GORGY RULA
Nag-decide ang GMA-7 na pagpahingahin muna si Boobay sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) para na rin sa kanyang kalusugan.
After ng series of minor seizures, na ang isa ay napanood pa nang live ng publiko sa Fast Talk with Boy Abunda, gustong matiyak ng management na fit to work at healthy si Boobay bago ito bigyan ng trabaho.
Read: Boobay, "nag-hang" habang ini-interview sa Fast Talk With Boy Abunda
Ayon sa nasagap ng PEP Troika, pinayuhan ang comedian-TV host na magpahinga muna until such time na sabihin ng doktor na nahinto na talaga ang seizures niya.
Under medication pa ngayon si Boobay para makaiwas sa tulala moment. Effective naman daw ang gamot, at nagbawas na rin siya ng puyatang raket.
Baka mapabilis ang pag-leave niya at baka sa susunod na taping ng TBATS ay ka-join na si Boobay.
Pansamantalang ipinalit kay Boobay ang magaling ding komedyanteng si Buboy Villar. Sa darating na Linggo ay posible kayang maging The Buboy and Tekla Show muna ang show?
Balita namin, puring-puri si Buboy ng mga production staff. Nagampanan daw nito nang bonggang-bongga ang iniwang role ni Boobay sa show.
JERRY OLEA
Kasali talaga si Buboy Villar sa Mema Squad ng TBATS, pero nang mag-reformat ito, hindi na muna siya napapanood. Ibabalik naman daw ang Mema Squad sa mga darating na episodes.
Pero puring-puri si Buboy sa pansamantalang pag-pinchhit kay Boobay. Kaya malay natin, baka maging regular na siya sa naturang comedy show, di ba?
Paano kaya kung magkaproblema na naman kay Super Tekla, at gawin nang The Boobay and Buboy Show?
Naku, ha? Marami talagang puwedeng mabago kung magkaka-attitude sa isang show.
NOEL FERRER
Health is wealth. Kailangan talagang maging priority iyan ni Boobay ngayon.
Welcome addition si Buboy sa show nila ni Tekla. Pero ano na nga bang klaseng show ito — a comedy bar talk show?
Sana, ipagpatuloy natin ang paghahanap ng masaya at makabuluhang panoorin para sa lahat.
Sa huli’t huli, maliban sa pagpapatawa, magandang maitanong… ano ba ang magandang naidudulot sa ating pagkatao at pagka-Pilipino ng The Boobay and Tekla Show?