#EatBulagaWar
GORGY RULA
Bago pa nagsimula ang mga bagong host ng Eat Bulaga!, nakarating na sa PEP Troika na tuloy na tuloy na ang paglipat ng TVJ (Tito, Vic, and Joey) at mga Dabarkads sa TV5.
Ipu-produce ito ng MediaQuest Holdings, Inc. kasama sina Tito, Vic and Joey.
READ: TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit
Sa pagkakaalam namin, nagkita-kita sila sa mismong tahanan ni Manny V. Pangilinan para ma-finalize na ang kanilang programa.
Napagkasunduang ilalagay ito sa noontime slot, kapalit ng It’s Showtime na matatapos na ang kontrata sa TV5 sa June 30, 2023.
Reliable ang nagsabi sa aming hanggang June 30 na lang mapapanood ang It’s Showtime sa TV5, pero tuloy pa rin ang pagpapalabas ng programa sa ibang istasyon.
Kasabay nito ay may naglabas ng announcement na nagsasabing simula July ng taong 2023 ay mapapanood pa rin ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, Kapamilya Online Live, at iWantTFC livestream.
Mapapanood pa rin daw ang It's Showtime sa TV5, pero delayed telecast.
Yun ang nakasaad sa lumabas na art card na ipinasa sa PEP Troika. Pero hindi namin na-verify kung talagang galing ito sa It’s Showtime.
Pagkatapos inilabas ng MediaQuest ang announcement tungkol sa gagawing programa ng TVJ at Dabarkads para sa TV5 at iba pang MediaQuest platforms, tinext namin si dating Senate President Tito Sotto.
Sinagot niya ang tanong namin kung talagang tuloy na ba ang noontime show nila sa TV5.
“MediaQuest actually. Many platforms on cable and internet, including TV5,” sagot niya sa PEP Troika.
Sinundan namin ng tanong kung kailan sila magsisimula at kung ano ang title na gagamitin nila.
Totoo bang "Dabarkads" ang magiging title ng kanilang noontime show?
“Eat Bulaga. We are working on it,” kaagad niyang sagot sa PEP Troika.
- Tito Sotto to Jalosjos brothers: "Leave 'Eat Bulaga!' alone."
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
JERRY OLEA
Nakarating din sa PEP Troika na pinaghahandaan na rin ng GMA 7 ang malaking pagbabagong ito sa telebisyon, lalo na itong paglipat ng TVJ sa TV5.
Naghahanda na rin daw ang GMA News and Public Affairs sakaling matuloy ang delayed telecast ng It’s Showtime sa TV5.
Baka ilagay raw ito sa hapon bago ang Frontline na katapat ng 24 Oras.
Puwedeng mapalakas ng It’s Showtime ang oras na yun hanggang sa Frontline na katapat ng 24 Oras.
NOEL FERRER
Kaabang-abang ang tapatang original Eat Bulaga! versus the struggling and bashed new version, at ang It’s Showtime.
It makes lunchtime TV viewing alive.
Sana lang, talagang maganda at mapasigla nito ang kumpetisyon para lahat on their toes para pagandahin ang mga programa nila.
Sa huli’t huli, tayong mga audience ang panalo!!!
Read:
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- TAPE's Bullet Jalosjos on TVJ departing from Eat Bulaga!: "It was bound to happen."
- Paolo Contis, nag-react sa komentong “parang mall show lang” ang bagong bihis na Eat Bulaga!
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure