David Licauco, tumaas ang talent fee pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra

Maria Clara at Ibarra, naungusan ng Black Knight sa Netflix.
by PEP Troika
May 15, 2023
david barbie maria clara at ibarra
Apat na araw matapos mabawi ang No. 1 spot sa Top 10 TV Shows sa Netflix, bumaba muli sa ikalawang puwesto ang Maria Clara at Ibarra, tampok sina David Licauco at Barbie Forteza (kaliwa), dahil naungusan na ito ng K-drama series na Black Knight tampok si Kim Woo Bin (kanan).
PHOTO/S: GMA Network / Netflix

JERRY OLEA

Na-dethrone na naman ang Maria Clara at Ibarra sa Netflix Philippines.

Twenty-two (22) consecutive days na nanguna sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix ang Kapuso series na pinagbidahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Lucauco, at Dennis Trillo — mula Abril 16 hanggang Mayo 7, 2023.

Naagaw ng Queen Charlotte: A Bridgerton Story. Dalawang magkasunod na araw itong nanguna.

Read: Netflix Top 10 TV Shows: Maria Clara at Ibarra, na-dethrone ng Queen Charlotte

Noong Mayo 10, Miyerkules, ay ang South Korean series na Doctor Cha naman ang umupo sa trono. Sa tatlong magkakasunod na araw ay nasa pangalawang puwesto ang Kapuso series na inspired sa dalawang nobela ni Dr. Jose P. Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Noong Mayo 11, Huwebes, ay nabawi ng Maria Clara at Ibarra ang trono. Four consecutive days ito sa nasabing puwesto.

Read: Maria Clara at Ibarra, balik sa trono bilang No. 1 TV Show sa Netflix

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Mayo 15, Lunes, ay na-dethrone na naman ang Maria Clara at Ibarra, at nasa second place muli ito.

Ang bagong kampeon sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ay ang South Korean na Black Knight, kung saan bida si Kim Woo-bin bilang legendary delivery driver na si 5-8.

Nasa cast din nito sina Song Seung-heon, Kang Yoo-seok, Esom, Kim Eui-sung, Jin Kyung, at Nam Kyung-eup.

Base ito sa webtoon of the same title na obra ni Lee Yun-kyun. Ang setting ng istorya ay Year 2071.

Ang pangatlo sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ay ang Queen Charlotte: A Bridgerton Story, at ang pang-apat ay ang Doctor Cha.

Samantala, ang apat na nangunguna sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ay ang action thriller ni Jennifer Lopez na The Mother, ang historical action drama ni Viola Davis na The Woman King, ang 2018 sci-fi action film na Bumblebee, at ang horror film na The Unborn Soul.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

netflix top 10

NOEL FERRER

Nakaka-proud na Filipino content ang nanguna ng ilang araw/linggo sa Netflix.

After Maria Clara at Ibarra, ano kayang Filipino content ang susunod na magna-number 1 sa Netflix?

Mapa-pelikula man o series, sana dumating na ang susunod na mangunguna, basta Pinoy. Sana!

GORGY RULA

Ang tibay pa rin talaga ng Maria Clara at Ibarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagya lang siyang bababa kapag may bagong series na magti-trend. Pero babalik na naman siya sa number one pagkalipas ng ilang araw.

Word of mouth din kasi kaya padami nang padami ang nanonood at sumusubaybay sa seryeng ito.

Ang laki ng nagawa ng Maria Clara at Ibarra sa career ng mga pangunahing karakter. Nabuo ang tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco.

Pero ang binatang si David ang mas nabiyayaan nang husto. Paborito siyang kunin sa mga personal appearance sa iba’t ibang probinsiya. Nakabalandra sa mga tarpaulin ang bansag sa kanyang "Pambansang Ginoo."

Ang dinig namin nagri-range ng 400 hanggang 500 thousand pesos ang talent fee niya per appearance.

Minsan daw, nakakadalawang raket siya sa loob ng isang araw kaya may naiuuwi siyang humigit-kumulang na isang milyong piso.

Kaya dapat ma-handle nang maayos ang FiLay o BarDa tandem nila, at dapat lalo pang i-develop ni David ang pag-arte para ma-maintain niya kung ano man ang kinalalagyan ng kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra, maganda naman ngayon ang ratings ng Voltes V: Legacy sa GMA-7. Puwede na rin kaya ito sa Netflix o saan mang streaming app?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apat na araw matapos mabawi ang No. 1 spot sa Top 10 TV Shows sa Netflix, bumaba muli sa ikalawang puwesto ang Maria Clara at Ibarra, tampok sina David Licauco at Barbie Forteza (kaliwa), dahil naungusan na ito ng K-drama series na Black Knight tampok si Kim Woo Bin (kanan).
PHOTO/S: GMA Network / Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results