Jeric Raval, tanggap ang relasyon ng anak na si AJ Raval kay Aljur Abrenica

Jeric Raval, deadma sa di mamatay-matay na isyu na may anak na si AJ.
by PEP Troika
May 31, 2023
jeric raval aj aljur relationship
Jeric Raval on daughter AJ Raval's relationship with Aljur Abrenica: "Nandiyan na yan e. Wala naman akong masamang tinapay dun sa lalaking yun. Sinasabi ko lang sa kanya talaga, 'Bago niyo pasukin yan… malagay kayo sa tahimik, iayos muna lahat. Kailangan nasa ayos lahat.'"
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Si Jeric Raval ang isa sa cast ng bagong action-comedy series ng GMA-7 na Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis.

Isa lamang siya sa ilang veteran stars na isinali ni Senator Bong Revilla sa naturang sitcom na magsisimula na sa June 4, 2023, Linggo, 7:50 ng gabi.

Nagpapasalamat si Jeric dahil nakakapagtrabaho na siya ngayon sa Kapuso network, dahil madalas ay sa ABS-CBN siya nakakagawa ng regular show.

Sa mediacon ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis noong May 26, muling naungkat ang isyung pagkakaroon ng anak ng anak ni Jeric na si AJ Raval, na kaagad niyang sinagot.

Read: AJ Raval, nagpakita muli sa publiko pagkatapos mapabalitang nanganak na sa love child nila ni Aljur Abrenica

Paliwanag ni Jeric, “Kasi ganito yan, ang apo ko lahat, 11. Eleven lahat ang apo ko. E, ang daming bata dun sa bahay.

“E, si AJ minsan, kung sinu-sinong maliit na bata yung karga, e, lahat yun, anak niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagkikibit-balikat na lamang daw nila ang ganitong tsismis. Lagi raw niyang pinapayuhan si AJ na masanay na at huwag nang papaapekto.

“Ang sinasabi ko lagi sa anak ko, kahit nung bago pa siya mag-artista, 'Pinasok mo ang pag-aartista, ready ka sa mga critics, sa bashers. Ready ka dapat sa intriga, handa ka dun.

“'Kapag ikaw ay hindi matibay diyan, hindi ito ang mundo para sa yo. Hindi maiwasan yan. Walang perpektong mundo.'

“Saka isa pang sinasabi ko sa kanya, 'Marami kang bashers. Ibig sabihin, sikat ka. May news value sa yo, huwag kang magagalit sa ganun,'” pahayag ng actor.

Read: Jeric Raval advises daughter AJ how to deal with bashers: "Mas marami kang critics, mas sikat ka"

Ngayon ay mas gusto na lang daw ni AJ ng tahimik ng buhay.

Nasa Viva pa rin daw ito at may ginagawa pa ring pelikula, pero hindi na raw kagaya ng dati na talagang todo paseksihan at hubaran.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi na masyadong sexy, dahil ayaw na niya ng sexy. Isa lang ginagawa niya ngayon, medyo action, action sexy, pero hindi na kagaya ng dati,” sabi ni Jeric.

NOEL FERRER

Base sa mga sagot ni Jeric, tanggap na ng pamilya nila si Aljur Abrenica na laging nakakasama ni AJ.

Minsan ay may mga raket si AJ na out of town na sinasamahan na siya ni Aljur.

“Actually, yung event, tulad bukas, kay AJ lang yun, e dahil may bagyo, takot sumakay sa eroplano, sinamahan lang siya.

“Hindi naman talaga siya kasama sa event.”

Nakita raw ni Jeric na seryoso si Aljur sa kanyang anak at maayos ang pakikitungo nito sa kanila.

Matagal na rin niyang nakilala si Aljur, dahil nagkasama sila noon sa teleseryeng Sandugo.

“Nandiyan na yan e. Wala naman akong masamang tinapay dun sa lalaking yun. Sinasabi ko lang sa kanya talaga, 'Bago niyo pasukin yan… malagay kayo sa tahimik, iayos muna lahat. Kailangan nasa ayos lahat.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayokong itawag ang anak ko na parang mistress,” sabi ni Jeric.

Mukha ngang bagay sina Aljur at AJ. Sabi nga, sa huli’t huli, water will find its level.

JERRY OLEA

Ano ba ang huling Vivamax project ni AJ Raval na nag-streaming?

Kung hindi ako nagkakamali, iyong Us x Her na nag-streaming noong Nobyembre 25, 2022. At medyo pa-tweetums doon si AJ, kumpara kay Angeli Khang.

Sa isang bed scene na supposedly ay bini-BJ ni AJ si Kiko Estrada, nagtalukbong ng kumot ang kanyang karakter.

Bakit? Si AJ ba iyon o dobol?

For this year ay wala pa tayong natunghayan na erotic movie ni AJ. Ang nabalitaan natin noong Marso, pinatanggal niya ang kanyang breast implant.

Read: AJ Raval finally had her breast implants removed

Sa teaser ng pelikulang Bela Luna noong Enero, tinagurian na si Angeli Khang bilang "Vivamax Queen."

Mukhang mabenta pa rin sa mga out-of-town show si AJ. Hanggang kailan iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano’t ano man, andiyan si Aljur na kaya siyang buhayin. Masipag at masinop si Aljur, at may mga naipundar na.

Sa usapin kung may anak na ba sina AJ at Aljur, panahon ang makakapagsabi.

Sina Coco Martin at Julia Montes nga, inamin ang kanilang relasyon after 12 years, e.

Read: Coco Martin accidentally confirms 12-year relationship with Julia Montes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval on daughter AJ Raval's relationship with Aljur Abrenica: "Nandiyan na yan e. Wala naman akong masamang tinapay dun sa lalaking yun. Sinasabi ko lang sa kanya talaga, 'Bago niyo pasukin yan… malagay kayo sa tahimik, iayos muna lahat. Kailangan nasa ayos lahat.'"
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results