Bortalicious actor, nalantad ang "malikot" na nakaraan

“Promdi siya na mabait, magalang, at mukhang masigasig."
by PEP Troika
Sep 18, 2023
Blind Item
Ayon sa fashionistang accla, si bortalicious actor ay “promdi siya na mabait, magalang, at mukhang masigasig."
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA:

Nare-resurrect ang skeletons in the past ng bortalicious actor ngayong may pangalan na siya kahit paano sa showbiz.

Salaysay ng isang fashionistang accla, “Promdi siya na mabait, magalang, at mukhang masigasig. May pangarap siya para sa sarili at sa mga mahal sa buhay.

“Nakitira siya sa bahay ko for six months. Help-help siya sa household chores at specialty niya ang paglilinis at pagkukumpuni ng kung anu-ano.”

Pinagkatiwalaan ni fashionistang accla si bortalicious actor na linisin pati ang kanyang bedroom.

One day, isang araw, nawindang si fashionistang accla dahil missing in action o lost in space ang tsekeng ibinayad sa kanya worth PHP56,000.

Hanash ni fashionistang accla, “Naka-pay to cash yun, kaya kahit sino ay puwedeng i-encash yun. Hanap ako nang hanap. Lahat ng sulok ng bedroom ko, hinalukay ko, pero waley talaga.

“One and only suspect ko, nobody else kundi si bortalicious actor na siya lang ang pumasok that time sa bedroom ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong panahong iyon ay umuwi si bortalicious actor sa bayan niya sa probinsya.

May-I-call si fashionistang accla at hindi na nagpatumpik-tumpik.

Ani fashionistang accla, nawawala ang tseke niyang PHP56K, at wala siyang ibang suspek kundi si bortalicious actor.

Super deny si bortalicious actor, hindi raw niya magagawa iyon, at marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

Hindi na-convice si fashionistang accla. Pina-trace niya ang tseke, na na-encash sa bangkong malapit sa hometown ni bortalicious actor.

One plus one equals two. Two plus two equals four.

Kailangan pa bang i-memorize iyan? Kailangan pa ba ng resibo kung sino ang nag-encash ng tseke?

Read:

Maimpluwensiyang Personality at Fashion Personality, nagtalakan at nag-iskandalo sa birthday party

Mga aberya sa set: May na-pack up, nagsakalan, naatrasan ng sasakyan

Sinong "JP" ang pinatatamaan ni Aiko Melendez sa kanyang blind item?

Call again si fashionistang accla kay bortalicious actor at inilatag ang mga nakalap niyang impormasyon. Real talk!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sey ni fashionistang accla, tanggap na niyang nagamit na ni bortalicious actor ang tseke. Pakibalik na lang sana ang natirang datung.

Pagbalik ni bortalicious actor sa Kamaynilaan, nag-sorry siya kay fashionistang accla at isinauli ang PHP15,000.

Iyon na ang ending ng kanilang ugnayan. Wala na silang communication mula noon.

Nabalitaan na lang ni fashionistang accla na karelasyon na ni bortalicious actor ang isang yayamaning bading. Kaya hopia, asado, at expectorant si fashionistang accla na ise-settle ni bortalicious actor ang balanse nitong PHP41,000.

Sey ni fashionistang accla, “Kering-keri na niyang ibalik ang datung na iyon, kahit lagyan pa niya ng 6.9% interest.

“Nakakapag-abroad na nga siya, nakakabili ng mga branded na kagamitan.”

Tigas ng tanggi si fashionistang accla na naging boytoy niya si bortalicious actor noong kalingain niya ito sa kanyang tahanan.

Nagkatikiman ba sila? Ngumiti si fashionistang accla nang sakdal hiwaga.

GORGY RULA:

Hindi maiiwasang maungkat ang mga ganoong kuwento kapag nakikilala ka na. Nasa iyo na iyan kung paano ninyo i-handle kapag maglalabasan na iyan ngayong kilala ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya siguro, ipagkibit-balikat na lang kung sakaling may lumitaw na naman na ibang kuwento tungkol sa bortalicious actor na ito.

Di ba, may kuwento pang magaling daw talaga sa kama itong si bortalicious actor? Kaya in love na in love si yayamaning bading kay bortalicious aktor?

Ginagawa ka raw kasing girl nitong si bortalicious aktor pagdating sa kama!

Read:

Dating Sikat na Aktor, Maganda at Mayamang Celebrity, naging sila ba?

Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend

Alluring Actress, echosera sa pahayag na pumayat dahil lamang sa diet

NOEL FERRER:

Sana na lang, magtagal sila sa relasyon nila ng kilalang personality kasi they deserve to be happy.

Sana rin, nasa komportable at happy place na rin ang kumalingang benefactor na naghuhumuyaw ng “Una Kang Naging Akin.”

Move on na dahil hindi rin maganda kung may nasasabi pang di kagandahang salita from him. Love, love, love na lang at good vibes, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz tita
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa fashionistang accla, si bortalicious actor ay “promdi siya na mabait, magalang, at mukhang masigasig."
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results