Ogie Alcasid, tutol sa pakikipag-live-in ng anak na si Leila sa rapper na si Curtismith

Ogie Alcasid, gustong kausapin nang masinsinan ang anak na si Leila.
by PEP Troika
Sep 16, 2023
ogie alcasid daughter leila alcasid
Is Ogie Alcasid ready if daughter Leila Alcasid decides o settle down with boyfriend Curtismith: "In my mind, yes, but in my heart, no. Ang corny, 'no? Yes. I've pretty much accepted that we're gonna hit on that road sooner or later."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @leilalcasid on Instagram

GORGY RULA:

Isiningit ni Ogie Alcasid sa kanyang schedule ang ilang araw na bakasyon sa Hong Kong kasama ang kanyang pamilya.

Kasama niyang umalis nung Biyernes, September 15, 2023, ang misis na si Regine Velasquez, ang anak nilang si Nate, at ang panganay na anak ni Ogie na si Leila Alcasid.

Sa Amerika kasi nag-birthday si Ogie nung nakaraang buwan dahil may U.S. tour ang Kilabotitos concert nila ni Ian Veneracion. Kaya ngayon pa lang nila ito ipinagdiwang sa Hong Kong.

Sa Monday, September 18, ang balik nila.

Kinabukasan, September 19, ay lilipad uli si Ogie pa-Honolulu, Hawaii, para sa Kilabotitos concert nila uli ni Ian.

Gusto ni Ogie na magkaroon siya ng sapat na oras para makausap nang masinsinan si Leila. Kaya hindi na muna kasama ang kasintahan ng anak niya, ang rap artist na si Curtismith.

Read: Rapper-songwriter Curtismith considers girlfriend Leila Alcasid "the one"

Aminado si Ogie na hindi niya nagustuhan ang desisyon ng anak na magsama na sila ni Curtismith nung pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero 25 na si Leila at nasa tamang edad na ito, kaya wala raw siyang magagawa kung ano ang desisyon nito.

Si Leila ang panganay sa dalawang anak ni Ogie sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren.

"I answered this already before," ani Ogie.

"I said, 'You know, I didn't like what you did. Because, that's something that I wished you talk to me about.’

"However, nandiyan na yan, e, ginawa niya na yan. So, you want to be an adult, so you face like as an adult.

"And I'm proud that she didn't ask money from me at all."

Kailangang magbigay ng panahon si Ogie para sa kanyang anak, dahil kailangan nilang magkausap ni Leila kung ano man ang plano nito at ni Curtismith.

Pagbalik ni Ogie galing Hawaii ay paghahandaan naman niya ang kanyang Ogieoke: The Concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa September 29.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ogie Alcasid, paborito nang kantahin ang "My Way" sa kanyang concerts

JERRY OLEA:

Sabi pa ni Ogie, napag-usapan naman daw nila ni Michelle ang tungkol kay Leila.

"Not at length. Pero nagkakasundo naman kami dun sa mga punto na disagree kami sa anak namin.

"But... kaya eto rin. Kaya kami magho-Hong Kong, kakausapin ko na naman yung anak ko, di ba?

"Ano ba talaga yung... it's my way also of having the time," saad ni Ogie.

Kung ano man daw ang plano nina Leila at Curtismith, kailangan lang nilang mag-usap pa talaga.

"Like, I remember, minsan gagawin ko, sabihin ko sa anak ko, 'Anak, tayong dalawa lang. Punta tayo Anvaya [Bali].’

"Tatantiyahin ko na taped na yung Showtime so tatlong araw kami dun. Kaming dalawa lang. So, I have the time with her," dagdag ni Ogie.

NOEL FERRER:

Handa na ba si Ogie kung sakaling mag-decide na sina Leila at Curtismith na magpakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In my mind, yes, but in my heart, no. Ang corny, 'no?" napangiti niyang sagot.

"Yes. I've pretty much accepted that we're gonna hit on that road sooner or later, and... kasi minsan pag nagkukuwento sina Gary [Valenciano].

“Kasi talagang ano na sila, e, sila ni Angeli like empty nest na talaga, e.

"Sabi ko nga, one day that's gonna be me. Yeah I'm ready," seryoso niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Ogie Alcasid ready if daughter Leila Alcasid decides o settle down with boyfriend Curtismith: "In my mind, yes, but in my heart, no. Ang corny, 'no? Yes. I've pretty much accepted that we're gonna hit on that road sooner or later."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @leilalcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results