Paolo Contis, nag-react sa komentong “parang mall show lang” ang bagong bihis na Eat Bulaga!

Paolo Contis in-expect ang bashing sa new hosts ng Eat Bulaga!
by PEP Troika
Jun 5, 2023
New Eat Bulaga hosts
Ngayong Lunes, June 5, 2023, ay ipinakilala ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga! na kinabibilangan nila (starting from fourth from left) Alexa Miro, Cassy Legaspi, Paolo Contis, Mavy Legaspi, Betong Sumaya, at Buboy Villar.
PHOTO/S: @sparklegmaartistcenter

GORGY RULA:

Hindi na nagulat ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga! sa matitinding bashing at panlalait sa bagong format ng naturang noontime show.

Nag-trending nga ito sa Twitter, pero halos lahat na komento ay negatibo sa show, lalo na sa hosts.

Saglit na naka-text ko si Paolo Contis pagkatapos nilang mag-live at sinabi niyang expected na ang bashing na natatanggap nila.

Aminado raw siya at mga kasamahan na hindi pa nila kayang pantayan ang dating Eat Bulaga!, lalo na ang mga hosts na mahigit 40 years na sa noontime show.

Nag-agree naman siya sa komento ko na parang mall show lang. Nanganganay pa sila at marami pang puwedeng baguhin at ayusin.

Hindi nga naman maayos ito overnight lalo na’t nung nakaraang Biyernes lang na-finalize ang hosts at nag-rehearse na sila kinabukasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero masaya na raw sila sa kinalabasan ng unang araw nila sa Eat Bulaga! at pati raw ang kanilang mga boss ay natuwa sa pinakita nila.

Text ng Kapuso actor sa PEP Troika, “Masaya at very hopeful ang atmosphere sa studio. From the bosses, staff, crew, lalo sa studio audience.”

Hiningan na rin namin siya ng reaction sa mga bashing na natatanggap nila.

Aniya, “Yung bashing expected naman yun. I just hope people can give us and the show a chance.

“Ang goal lang naman namin is magtrabaho at magpasaya ng tao. Wala kaming gustong apakan na tao.”

Mukhang magdadagdag pa sila ng hosts, at narinig naming kasama pa rin si Carren Eistrup ng Bida Next, pero wala siya roon. May nasagap din kaming pinababalik daw si MJ Lastimosa.

NOEL FERRER:

Marami ring naglabasang unang publicity ng show na nagsasabing si Kuya Kim Atienza ay makakasama sa bagong Eat Bulaga!.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bilang talent manager ni Kuya Kim, heto ang nasabi ko na…

"THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them) — but we’d like to clarify that he cannot do the EAT BULAGA replacement show as it conflicts with his prior commitment with the daily program TIKTOCLOCK (which is also performing very well in the ratings) produced by GMA Network where Kim is contracted as an exclusive talent.

"THANK YOU VERY MUCH & HAPPY MONDAY EVERYONE!!!"

Ganun na lang, di ba?

JERRY OLEA:

Nanganganay pa lang ang programa. Ang mahalaga, nairaos na ang tinatawag na “FakeBulaga”!

Ang imposible noon, reyalidad ngayon. Ang huwad today… malay natin, tunay na tomorrow.

Que sera, sera!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Lunes, June 5, 2023, ay ipinakilala ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga! na kinabibilangan nila (starting from fourth from left) Alexa Miro, Cassy Legaspi, Paolo Contis, Mavy Legaspi, Betong Sumaya, at Buboy Villar.
PHOTO/S: @sparklegmaartistcenter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results