JERRY OLEA
Nanguna ang Fast X sa karera sa takilya nitong nakaraang weekend (Mayo 19-21, 2023) sa North America.
Ang opening weekend gross ng Fast X sa U.S. at Canada ay $67M.
Pumangalawa na lamang ang Guardians of the Galaxy Vol. 3 with $32.4M, at pumangatlo ang The Super Mario Bros. Movie with $9.6M.
Worldwide, nangunguna pa rin this year ang The Super Mario Bros. Movie ($1.2B), followed by Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($661M).
Pangatlo ang Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($476M). Pang-apat ang John Wick: Chapter 4 ($428M).
Panlima ang Fast X ($319M)! Wow! Ride or die, mabilis na pumasok sa Top 5 ang Fast X ni Vin Diesel!
Ang lima pang nasa Top 10 ang worldwide gross this year — so far — ay Creed III ($274M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($207M), Scream VI ($169M), Evil Dead Rise ($136M), at Shazam! Fury of the Gods ($133M).
More and more ang Hollywood movies na magpapasiklab sa local cinemas in the coming weeks.
Showing na bukas, Mayo 24, Miyerkules, ang musical fantasy film na The Little Mermaid, tampok si Halle Bailey bilang prinsesang sirena na si Ariel.
Nasa cast din sina Jonah Hauer-King bilang human prince na si Eric, Javier Bardem bilang overprotective father ni Ariel na si King Triton, at Melissa McCarthy bilang sea witch na si Ursula.
Sa Mayo 31 raratsada ang Spider-Man: Across the Spider-Verse, kasabay ng The Boogey-Man.
Magpapayanig sa Hunyo 7 ang Transformers: Rise of the Beasts.
Sa Hunyo 14 itatanghal ang Elemental at The Flash.
Siyempre pa, abang-abang din tayo sa Indiana Jones and the Dial of Destiny, Mission: Impossible — Dead Reckoning Part 1 (Hulyo 12), Barbie (Hulyo 19), The Marvels (Hulyo 26), Haunted Mansion (Hulyo 26), at Meg 2: The Trench (Agosto 2).
May daily updates sa playdates ng movies na magso-showing sa local cinemas sa Facebook pages na SM Cinema at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
NOEL FERRER
Hanggang ngayon, malungkot pa rin ang kinasasapitan ng Filipino films sa takilya kaya paisa-isa ang nangangahas mag-release ng pelikula.
Nakipagkarera sa Fast X ang Beks Days Of Our Lives na pinagbidahan at idinirek ni Chad Kinis.
Read: Beks Days of Our Lives, hindi inatrasan ang Fast X at Guardians of the Galaxy
Ibinalita ni Chad kagabi sa Facebook page niya na meron international screening soon ang nasabing movie nila nina Lassy at Mc Muah.
Paalala ni Chad this morning sa FB, “Huling araw sa sinehan ng BEKS DAYS OF OUR LIVES today. Kaya habol na kayo at watch na. Pero sana maextend pa SM Cinema baka naman hehehe”
Nag-premiere kagabi ang pelikula ni Vin Abrenica na Tricycle Driver Kasangga Mo, at tuloy pala ang showing nito bukas sa SM Cinemas.
Action-omedy raw ito na nagtatampok din kina Mike Pekto, Ricardo Cepeda, Shiela Grace Falconer, Jess Sanchez, Tom Olivar, Isadora, Bobby Henson, Bing Davao, Bobby Brillante, Jordan Castillo, Oliver Lacson, at Rose Ann Ibarra.
Sa Hunyo 28 naman iyong Ang Pangarap Kong Oskars nina Paolo Contis at Joross Gamboa.
Marami pang ibang tapos na Pinoy movies. Marahil, hinihintay nila ang susunod na best playdate na Kapaskuhan na.
Kaya ba may 48 films na ang nag-submit ng letter of intent para sumali sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre… kung kailan may pera na ang mga tao at handang gumastos?
Di katulad ng live concerts at live theater na lubos nang tinatao, bakit kaya hindi pa rin nagpi-pick up ang industriya ng pelikula?
GORGY RULA
Nakakalungkot nga sa isang tanong sa Family Feud na nagpa-survey sila sa 100 na tao, ilang pelikula na ang napanood nila sa mga sinehan ngayong taon.
Ang top answer ay “wala.”
So, hindi pa rin talaga todong bumabalik sa mga sinehan ang Pinoy moviegoers, kahit naghi-hit naman ang ilang malalaking foreign films.
Ang first-day earnings ng Beks Days of Our Lives nung nakaraang linggo ay naka-P400,000 lang daw. Hindi na namin na-monitor ang mga sumunod na araw kung tumaas ba o bumaba.
Pero hindi tayo dapat sumuko! Laban pa rin ang mga film producers natin, lalo na ang mga maliliit na production outfits at iyung mga nagsisimula pa lang.
Kaya nga marami rin sa stakeholders natin ang nagpuntahan ng Cannes International Film Festival, para pag-aralan doon ang distribution ng mga pelikula natin.
Napapansin naman sa ibang bansa ang mga Pinoy films, pati na rin ang ating mga artista. Kaya tuloy lang ang laban!
Kung hindi man uubra sa mga sinehan, marami nang platforms para mabenta ang mga nai-produce na pelikula.
Pero may narinig ako sa ilang film producers na may ginagawa na silang strategy kapag ipalalabas sa sinehan ang kanilang pelikula. Malay natin, makaka-jackpot tayo at baka may mag-hit na tayong local films.
Ngayon pa lang ay nagsisimula nang mag-promote ang Mavx Productions ng pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars nina Paolo Contis at Joross Gamboa kahit sa June 28 pa ang showing nito sa mga sinehan. Mukhang kakaibang comedy film ito, at baka makuha na nila ang tamang timpla na magugustuhan ng mga manonood.