. 1 TV show on Netflix after 22 days. The new No. 1 is the American limited series Queen Charlotte: A Bridgerton Story.
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

Parehong Abril 14, 2023 nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang Queenmaker at ang Maria Clara at Ibarra.

Pagsapit ng Abril 16, nanguna ang Kapuso series nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, at David Licauco sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix.

Nanatili sa puwesto ang Maria Clara at Ibarra kahit pa nag-streaming nang mga sumunod na araw ang Japanese animé TV series na One Piece (Abril 15), The Diplomat (Abril 20), The Good Bad Mother (Abril 26), at ang second season ng Sweet Tooth (Abril 27).

Noong Mayo 4, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming ang Queen Charlotte: A Bridgerton Story.

Pumuwesto ito sa pangalawa noong Mayo 6, Sabado, maging noong sumunod na araw. Ewan kung may kinalaman ang May 6 coronation kina Charles III at Camilla bilang bagong hari at reyna ng United Kingdom and the other Commonwealth realms… ngayong Mayo 8, Lunes ay naagaw ng Queen Charlotte: A Bridgerton Story ang trono ng Maria Clara at Ibarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Twenty-two consecutive days na nanguna ang Maria Clara at Ibarra sa Top TV Shows in the Philippines Today ng Netflix, mula Abril 16 hanggang Mayo 7.

Ang limited series na Queen Charlotte: A Bridgerton Story ay prequel spin-off ng Netflix series na Bridgerton.

Ang logline ng spin-off series: “How did Queen Charlotte become the beloved and resplendently bewigged ruler of the ‘Bridgerton’ era’s diverse society. It all begins on her wedding day.”

Ang anim na episodes nito ay "Queen to Be" (55m), "Honeymoon Bliss" (1h), "Even Days" (56m), "Holding the King" (54m), "Gardens in Bloom" (1h 16m), at "Crown Jewels" (1h 26m).

Rated 16+ ang Queen Charlotte: A Bridgerton Story dahil sa sex.

Pwetmalu sina Corey Mylchreest (gumanap na young King George III), Freddie Dennis (young Reynolds, King George’s footman), Sam Clemmett (young Brimsley, Queen Charlotte’s butler), at Keir Charles (Lord Ledger, ama ni Violet, lolo ng Bridgerton children).

Markado ang papel dito ni Michelle Fairley bilang Augusta, Dowager Princess of Wales, ina ni King George.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Michelle ay bantog bilang Catelyn Stark sa HBO series na Game of Thrones. Si Catelyn ang asawa ni Ned Stark. Lima ang kanilang mga anak — sina Robb, Sansa, Arya, Bran at Rickon.

Tampok pa rin sa Queen Charlotte: A Bridgerton Story si Julie Andrews bilang boses ni Lady Whistledown, ang manunulat ng gossip columns.

Ang Top TV Shows in the Philippines Today ng Netflix ngayong Mayo 8, Lunes — Queen Charlotte: A Bridgerton Story (6 episodes), Maria Clara at Ibarra (52 episodes), Doctor Cha (16 episodes), The Good Bad Mother (14 episodes), Dr. Romantic (2 seasons, 37 episodes), Sweet Tooth (2 seasons, 16 episodes), Queenmaker (11 episodes), One Piece (3 seasons, 92 episodes), Sanctuary (8 episodes), at Till The End of the Moon (40 episodes).

netflix top 10

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat sa mga iyan ay mula sa South Korea — Doctor Cha, The Good Bad Mother, Dr. Romantic, at Queenmaker.

Dalawa ang Japanese, ang One Piece at Sanctuary.

Dalawa rin ang American, ang Queen Charlotte: A Bridgerton Story at Sweet Tooth.

Chinese (Mandarin) ang Till The End of the Moon.

Nalalapit na ang Netflix streaming ng mga seryeng Queen Cleopatra (Mayo 10), season 3 ng Ultraman (Mayo 11), Black Knight (Mayo 12) ni Kim Woo Bin, Suntok Sa Buwan (Mayo 12) nina Aga Muhlach at Elijah Canlas, XO, Kitty (Mayo 18), Agency (Mayo 30), at season 2 ng Missing: The Other Side (Hunyo 1).

Samantala, ang Top TV Movies in the Philippines Today ng Netflix ngayong Mayo 8, Lunes — AKA, Bumblebee, Spellbound nina Bella Padilla at Marco Gumabao, The 5th Wave, Sniper: Assassin’s Creed, F9: The Fast Saga, Hunger, Finding You, Hello, Universe! ni Janno Gibbs, at Lyle, Lyle Crocodile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netflix top 10 movies

Noong Mayo 5, Biyernes, pa nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang pelikulang Thelma ni Maja Salvador, ngunit wala pa ito sa Top 10.

Nalalapit na ang Netflix streaming ng mga pelikulang Royal Teen: Princess Margrethe (Mayo 11), The Mother (Mayo 12), Spirit Untamed (Mayo 19), Ang Larawan (May 26) nina Joanna Ampil at Rachel Alejandro, The Year I Started Masturbating (Mayo 26), Whitney Houston: I Wanna Dance With Somebody (Mayo 26), at Missed Connections (Hunyo 2) nina Kelvin Miranda at Miles Ocampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

May ilan akong nakausap na ngayon lang nila natutukan ang Maria Clara at Ibarra sa Netflix.

Hindi kasi nila nasusubaybayan noon sa GMA 7, at mas na-appreciate nila ngayon dahil tuluy-tuloy nilang napapanood.

Nag-binge watching ang ilan sa kanila kaya natapos na nila ito.

Matagal-tagal din itong namayagpag sa Netflix, at maaring ang ilan ay natapos na nila kaya nabawasan na ng viewers. Mukhang matatagalan pa ito sa Top 10.

Samantala, nasimulan ko na ang The Good Bad Mother. May pagka-Pinoy ang kuwento nito.

Kayang-kaya rin natin itong gawin dahil marami ring may pagkakahalintulad sa atin, kagaya ng nangyayaring corruption at sa ating justice system. Posibleng magkakaroon ito ng Pinoy adaptation kapag patuloy itong magti-trending.

NOEL FERRER

The good thing pa about Maria Clara at Ibarra, napataas nito ang sales ng mga libro (Pinoy novels), na isa ring malaking achievement sa henerasyon ngayon.

Balita namin ay marami pang mga projects na naka-lineup na nakabase sa Philippine literature! Magandang effort ito at susuportahan natin ang mga ito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo magastos lang nga, pero magandang investment ang mga ganitong panoorin para mapagyaman at mapalaganap na lalo ang ating sining at kultura.

Ipinagdiriwang natin ngayong Mayo ang National Heritage Month (Pambansang Buwan ng Pamana), na ang tema ay “Heritage: Change & Continuity” (“Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago”)!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino drama series Maria Clara at Ibarra (left) steps down as No. 1 TV show on Netflix after 22 days. The new No. 1 is the American limited series Queen Charlotte: A Bridgerton Story.
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results