JERRY OLEA:
Kaarawan ni Marian Rivera noong Agosto 12, 2023 nang una siyang mag-post sa TikTok.
Mahigit isang buwan pa lang sa TikTok ang Kapuso Primetime Queen pero 6.6M na ang followers niya roon, at iyong posts niya ay humamig na ng 63.8M likes.
Certified TikTok Queen siya!
Read: Netizens impressed by Marian Rivera's dance moves in latest TikTok video
“Parang hindi naman. Nahiya akong bigla!” bulalas ni Marian sa Solmux Advance Jam nitong Setyembre 16, 2023, Sabado ng hapon, sa SM North EDSA The Block, Quezon City.
Paano niya naisipang mag-TikTok?
“Wala lang. Kasi, matagal nang sinasabi sa akin na mag-TikTok ako. And then sabi, bakit di ka sumayaw?” tugon ni Marian.
“Parang sabi ko… parang ayoko nang sumayaw. Parang nahihiya na ako. Sabi, ‘Try natin.’ So, nag-try naman ako.
“To the left, to the right! Yun na yun!”
@marianrivera Try lang ???? #MarianRivera #FYP ? original sound - MarianRivera - Marian Rivera
Kahit baggy clothes ang kanyang suot, ang sexy-sexy pa rin niya pag nagti-TikTok!
“Sexy ba?” pagkunot-noo ni Marian nang slight.
“Basta siguro ang pinaka-key lang talaga, e, ako, ha, as ako na sumasayaw, ine-enjoy ko lang talaga siya,” mabining sagot ng premyadong aktres.
“Enjoy lang ako. Siguro, sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na love ko talaga ang pagsasayaw. Ibinalik ko lang ulit.”
Meron ba siyang gustong maka-collab sa pagsasayaw sa TikTok?
“Meron, yung asawa ko,” mabilis na tugon ni Marian. “Malapit ko nang mapilit.”
Anong reaksiyon ng mister niyang si Dingdong Dantes sa pagiging TikTok Queen niya?
“Super-proud naman palagi yun,” pagngiti ni Marian.
E, ang panganay nilang si Zia, ano ang reaksiyon?
“Natatawa siya. Parang… ‘Mama, to the left! To the right!’”
Andaming nagre-request sa comment section na mag-Marimar siya, pero parang hindi raw niya pinapansin?! Nababasa ba niya ang comments?
“Nakikita ko lahat, nagko-comment ako hanggang kaya kong mag-comment sa mga nagko-comment sa akin,” tugon ni Marian.
“Gusto kong magkaroon talaga ng koneksiyon sa kanila. Na nakikita ko ang mga messages nila, yung mga comments nila.
“Yung Marimar… ibibigay ko yan. Abangan!!!”
Pati sikat na celebrities, nagko-comment sa TikTok niya.
“Nakakatuwa. Natutuwa ako, kinikilig ako. Hindi ko talaga alam kung anong ire-react ko,” sey ni Marian.
“Kasi ako, sabi ko lang, i-enjoy ko lang siya. And thank you sa mga nakaka-appreciate.”
NOEL FERRER:
Tuluy-tuloy ang taping ni Marian para sa Kapuso family series nila ni Gabby Concepcion na Against All Odds.
Co-stars nila sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Tart Carlos, Marissa Delgado, Christian Antolin, Josh Ford, at Caitlyn Stave.
“To be honest, sabi ko, nangapa talaga ako. Ang hirap mag-adjust. Hindi ko na yata alam yung anggulo ko,” pagtatapat ni Marian.
“And then memorizing the lines again. Siyempre yung mga kasama ko dun, first time ko ring makasama.
“Pero after ilang weeks, naging OK na ako. Naka-adjust na rin ako. So looking forward ako palagi na mag-taping.”
Next week ay magsu-shooting na sina Marian at Dingdong para sa pelikulang Rewind ng Star Cinema.
Isa iyon sa official entries ng MMFF 2023.
A-attend ba siya sa ABS-CBN Star Magic Ball sa Setyembre 30?
“Ahhmm, alam ko kasi, may shooting kami niyan. So, alam ng Star Cinema, may shooting nang araw na yun.”
GORGY RULA:
Pinagkaguluhan nang lubos si Marian sa Solmux Advance Jam. Nang maghanap ng volunteers para makasabay niyang mag-Tiktok dance sa stage ay andaming gustong sumali.
Nang mag-judge si Marian sa singing contest, may puwesto na inilaan para maupuan niya.
Matapos kumanta ang isang contestant, hindi nakapagpigil ang ilang kabataang babae na nagkandarapang tumakbo para magpa-picture with her. May napasubsob para makalapit sa kanya!
“Love na love ko din sila. At eto na, magbabalik na ako sa prime time, at eto na, nagti-TikTok na ako,” sambit ni Marian.
“So, marami silang aabangan.”