Kapuso Will Ashley at Kapamilya Bianca de Vera, magtuluy-tuloy kaya ang love team?

by PEP Troika
3 days ago
will ashley bianca de vera unbreak my heart
Bianca de Vera on working again with Will Ashley: “I feel like… eto nga ang Unbreak My Heart, it opens so many gates for more collaborations. I think, hindi naman imposible na magka-work kami ulit. And if ever that day comes, siyempre open naman ako. And comfortable naman ako na working with him. So, hindi naman siya imposible.”
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Naging close ang buong cast at production staff ng Unbreak My Heart sa loob ng ilang buwang pagsasama nila sa taping sa Switzerland, sa Italy, at itinuloy nila rito sa Pilipinas.

Ang isa sa naging close na magkaibigan ay si Will Ashley ng GMA-7 at si Bianca de Vera ng ABS-CBN.

Sa mediacon ng Unbreak My Heart, na unang collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN kasama ang Viu, kahapon, May 25, 2023, hindi sila nakaiwas sa panunukso ng co-stars nila.

Nung in-interview namin ang dalawa pagkatapos ng mediacon, sumingit si Joshua Garcia sa gitna nilang dalawa na parang tinutukso pa rin sila.

Hindi lang sa taping sila magkasama kundi pati sa iba nilang lakad. Inimbita nina Bianca si Will na manood sa kanilang All-Star Games ng Star Magic.

Read: IN PHOTOS: Star Magic All-Star Games 2023 highlights

Sa celebrity premiere ng Unbreak My Heart na ginanap sa TriNoMa nung Sabado, May 20, nagkayayaan silang mag-karaoke pagkatapos nilang mag-dinner sa Seda Hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas sa ilang social media na sobra silang nagkasayahan at may kuha pang kinakantahan ni Will si Bianca.

Kuwento ni Will, “Yung time na rin yun, parang may bet si Direk Manny [Palo] sa akin na kapag nakakuha kami ng 95 sa karaoke, meron kaming libreng plane ticket.

"Parang nung time na yun, sakto parang kumakanta ako, natapat sa akin yung camera. Ayun… masaya lang kami."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinanong namin sina Will at Bianca na kung sakaling mabuo nila ang magandang love team dito sa Unbreak My Heart, paano nila ito mami-maintain gayong magkaiba silang TV network?

Posible kayang magsama sila uli para sa isa pang magandang project na collaboration uli ng Kapuso at Kapamilya network?

Pahayag ni Bianca, “Sabi ko sa kanya [Will], ‘After this project, magiging friends pa kaya tayo?’ Sabi ko sa kanya.

“I feel like… eto nga ang Unbreak My Heart, it opens so many gates for more collaborations. I think, hindi naman imposible na magka-work kami ulit.

"And if ever that day comes, siyempre open naman ako. And comfortable naman ako na working with him.

“So, hindi naman siya imposible.”

Posible rin daw yun, sabi ni Will.

“Siguro po, open kami sa ganun, ako personally. Kasi, ang tagal ko rin pong na-stuck sa pagiging teen, ganun.

“Ngayon, gusto kong i-explore yung sarili sa ganun kung mabibigyan kami ng chance, why not?” saaad ni Will.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kilig naman silang silang dalawa. Kaya abangan natin kung puwede nga silang maging love team dito sa Unbreak My Heart na magsisimula na sa Mayo 29, Lunes ng 9:35 p.m., sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies.

Pero bukas, Mayo 27, ay magsisimula na siyang mag-stream sa iWantTFC, Viu, at website ng GMA Network.

NOEL FERRER

Bukod daw kasi sa love story ng karakter na ginagampanan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, at Gabbi Garcia, may kakaibang love story din sa Unbreak My Heart sina Will Ashley at Bianca de Vera.

Saad ni Bianca, “Actually, our love story, very close to my heart only because, I feel like nagampanan natin nang maayos, and it was easygoing, it was easy flowing.

“I don’t wanna spoil it about it too much, but it reminds me a lot of Romeo and Juliet.”

Excited ako at marami tayong matutunan sa paggawa ng isang glossy teleserye sa pagsasanib-puwersa ng dalawang networks. Ito na ang hudyat ng magandang collaboration!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Hindi naman imposibleng magsama ulit sina Will at Bianca sa isang proyekto kung tatangkilikin ng mga fans ang kanilang love team.

Sabi nga ni Jodi Sta. Maria, itong Unbreak My Heart ang hudyat na tapos na ang rivalry ng dalawang higanteng TV network.

Lahad ni Jodi, “Many years ago kasi, ahhm no one thought — not even in their wildest dreams — that this moment will be possible.

“Ahhmm before kasi, ABS-CBN and GMA were rivals, you know, competitors for ratings, for audience share.

“But now, nagbago iyun. Nagbago po yun. Ahhmm, we are no longer rivals but we are here today as collaborators and partners with goals.

“And that is to provide more opportunities for the people in the industry that we have grown to love.

“And ahhmm to give our audience, to provide them with quality entertainment.

“So I feel grateful, honored and blessed to be a part of this project, and I would like to thank everyone who made this beautiful impossibility possible…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iikot ang kuwento ng Unbreak My Heart kay Rose (Jodi Sta. Maria), isang babaeng durog ang puso dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan. Gusto niyang mabuo muli ang kanyang pamilya matapos niya itong iwanan.

Sa kalagitnaan ng pagwawasto ng kanyang mga kamalian, mahuhulog ang loob ni Rose kay Renz (Joshua Garcia). Magiging sandalan ni Rose si Renz sa kabila ng mga personal na problema nito at mauuwi sila sa May-September love affair.

Makikilala naman ni Renz ang sexy at marilag na si Alex (Gabbi Garcia), na handang ipaglaban ang kanilang nabuong pag-iibigan.

Maiipit sina Rose, Renz, at Alex sa love triangle. Iigting pa lalo ang kanilang mga emosyon dahil sa patung-patong na mga problema nang sumulpot si Matt (Richard Yap).

Ipaglalaban pa ba ni Rose si Renz kahit nasasaktan na ang kanilang mga damdamin? Kaya pa bang maghilom ang puso ni Rose sa kabila ng pakikialam ni Matt?

Kinunan ang Unbreak My Heart sa Switzerland, Italy, at Pilipinas sa direksiyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu, at sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din sa serye sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, Mark Rivera, Jeremiah Lisbo, Will Ashley, at Bianca de Vera.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca de Vera on working again with Will Ashley: “I feel like… eto nga ang Unbreak My Heart, it opens so many gates for more collaborations. I think, hindi naman imposible na magka-work kami ulit. And if ever that day comes, siyempre open naman ako. And comfortable naman ako na working with him. So, hindi naman siya imposible.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results