Lani Mercado, selosa; Bong Revilla, ander de saya?

by PEP Troika
5 days ago
lani mercado bong revilla
Senator Bong Revilla on his children with wife Congresswoman Lani Mercado: “Yung lahat ng nangyari sa mga anak ko, naging challenge for them yung nangyari sa buhay ko. Kaya mas nag-strive sila, pinagbuti nila, pinag-igi nila, pinatunayan nila na, ‘Kaya namin,’ di ba? ‘Hindi ano yan!’ And siyempre, ibigay natin iyong kredito sa dapat puntahan — give it to the mom.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Selosa si misis, ander de saya si mister!

Patok ang kuwento nina Gloria (Lani Mercado) at Tolome (Ramon “Bong” Revilla Jr.) sa pelikulang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis (1994), kaya nagka-sequel ito na Yes Darling: Walang Matigas Na Pulis… 2 (1997).

At simula Hunyo 4, 2023, Linggo ng 7:50 p.m., eere na sa GMA-7 ang TV series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Si Senator Bong pa rin ang Tolome, pero meron na siyang ibang Gloria — si Beauty Gonzalez — na si Congreswoman Lani mismo ang nagrekomenda.

Read: Beauty Gonzalez, handpicked ni Lani Mercado bilang Bisayang misis ni Bong Revilla

Sa totoong buhay, selosa ba si Ate Lani at inaander niya si Senator Bong?

“Ahhh, this is my life story,” natatawang pagbibiro ni Senator Bong sa birthday lunch ni Manay Lolit Solis noong Mayo 22, Lunes, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapikit at napailing nang slight si Ate Lani at ang sabi, “May hugot pala ‘tong show na ‘to?!”

Tawang-tawang pagmumuwestra ni Senator Bong, “Yun talaga ang gusto kong sabihin. Ha! Ha! Ha!”

Hinaing ni Ate Lani, “Sumakit bigla yung ulo ko!”

Masuyong hinaplos ni Senator Bong ang ulo ng maybahay, “Hindi. Asawa ko pa?!”

“Masunurin po ako!” sambit ni Ate Lani. “Law-abiding citizen po ako.”

Tumango si Senator Bong, “Pero kabaligtaran pala yung ano, no?”

Sambot ni Ate Lani, “May comedy rin sa bahay namin. Siya yung nagpo-provide.”

Twelve (12) episodes ang first season ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, sa direksiyon nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.

Nasa cast din nito sina Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Raphael Landicho, Angel Leighton, Niño Muhlach, Ronnie Ricketts, ER Ejercito, Maey Bautista, Dennis Marasigan, at Jeric Raval.

walang matigas na pulis sa matinik na misis

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

May touch of reality ba iyong dynamics nina Gloria at Tolome?

Napangiting tugon ni Senator Bong, “Iyong pagha-handle ng pagmamahal.”

Tila kilig na kilig si Ate Lani na tinakpan ang bibig.

Pag-amin ni Ate Lani, “May mga episode sa buhay namin na naipasok namin sa mga pelikula na nagawa namin. Sa pelikula.”

Natatawang pag-ayon ni Senator Bong, “Maraming eksena na ano, based on true to life. Kaya maraming makaka-relate dito sa TV show, even mga pulis.

“Yung mga ginagawa namin diyan, base sa kuwentu-kuwentuhan ng mga colonel, mga general, may ilan diyan senador. Ha! Ha! Ha!

“Maraming kuwento kaya I’m sure, yung mga pulis, mga misis, talagang makaka-relate sila.

“At saka yung lahat ng mga under the saya! Marami yun, ha?! Marami yun!”

Pagbibiro pa ni Senator Bong, kung merong anti-VAWC Act — batas kontra Violence Against Women and Children — baka madagdagan na iyon ng “M” for Men.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka magwala yung mga GABRIELA!” sambit ni Senator Bong.

Gaano ba katinik si Ate Lani?

“Matinik yan,” mabilis na tugon ni Senator Bong, at agad humirit si misis, “Mas matinik siya! Ha! Ha! Ha! Ha!”

GORGY RULA

Ipinagpapasalamat nina Senator Bong at Ate Lani na nananatiling matatag ang kanilang pagsasama. Maaayos din ang estado ng kanilang mga anak.

Sabi ni Senator Bong, “Very thankful kay God para sa lahat ng blessing na dumating sa buhay na pinapangarap ng isang tao, nangyari sa amin na hindi namin basta inaasahan.

“Hindi mo naplano iyan na ganito at mangyayari. It happened, di ba?”

“We are blessed,” pagsang-ayon ni Ate Lani.

Hirit ni Manay Lolit, masuwerte si Ate Lani, at nagdadala si Ate Lani ng suwerte kay Senator Bong.

“Thank you, ‘Nay!” sambit ni Ate Lani.

Pagpapatuloy ni Senator Bong, “Ang ano diyan, we are so blessed and vindicated. Kaya I’m so thankful kay God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung lahat ng nangyari sa mga anak ko, naging challenge for them yung nangyari sa buhay ko.

“Kaya mas nag-strive sila, pinagbuti nila, pinag-igi nila, pinatunayan nila na, ‘Kaya namin,’ di ba? ‘Hindi ano yan!’

“And siyempre, ibigay natin iyong kredito sa dapat puntahan — give it to the mom,” pagmumuwestra pa ni Senator Bong kay Ate Lani.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla on his children with wife Congresswoman Lani Mercado: “Yung lahat ng nangyari sa mga anak ko, naging challenge for them yung nangyari sa buhay ko. Kaya mas nag-strive sila, pinagbuti nila, pinag-igi nila, pinatunayan nila na, ‘Kaya namin,’ di ba? ‘Hindi ano yan!’ And siyempre, ibigay natin iyong kredito sa dapat puntahan — give it to the mom.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results