Magandang Aktres, kinikilalang Miss Take sa set ng pinagbibidahang serye

by PEP Troika
4 days ago
blind item
Sino itong Magandang Aktres na ilang beses nati-take sa pinagbibidahang serye? Take rin daw nang take ng raket kaya nade-delay ang taping.
ILLUSTRATION: Igi Talao

GORGY RULA

Nilinaw namin sa production staff ng isang drama series kung totoo yung nasagap naming kuwentong nahihirapan daw magkabisado ng script ang bida nilang Magandang Aktres o MA.

Ito raw ang dahilan kaya madalas ay ilang beses nagti-take at nahihirapan na rin ang co-actors ni MA.

Sabi naman ng ilang napagtanungan namin, okay naman si MA sa pag-memorize ng lines. Medyo nahihirapan lang daw ito sa blocking, at minsan, nalilito siya sa instructions ng director.

Tulloy, nagre-retake sila.

Pero nairaraos daw yun at hindi isyu sa kanila dahil naintindihan daw nilang naninibago pa lang si MA. Hindi pa siya gaanong sanay sa ganoong taping.

Ang nahihirapan lang daw sila ay ang mga isinisingit sa regular taping ni MA.

Nade-delay kasi ang mga bagay-bagay dahil kung anik-anik na raket ang tinatanggap ng management team nito. Kaya pati schedule ng co-actors ay apektado rin dahil ang daming araw na hindi na pumuwede si MA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaring nanghihinayang sa raket, kaya tanggap nang tanggap ang manager. Sayang nga namang pakawalan pa yun.

Ang tanging hiling na lang daw ng lahat na involved sa proyektong ito ay matapos na ang taping para makapag-move on na sila sa panibagong project.

Sana, maganda ang kalalabasan nitong project ni MA para makaulit pa siya.

JERRY OLEA

May buzz kahit paano itong programang pinagbibidahan ni Magandang Aktres. Puwede nga raw pam-primetime iyon.

Kaya lang… plantsado na ang panggabing line-up ng mga programa sa TV network nito. Kaya malamang na pang-hapon na talaga si MA.

Opo, pang-hapon!

NOEL FERRER

Ibang klase at parang may lambong ng kamalasan ang project na ito na inabot ng iba’t ibang aberya.

Good luck talaga, at sana may twist of fate na maganap. Harinawa!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
blind item
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong Magandang Aktres na ilang beses nati-take sa pinagbibidahang serye? Take rin daw nang take ng raket kaya nade-delay ang taping.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results