GORGY RULA:
Nasa Spotify na ang kanta ni Moira dela Torre na "Maria Clara, Everything Will Be Alright."
Jingle pala ito ng bagong endorsement niya, ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin.
Sa nakaraang media launch ng naturang endorsement na ginanap sa Luxent Hotel nung Huwebes, September 14, 2023, natatawa na lang si Moira sa nakakarating sa kanyang komento na parang lasing siya kung kumanta.
Nababagay nga raw sa kanya ang naturang endorsement. Pero nilinaw ng singer-songwriter na hindi siya naglalasing at ganun lang daw talaga siya magsalita.
"Hindi po. Akala po nila, lagi po akong nakainom. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na ganito lang po talaga ako magsalita.
"Paglabas ko po sa nanay ko, ganito na po. Pati po pag-iyak ko po yata, ganito na rin. Pasensiya na po.
"Baka yung nanay ko po, uminom ng [name of brand] kaya paglabas ko ganito na," pagbibiro ni Moira.
Safe ang mga ibinabatong tanong kay Moira tungkol sa media launch nito, dahil bawal daw ang mga personal questions.
Read: Moira dela Torre denies ghostwriting, cheating allegations
Ang laki ng ipinayat niya at lalo pa siyang gumanda. Pero mas naka-focus daw siya sa kanyang kalagayan na meron siyang ADHD (attention-deficit/hyperactivity disorder).
"I wasn't really focusing on my weight, it was more on my mental well-being, and I wasn’t depriving of any food...
"I wasn't depriving myself of anything. I was just taking everything in moderation.
"I was taking my time, taking it one day at a time. I think it's knowing how to acknowledge my weaknesses as well as my strength and acknowledging what was good for me and what was bad, and knowing what to walk away from.
“And so... ang saya. That's how I took care of myself," dagdag ni Moira.
NOEL FERRER:
First time na kumuha ang naturang inumin ng celebrity endorser. Si Moira ang kinuha nila dahil nakikita nilang bagay ang mga kanta niya para sa gagamiting jingle.
"When [name of brand ] approached me, I thought in my head that that's how they had originally the jingle sound like. But then in the end, when I looked back the campaign brief, it was very far from the jingles that I had made,” ani Moira.
“So, I made something that I thought would be nice to listen when you have a [name of product] glass on hand. Trying to unwind and seeing [name of brand] as a constant companion and trying to forget things, or trying to escape things or trying to rest your mind from thinking about things that you don't want to think about for a moment.
“I wanted to accompany that with music and will ease your mind for even just a little bit and remind you that kaya mo yan, you're not alone on this and things gonna be alright. And so that's kind how the process [name of brand] was working."
JERRY OLEA:
Ipinahiram ni Moira ang kanyang tinig sa bagong jingle o anthem na “Maria Clara” upang makapagkalat ng positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon.
Sinasabi ng kanta sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong lahat ay magiging maayos.