Sofia Pablo at Allen Ansay, imbitado pero di naka-attend sa debut ni Jillian Ward

by PEP Troika
3 days ago
allen ansay sofia pablo open 24/7
Sofia Pablo on co-starring with Allen Ansay in the sitcom Open 24/7: “Kami po ni Allen, mas gusto naming maging magaling din sa comedy, kasi masayahin kami, jolly. So, gusto naming mas gumaling pa kami sa comedy. Lalo na sa sitcom na ito, ang laking tulong, kasi ang dami naming natutunan, first day pa lang."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Matamis na ngiti at umiiling lang si Sofia Pablo nang tinanong ko siya sa mediacon ng Open 24/7 kung binati ba niya si Jillian Ward nang nag-debut ito noong Pebrero, 25, 2023.

Inimbita naman daw siya at ang ka-love team na si Allen Ansay, na idinaan sa kanilang manager, pero may shoot daw silang dalawa noong nag-celebrate si Jillian ng kanyang debut.

Read: Debutante Jillian Ward's grand entrance, performances, and other highlights

Pagdating sa mga kasamahan ni Sofia sa dating afternoon drama series na Prima Donnas, kampante siyang sagutin kapag si Althea Ablan ang tinatanong. Tuloy raw ang communication, at okay sila.

Tumango naman si Sofia nang tinanong ko kung okay lang bang magsama uli sila nina Jillian at Althea sa isang project.

“Yes, of course. Sana po,” matipid na sagot ni Sofia.

Medyo mature na ang roles na ginagampanan nina Jillian at Althea, samantalang si Sofia ay ang bagets pa rin, dahil siya naman ang pinakabata sa kanilang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Sofia, “Ayoko pong madaliin na pag tumanda. Kasi, mag-start growing old, parang hindi ka na makakabalik sa pagkabata, which is yun din ang sinasabi sa amin ng mga tao na enjoy-in namin yung kabataan.

“Kung kaya namin maging young, parang si Ate Barbie [Forteza]. Ate Barbie looks so young. So, ang dami pa niyang nagagawa sa career. Ako rin ay gusto kong mangyari sa akin yan.

“Kahit naman nung Prima Donnas, ako talaga yung pinakaisip-bata. Gusto ko pong i-maintain. Hindi dahil yung mga kasabayan ko, they’re growing old na, mga nag-debut na.

“Ayoko naman pong madaliin na kailangan, mag-mature na rin ako. Gusto ko lang po talagang enjoy-in yung youth ko, kung ano yung bagay.”

Seventeen pa lang kasi si Sofia, at nineteen naman si Allen, kaya bagets pa rin ang role na gagampanan nila sa bagong sitcom ng GMA-7 at MZet Productions na Open 24/7 nina Vic Sotto at Maja Salvador.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magsisimula ang Open 24/7 sa Sabado, Mayo 27, pagkatapos ng Magpakailanman.

NOEL FERRER

Nagpapasalamat sina Allen at Sofia sa GMA-7 dahil sa mga ibinibigay na projects sa kanila. Meron pa silang In My Dreams ng GMA Public Affairs.

Nag-e-enjoy raw sila sa Open 24/7 dahil ang dami nilang natututunan sa mga beterano na sa comedy, lalo na kina Vic Sotto at Jose Manalo.

Sabi ni Sofia, “Kami po ni Allen, mas gusto naming maging magaling din sa comedy, kasi masayahin kami, jolly. So, gusto naming mas gumaling pa kami sa comedy.

"Lalo na sa sitcom na ito, ang laking tulong, kasi ang dami naming natutunan, first day pa lang."

Puring-puri nila si Jose Manalo na nagugulat na lang daw sila kapag nagbabato ito ng jokes na wala sa script.

Pahayag ni Allen, “Grabe! Sobrang nagulat kami sa mga ibinabato niyang jokes. Mga hindi namin ini-expect kasi wala sa script.

"Pero yung mga ibinabato niya, wow! Yung iri-react namin hindi namin alam, kasi kailangan naming mag-give na hindi galing sa script."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Sofia, “Alam niyo po yung gusto kong may ibabato kay Kuya Jose, hindi ko alam kung nakakatawa ba yun. Tama ba yung timing namin na comedy?

“Akala namin, since nag-rom-com kami sa Luv Is, yun na yung comedy. Hindi namin alam na yung comedy, super different pala sa rom-com.

"Talagang comedy, as in comedy. Kailangan tuluy-tuloy yung utak mo sa jokes."

Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin daw ang pagka-starstruck nila kay Vic Sotto.

“Nakasabay po namin siya ng lunch. Kumakain po kami, hindi po kami makapagsalita ni Sofie.

“Nandun lang siya sa table namin. Grabe! Sabi namin, ‘Totoo ba to?’ Kaharap na namin si Bossing,” kuwento ni Allen.

JERRY OLEA

Masyado pang bata sina Allen at Sofia para intrigahin kung sila na ba. Pero nakukulit na raw sila ng fans kung nagkadebelopan na ba.

“Actually po, nakakatawang isipin kasi in reality, kung normal lang naman, di ba? Ang nakakatawa sa amin na talaga ang daming nag-aabang kung kami na?” natatawang pahayag ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Allen, “Na-appreciate namin yun. Natutuwa kami.

"Kasi every time na pumunta kami sa social media namin, sa TikTok, sa mga post namin sa network, nagtatanong kung kailan ba. 'Kailan ba magiging kayo?'

"Kasi yung ibang fans, nag-start sila na nung bata pa talaga kami, na pandemic, na ganun-ganun lang. Tapos ngayon napapansin nila na medyo nagma-mature na, umiiba na yung level…”

Dagdag ni Sofia, “It’s a big thing po talaga, kasi nandun pa rin yung excitement nila sa amin. They’re still asking kung kami na ba.

"Patuloy pa rin yung excitement nila sa amin. It’s a good thing."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Pablo on co-starring with Allen Ansay in the sitcom Open 24/7: “Kami po ni Allen, mas gusto naming maging magaling din sa comedy, kasi masayahin kami, jolly. So, gusto naming mas gumaling pa kami sa comedy. Lalo na sa sitcom na ito, ang laking tulong, kasi ang dami naming natutunan, first day pa lang."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results