Dingdong Dantes, abala sa taping ng Royal Blood habang season break ng Family Feud

Dingdong at Marian, salitan sa pag-alaga ng kanilang mga anak
by PEP Troika
Jun 10, 2023
Dingdong Dantes
Tirso Cruz III
Dingdong Dantes, kasama si Tirso Cruz III sa bago nilang Kapuso teleserye na Royal Blood. Ongoing ang taping ni Dingdong para sa drama series habang naka-season break ang Family Feud.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Tamang-tama na ngayong naka-season break si Dingdong Dantes sa Family Feud, naka-focus na siya sa taping ng Royal Blood na magsisimula na sa GMA Telebabad sa June 19.

Si Dingdong din ang host ng The Voice Generations at may isu-shoot pa siyang pelikula.

Kakaibang fulfillment para kay Dingdong ang hosting ng isang sikat na game show, pero bilang artista, hinahanap niya ang umarte sa harap ng kamera.

“Sa Family Feud kasi, para sa akin, isa rin siyang… in a way performance siya, pero I get to become myself, dahil marami akong nakikilala every episode.

“Yung banter ko ay totoo, hindi siya scripted na parang… nai-enjoy ko lang talaga. Pero at the same time, habang naka-pause yun, may kakaibang fulfillment din na maibibigay ang pag-arte.

“May fulfillment din ang hosting, that’s for sure. Pero meron din ito, and I think yung mga ganung hinahanap ng isang artist ay kailangang napupunan parati. And I think this will definitely fill that up,” pahayag ng GMA Primetime King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tama raw itong Royal Blood na siya mismo ang nag-suggest ng ganitong tipo ng teleserye na may pagka-whodunit ang takbo ng kuwento.

Tumatakbo ang kuwento kung sino talaga ang tunay na pumatay sa kanilang ama na si Gustavo Royales na ginagampanan ni Tirso Cruz III.

“Yung konsepto kasi in itself very exciting and para sa akin, I wake up everyday, very excited to go on set dahil alam kong ano, e…

“Kahit kami kasi sa taping hindi alam kung sino talaga yung pumatay, e. So lahat kami, parati kami nanghuhula yan.

“Even us actors, we are always very, very excited to work out this material,” pakli ni Dingdong.

Pero ibinalik namin kay Dingdong ang tsika sa Family Feud na madalas din naming natututukan.

Kapansin-pansin ang ibang contestants na kinikilig at minsan ay parang naglalandi na sa kanya.

Natawa si Dingdong dahil wala raw siyang napapansing ganun.

“Hindi ko naman napapansin, e. Basta nag-e-enjoy kami, e. Basta ako, gusto ko silang manalo. Yun yung motibo ko, manalo kayo, o di ba? Dahil pag nanalo kayo, mas masaya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala talaga akong napapansin, promise! Wala talaga akong napapansin,” pakli niya.

NOEL FERRER

Medyo mahirap daw ngayon kina Dingdong at Marian Rivera kung paano ang adjustment sa kanilang dalawang anak dahil pareho na silang nagtatrabaho.

Salitan naman daw sila sa pag-alis, na pag-uwi ni Dingdong galing sa taping, si Marian naman ang aalis para sa sisimulan niyang soap kasama si Gabby Concepcion.

“Oo. Alam mo si Marian, mag-umpisa na rin sa soap. Ang mangyari, salitan kami. Pag-uwi ko, siya naman. Ganun yun, e. Salitan kami sa schedule. Konting tiis lang.

“Nagkataon lang na ngayon, bumuhos kasi nung pandemic lahat ng mga ito, mga commitments, from years back.

“So, kailangan lang din namin… for film din, no? Of course, I think nakapahinga naman kami nang maayos para may energy kami to take on these roles,” tugon ni Dingdong.

Hindi naman daw sila gaanong nahihirapan ngayon na iwan na sina Zia at Sixto dahil lumalaki na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, puwede na silang maiwan kahit papano ngayon. So, mas maluwag na para sa amin na gawin ito.

“Siguro kung nangyari ito last year, baka hindi pa. So, sakto,” saad ni Dingdong.

Hindi lang daw niya matiyak kung naiintindihan na ba ito ng kanilang mga anak na madalas na silang umaalis at hindi na sila gaanong nagkakasama-sama sa bahay.

“Alam mo, sinasabi lang nila yun pero pag nangyayari na, hindi talaga natin alam, di ba? Kasi, first time sa kanila yun na mawawala kami ng ganung katagal na ‘anong nangyayari sa inyo? Saan kayo pupunta?’

“Parati naman namin sinasabi sa mga anak namin na ang ginagawa namin is something that we’re very proud of.

“Kung mapanood niyo ito in the future, at least you know na talagang yung dedication namin sa craft na ito ay matindi.

“In fact, minsan may sacrifices kaming ginagawa. Pero ang lahat naman ng ito ay para sa inyo. So, dito maintindihan nila yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Right now, medyo vague pa sa kanila kung ano talaga yung ginagawa namin in front of the camera.”

JERRY OLEA

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa Instagram post ni Sofia Andres na kuha ng anak niyang si Zoe kasama si Sixto. Ang cute nilang dalawa na nakaakbay pa si Sixto kay Zoe.

Hindi raw alam ni Dingdong kung iyun ang unang pagkikita ng dalawang cute na bagets.

Pero napaka-friendly lang daw talaga ni Sixto.

“Hindi ako sure kung nagkita na sila dati. Wala ako nung napiktyuran yun, e. Nung nakita ko, ang ganda nung picture, e.

“Friendly siya [Sixto]. Very very friendly. Silang magkapatid,” napapangiting pahayag ni Dingdong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes, kasama si Tirso Cruz III sa bago nilang Kapuso teleserye na Royal Blood. Ongoing ang taping ni Dingdong para sa drama series habang naka-season break ang Family Feud.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results